"Look! Ang cute nung parrot na apat yung mata!" Sabi ko habang nandito kami sa labas ng Palasyo at kasama namin si Ynok dahil binabantayan niya kami. "Timang! Hindi 'yan parrot! Mukha ngang penguin oh!" Sabi ni Flor. "Nakakalipad ba yung penguin?" Sabi ko at tinarayan siya. Winisik ni Ynok gamit ang tubig galing sa fountain na nasa likuran namin.
"Medyo matagal pala lumipas yung oras dito, Pa 'no?" Tanong ko kay Ynok. "Naboboring ka lang" Sabi niya at tumawa. "Right! Paano ba kasi, wala ngang cellphone dito para makapag tiktok kami ni Pal!" Sabi ni Flor at pumadyak padyak pa sa lupa. Pangatlong araw na namin dito. Wala kaming ibang ginawa kundi gumala-gala sa loob ng palasyo tapos hindi daw muna kami pwedeng lumabas ng palasyo at makisalamuha sa mga Navi sa labas dahil hindi pa daw kami handa. Kailan naman kami magiging handa? Nakakainis naman!
"Wala pang Netflix! Paano kami maglilibang sa ganito? Lahat na ata ng hayop na may walong paa, manok na walang nguso, tiger na kumakahol at aso na mukhang baboy ang mga nakita na namin!" Sabi ko. "Edi sana nasa café kami ngayon ni Pal kung hindi kami umalis doon sa mundo ng mga mortal" Sabi ni Flor. Napangiti si Ynok at umupo siya sa paligid ng fountain.
"Kung ako sa inyo, lasapin niyo na ang mga araw na nakakatulog pa kayo ng maayos sa gabi at nakakangiti pa kayo habang nakatitig sa inyo ang araw. Dahil sa mga susunod sasapit na ang mga gabing natatakot na kayong matulog dahil hindi niyo alam kung magigising pa ba kayo o kung mayroon pa bang kinabukasan na naghihintay sa inyo." Sabi ni Ynok. Nagkatinginan kami ni Flor at nagkibit balikat.
"Ynok!" Sigaw ni Tita Luna. Naka damit siya ng hoan na kulay red, sobrang ganda niya talaga. Red na ang buhok niya ngayon. So pretty! "Bakit? Aking kamahalan?" Tanong ni Ynok na nagpawala saglit sa nakasimangot na mukha ni Tita. Nagkatinginan kami ni Flor. Hmmm! Smell something fishy here!
"Ngayon ang simula ng kanilang pagsasanay!" Sabi ni Tita at tumayo ng matuwid. "Ngayon agad?" Tanong ni Ynok. "Pagsasanay ng alin?" Tanong ko.
Hinampas ako sa likod ni Tita ng hawak niyang pamalo habang hawak ko ang espada ko. "Ituwid mo 'yang likod!" Sigaw niya. Nandito kami ngayon sa gitna ng kagubatan sa likod ng Palasyo kasama ang mga Navi na nagtatrabaho sa Palasyo. Hindi na'ko naka hoan na damit. Naka suot na ko ng damit na pang digma daw sabi ni Tita. Personal niya itong pinagawa. Kulay purple at black ang akin, green at white naman kay Flor.
"Hindi ba masyado kang nagiging marahas sa kanila?" Tanong ni Ynok habang tinitignan kami sa naawang mata. Kanina pa ako nag puppy eyes sa kanya kasi nakakailang hampas na sakin si Tita. Tinuturuan niya kami kanina pa kung paano gumamit ng sandata at kung paano makipag laban. "Sayo pa talaga nanggaling 'yan?" Taas kilay na tanong ni Tita kay Ynok. Sasagot pa sana si Ynok pero pinigilan niya na ang sarili niya. Naawa niya na lang kaming tinignan.
"Ulitin niyo!" Sigaw ni Tita luna dahil hindi pa ako nakakasapul sa archery na ginagawa namin. "Isa pa!" Naiinis na sigaw ni Tita sa amin. Halos mangiyak ngiyak na ako habang pinapatamaan ang apple sa taas ng puno ng narra. "Itutusok ko 'yan sa mga mata ninyo kapag hindi kayo nakasapul ngayon!" Sigaw ni Tita.
Sobrang dami ko ng sugat sa likod kakahampas samin ni Tita sa pagsasanay na ginagawa namin. Minsan ay hindi niya na kami pinapatulog sa gabi dahil tinuturuan niya kami makipaglaban. Tinuturuan niya kami ng lahat ng uri ng pakikipag laban. Ang bilis matuto ni Florentine samantalang ako lagi ang pinaka matagal.
"Tita nagugutom na ako!" Sabi ko nung hindi ko matamaan ang isang navi na inutusan niya na sapulin ko ng palaso na walang talim. "Hindi kayo kakain hanggat hindi kayo natatapos!" Sabi niya. Umiiyak na ako habang sunod sunod na pinapatamaan ng palaso yung isang navi pero wala man lang dumaplis kahit isa. "Nagugutom na nga ako!" Sigaw ko sabay hagis ko sa lupa ng pana at palaso.
BINABASA MO ANG
World of Immortals
FantasyIn the enchanting realm of "The World of Immortals," follow the journey of Palarina, the spirited and optimistic crown princess, who plunges into a world of intrigue and danger after her mother's untimely death. Despite her extroverted nature and i...