05: Bowa (a small ball of powers)

13 1 0
                                    

"Tell me what happened!" Tili ni Flor at nagmadali na sumampa sa higaan ko. "Shhh...baka may makarinig!" bulong ko sa kanya. "What? Is he tall? Dark? Does he fuck you? Omayga-" Pinitik ko yung noo niya. "For heaven's sake Florentine! Kumalma ka nga, anong tingin mo sakin kaladkarin?" May diin ang mga salitang sinasabi ko sa kanya.

"Kumusta muna si Tita? Anong ginawa niya habang wala ako? Hindi man lang niya ako kinamusta pagbalik ko. Is she numb? Hindi ba siya naaawa sakin? Dinala niya tayo rito para pahirapan!" Sabi ko at niyakap ang mga tuhod ko. Nandito na kami ngayon sa loob ng palasyo at nasa loob ng kwarto ko." She look so worried. Huminga siya ng malalim.

"Uhm...mommy was so worried about you, Okay? I even tried to chase you in the woods but she stopped me. After nun, hindi na siya lumabas ng kwarto niya. Hindi pa nga siya kumakain since then. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil nag-aalala ako sainyong dalawa." Sabi ni Florentine. "You know what? You two should talk to each other, apologize or something?" She continue.

Huminga ako ng malalim. She's right, mali talaga yung ginawa ko kanina. I'm being insensitive sa kung ano nararamdaman ni Tita. Masyado kong pinili manalo yung emotion ko. "Okay, I'll talk to her..." Sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo. She nod. "That's the best thing you can for her." Sabi niya at tumayo din kasama ko.

Pumunta ako sa kwarto ni Tita at kakatok na sana ako pero may narinig akong humihikbi kaya dinikit ko yung tenga ko sa pinto at pinakinggan kung sino ang nasa kabilang side ng pinto.

"Gusto ko lang naman sila maging handa, Inang Carmen! Mali ba 'yon? Gusto ko lang iparamdam sa kanila na dapat maging matatag sila dahil walang wala pa 'yung pinaparanas ko sa kanila once na nalaman na ng mga klanos kung paano gibain ang barrier na ginawa ni Talina dito. Kung pwede lang na mabuhay ang mga pamangkin ko sa mundo ng mga mortal ng matiwasay at payapa gagawin ko. Pero simula nung matunton nila ang kinaroroonan ni Palarina, alam ko na hindi na sila matatahimik hangga't hindi nila siya kinikitilan at hindi ako papayag na mangyari ulit ang nangyari kay Talina sa anak niya!"

"Wala kang kasalanan kamahalan, ginawa mo lang kung ano ang tama sa paningin mo." Narinig ko ang boses ni Inang Carmen.

Tumuwid na ako ng tayô at aalis na sana pero nagulat ako ng bumukas ang pinto sa harap ko at si Tita ang nakita ko. Namamaga ang mga mata niya na halatang matagal na siyang umiiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit at nararamdaman ko ang paghikbi niya. "Patawad...Pal" Bulong niya sakin. Aw...Naawa ako kay Tita kaya niyakap ko siya pabalik. "Sorry din po." Ayan na lang ang nasabi ko.

Nakatingin kaming dalawa ni Inang Carmen kay Tita habang mahimbing siyang natutulog. Tumahan na siya sa pag-iyak. "Iniisip lang ni Luna ang kaligtasan ninyo." Sabi ni Inang Carmen. Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti.

Bumalik na ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga. Ang dami parin tanong ang nasa isip ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot. Time will tell. Alam kong sooner or later malalaman ko rin lahat ng bagay na dapat kong malaman.

Natulog na ako dahil pagod na pagod ang katawan ko. Sobrang himbing ng tulog ko dahil pagkagising ko ay tanghaling tapat na. Paggising ko ay nakahanda na agad sa tabi ko ang susuotin ko. May narinig akong mga yabag mula sa labas ng kwarto ko.

"Gising kana pala, kamahalan." Sabi ni Inang Carmen. Kasunod niya si Papa. "Hindi kana pinagising ng Tita mo dahil sabi niya ay kailangan mo ng mahabang pahinga. Mamayang hapon na lang daw kayo magsasanay." Sabi ni Papa. "Ynok...pakisabi sa ibaba na ihanda ng makakain ang kamahalan." Nag bow sakin si Ynok at naglakad na paalis.

"Magbihis kana kamahalan, upang maihanda mo na ang araw mo. Hinihintay kana nila sa baba." Sabi ni Inang Carmen. Tatalikuran na sana niya ako pero nag salita ako. "Inang Carmen..." Sabi ko. Lumingon siya sakin ng dahan dahan at naghintay ng sasabihin ko. "Kung si Tita Luna na lamang po ang natitirang may dugong bughaw sa palasyo na ito, Bakit po hindi pa siya naging reyna? Bakit po hindi siya kinokoronahan bilang bagong reyna?" Tanong ko. May pagkagulat na bumakas sa mukha niya pero nawala rin bigla. Napalitan ito ng awa.

World of ImmortalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon