"No, I think this one!" Sabi ni Flor habang masusing sinusuri ang mga libro. Pinapahanap kasi kami ng Professor namin ng libro about Mythical Creatures dito sa Library. Hindi ko rin alam kung anong ambag nito sa research namin. Baka nga mema lang 'to ni sir, e.
Si Florentine, My Best friend since pinanganak ata ako. Mag bestie na ang mga mama namin, Kahit hindi pa kami pinapanganak kaya; I would say na generation Bestie's na 'to. I am Palarina. I don't know kung bakit Palarina ang name na binigay sakin ni Momma kasi very unique talaga. My Momma died at my very young age. Kaya si Papa na lang talaga ang nagpalaki sakin. My Tita always sayin' na hindi pa patay si Momma kasi she just disappeared lang daw out of nowhere. My Papa never believe on her statement kaya hindi na lang din ako naniwala. Besides, wala rin kasing proof. Lumubog ba naman kasi ang barko na kung saan nakasakay si Momma, sino maniniwala na buhay pa siya hanggang ngayon? Kaya kahit masakit, tinanggap ko na lang din talaga yung truth na talagang patay na si Momma.
"Eto na siguro 'yun!" Sabi ko kay Flor. "Mythical Tales?" Tanong niya. Tumango ako. "Mythical naman kasi yung usapan 'diba? About "Myth", hindi ko nga alam kung pasok ba dun yung mythology, e. Pero okay na 'to. Sino ba naman kasing naniniwala sa myth these days? Right?" Nagkibit balikat siya. "My Mommy, though." Sabi niya at natawa. Well, she's right. Tita Karla, my momma's best friend. She never runs out of stories about Myth and stuff. I believed her when I was young. Sobrang madadala ka kasi talaga kapag nag kwento siya, para bang nanggaling siya sa mismong mundo ng mga Myth kaya alam na alam niya ang bawat details ng sinasabi niya. Pero hindi na kami bata ni Florentine para maniwala pa sa mga kwentong gawa-gawa lamang ng mga imahinasyon ni Tita.
"Yeah, I always admire her imagination nga, e. pwede nga siyang maging author, e. Tapos about Myths ang topic ng book niya. For sure, maraming bibili. 'Diba?" Sabi ko kay Flor habang naglalakad kami papunta sa librarian na nakaupo sa may lobby. "Yeah...Sometimes, naiisip ko nga what if those stories na binabanggit ni Mommy are not just folk tales? Like, what if... it's a memory of her that she loves to reminisce about?" She stop for a moment at tumingin sakin. Tumango-tango ako. "Yeah, naisip ko rin 'yan, pero impossible kasi diba?" Sabi ko at natawa ng saglit. "Of course it's hard to believe, kaya nga "what if" diba?" She said, "Pero nagegets ko yung point mo." Nagkatitigan kami dahil pareho na naman ang laman ng isip namin. "Pero, "What if?" Sabay namin sabi at natawa kami ng sabay.
Nag drive na siya ng kotse niya and then we went home. Hinatid niya muna ako bago siya umuwi sa kanila. "Want some coffee inside?" Tanong ko. "Hmm...May cookies paba kayo na ginawa mo nung nakaraan?" Tanong niya. "Uh-yeah, meron pa ata. Ang sarap 'no?" Sabi ko. Tumawa siya at tumango. "The best!" She replied. Bumaba na kami at pumasok sa loob ng bahay. Nag brew lang ako ng coffee at tinimplahan na rin. Flor is already upstairs, sa may balcony. Favorite namin dalawa ang balcony namin dahil tanaw na tanaw ang mga kabundukan.
Hapon na at golden hour. My favorite time of the day. Tinulungan niya ako kunin ang mga dala ko. Gustong gusto niya ang cookies na binake ko nung nakaraan. Masarap kasi talaga dahil hindi siya crunchy.
"Hmm-Ang sarap ng timpla mo!" Sabi niya nung natikman niya ang kape na tinimpla ko. She always compliment every little things that I did. Para siyang big sister for me kahit na magka-age lang naman kaming dalawa. Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay dahil nasa trabaho pa si Papa.
We talk and laugh. Nag kwentuhan lang about sa buhay-buhay. Lagi naman kami magkasama pero hindi parin nauubusan ng kwento. Hindi na rin namin namalayan ang oras at mag gagabi na pala. Nag paalam na siya sakin na uuwi na siya kaya ako na lang mag isa ngayon dito sa balcony. Dinama ko ang simoy ng hangin. "What if there's another side?" Bulong ko sa sarili ko. Biglang huminto ang ihip ng hangin kaya napamulat ako ng mga mata ko.
BINABASA MO ANG
World of Immortals
FantasyIn the enchanting realm of "The World of Immortals," follow the journey of Palarina, the spirited and optimistic crown princess, who plunges into a world of intrigue and danger after her mother's untimely death. Despite her extroverted nature and i...