"Oh he's here!" Sabi ni Tita at nakita ko kung paano bumukas ang pinto kung saan kami pumasok kanina. "Hello, girls!" Sabi ni Papa. Lumapit kaming dalawa sa kanya ni Flor at sabay namin siyang niyakap. "Alam na nila?" Tanong ni Papa kay Tita at tumango siya. "Of course, they should." Sabi ni Tita. Naka office attire parin si Papa. "Edi wala na palang dahilan para magkunwari pa ako." Hinampas ni Papa ang suitcase na hawak niya sa binti niya at bigla itong naging espada. "Woah! That's so cool!" Sigaw ni Flor at pumalakpak kaming dalawa."Oh! Bago ko makalimutan, I'm Ynok, the Royal Guard of the North." Sabi niya at yumukod saming dalawa ni Flor. "Can I still call you 'Papa'"? Tanong ko. Tumayo na si Papa or "Ynok" daw sabi niya. Ynok is tall, 5 '9 yung height I suppose, tan skin, brown hair and hazel eyes. Crush nga siya lagi ng mga teacher or other mothers kapag family day noong Elementary ako hanggang mag high school, e. Kahit na ultimo mga classmate ko tinatawag siyang "Daddy" kapag nakikita siya tuwing kuhaan ng card. Gwapo naman kasi talaga si Ynok. Rafael yung name ni Papa, e. Ayan siguro yung mortal name niya. Siguro kaya hindi pala talaga tumatanda mukha niya ay dahil immortal siya. Sadly, hindi ko pala talaga siya tunay na Ama.
Kumamot siya sa batok niya. "Kung saan kayo kumportable, Anak. or should I say, Crown Princess of the North." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko at tinuro ang sarili ko. "Ako!? Nahuhulog na nga ang panga ko nung malaman ko na Prinsesa ako tapos ngayon 'Crown Princess' pa!?" Nakahawak na ako sa noo ko. "Yup, Darling. Dahil wala na ang Mama mo, Ikaw ang dapat na nakaupo sa trono ng Norte. Dahil ikaw ang kaisa-isang anak niya.
"Sabi niyo 'Immortal' tayo? Bakit namatay si Momma? Paano siya namatay" Tanong ko. "Silly, We're Immortal because we're not aging. Hindi tayo tumatanda! But still, when someone stabs you in your heart. Mamamatay ka pa rin!" Si Tita ang sumagot sa tanong ko. "Kung Reyna pala ang Nanay ko edi paano siya namatay?" Tanong ko. Nagkatinginan sila ni Ynok. Nakita kong umiling si Ynok pero umirap si Tita sa ere. "They're old enough para maintindihan." Sabi ni Tita. "But sooner or later, you will figure it out on your own." Sabi niya at lumapit sakin.
Napayuko kaming lahat sa lakas ng pagsabog na narinig namin sa labas. "KLANOS!!!" Sigaw ni Tita at biglang lumabas ang pulang pakpak niya at naging pula ang mga mata niya at humaba ang mga pulang kuko niya. Nagkaroon rin siya ng mga pangil. "Woah!" Sabay namin na sabi ni Flor. "Girls! Ang libro Pal!" Sigaw ni Tita pero hindi ko alam kung anong libro ang tinutukoy niya pero pumasok sa isip ko ang libro na nakita namin sa Library. Kinuha ko ng mabilis sa bag ko. Mabilis na hinablot ni Tita at may mga spell siyang sinasabi na hindi namin maintindihan at nag liwanag ang libro. Lumabas ang isang lagusan at itsurang langit ang kabilang side.
Biglang nasira ang pinto at nakita namin ang mga lalaking itim ang pakpak at mga naka maskara ng metal. "Bilis!" Sigaw ni Tita at nilagay niya kami sa likuran niya. Hinampas niya ang kamay niya sa ere at lumabas ang latigong apoy. Nakikipag laban na si Ynok sa dalawa sa mga 'Klanos' daw sabi ni Tita. Ginagamit ni Ynok ang sanda at kalasag niya. Mga nasa sampu ata ang lahat ng mga Klanos na nakikita ko ngayon. Hinampas ni Tita ng latigo ang isa sa kanila at mabilis itong namatay.
"Wah! That's so cool! Go Tita! You can do it Tita!" Cheer namin sa kanya. Tumingin naman si Ynok sa amin na parang nanghihingi rin ng cheer. "I-cheer din natin si Ynok!" Sabi ko. "Go Ynok!" Sabi ni Flor habang tumatalon-talon pa. Ako naman ang pumapalakpak. Binugahan ni Tita ng apoy lahat ng Klanos at napayakap kami ni Flor sa isa't isa dahil sa lakas ng apoy na binuga ni Tita gamit ang bibig niya. "Sunog!" Sabi ko. Burado pati yung buong bahay,e.
"Ynok! Tara na!" Sabi ni Tita at hinatak ako at si Flor papasok sa lagusan. "Hindi pa nga pala nakakalipad ang dalawang ito!" Sabi ni Ynok. Ibigsabihin, nakakalipad pala ako? Ibigsabihin pala may pakpak ako! This is so insane!
Lumilipad kami ngayon pagkatapos namin tumawid sa lagusan. Langit at mga ulap ang tagos nito. Nakasakay ako ngayon sa likod ni Ynok at si Flor naman ay sa likuran ni Tita habang pumapagaspas ang mga pakpak nila. Ang galing naman kasi magkakaiba sila ng kulay ng pakpak. Si Tita ay Red pero dark maroon na ang kulay niya. Si Ynok na ay parang yellow. Yung mga Klanos kasi na mga naka night and armor na may mga bakal sa mukha ay Itim ang mga kulay ng kanila. "Papa Ynok, ano kaya sa tingin mo ang kulay ng pakpak ko?" Tanong ko sa kanya habang lumilipad kami. "Hm...Surprise na lang" Sabi niya at tumawa.
BINABASA MO ANG
World of Immortals
FantasyIn the enchanting realm of "The World of Immortals," follow the journey of Palarina, the spirited and optimistic crown princess, who plunges into a world of intrigue and danger after her mother's untimely death. Despite her extroverted nature and i...