04: Moonok

17 1 0
                                    

"Sandali!" Sigaw ko dahil naglalakad na siya paalis pagkatapos namin kumain. Ano ba 'yan! Madaling madali naman 'to. Paano ako uuwi nito? I mean, uuwi sa palasyo, hindi sa mundo ng mga mortal. Dumaan kasi kami sa pintong nakalutang nila Tita, e. Hindi ko alam kung saan 'yun.

Tumakbo ako hanggang naabutan ko siya. Nasa gilid niya ako ngayon habang ang mga kamay ko ay nasa likod. "Uy, Thank You, ah?" Nakangiting sabi ko. Tuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako kinikibo. "Uhm...ano kasi, hehe" Sabi ko at kumamot sa batok. "...Alam mo ba kung nasaan ang palasyo ng west? Eh kasi, naligaw ako! Huhu! Sorry sa abala talaga pero, look oh yung feet ko masakit pa! Kapag nakita 'to ni Tita sana man lang makonsensya siya sa ginawa niya sa pamangkin niya!" Sabi ko at may bahid ng inis ang pagkakasabi ko.

"Isa kang navi...hindi ba?" Tanong niya. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti. "Kung ganoon, bakit nakalabas ka sa..." Huminga siya ng malalim. "...wala." Hindi ko alam kung anong pinagsasabi nitong lalaking 'to. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Hindi siya sumagot kaya nagkibit balikat na lang ako. Medyo masakit parin ang paa ko dahil namamaga pa.

Kanina pa kami naglalakad sa gubat na 'to at hapon na. Pinasan niya na rin ako sa likod niya dahil sobrang bagal ko maglakad. "Hala! May mga tao na!" Sabi ko. "Tao?" Bulong niya sa sarili niya. Napatakip ako sa bibig ko. "I mean...Navi, hehe or whatever they are."

"Klanos. Mga klanos sila" Sabi niya. Halos para akong hinugutan ng hininga. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad kaya hinampas ko ang likod niya pero huli na. Nakalabas na kami ng gubat at parang city ang nilabasan namin dahil napakaraming iba't ibang nilalang na hindi naman nalalayo sa itsura natin. "Bakit tayo nandito kung mga klanos sila? Baka patayin nila tayo! Ang sabi pa naman ni Tita mga kalaban ang klanos!" Sabi ko pero pabulong sa kanya. "Hindi ko maintindihan yung sinasabi mo. Sino ba 'yang Tita mo at bakit parang ang dami niyang nalalaman?" Tanong niya.

Dapat ko bang sabihin sa kanya? No! Edi malalaman niya na isa akong crown princess at baka mapa sa panganib ang buhay ko! "Uh...I don't know, she's uhm-sometimes...blubbering, I guess" Sabi ko. Pero kinakabahan na talaga ako dito kasi napapalibutan kami ng mga klanos! Wah!

Naglakad lang kami na parang normal lang. Nakapagtataka dahil hindi naman mukhang masama ang mga Klanos na 'to dahil ngumingiti sila kapag dumadaan kami o nakakasalubong namin sila. Ang karamihan sa kanila ay nakatago pa ang mga pakpak. Eto kaya na lalaki 'to bakit kaya wala siyang pakpak? "Uhm...pwede ba akong mag tanong?" Tanong ko sa kanya. "Nagtatanong kana" Sabi niya. Right! How stupid.

"May pakpak kaba? Kasi hindi ko pa nakita yung pakpak mo." Sabi ko. Huminga siya ng malalim pero hindi siya sumagot. Kapag kinakausap ko siya para lang akong nakikipag-usap sa hangin!

"Ikaw? Bakit hindi mo ginagamit ang pakpak mo?" Pagbabalik niya sakin ng tanong. May point siya. The problem is, hindi ko alam kung may pakpak ako or kung anong color ang pakpak ko. Hindi ko nga alam kung may kapangyarihan pa ako at hindi ko alam kung paano malalaman kung may kapangyarihan ka ba o wala. "Hindi ko nga alam kung may kapangyarihan ba ako, e." Sabi ko.

Huminto siya sa paglalakad sa harap ng isang tindahan na nagtitinda ng mga halamang gamot. Lumabas ang isang matandang babae na may hawak na malaking paso. Agad siyang tinulungan nung lalaki nung makita siya. "Moonok! Ikaw pala 'yan! Ang tagal mo ng hindi bumibisita sa akin. Nako! Kinakalimutan mo na ako" Sabi nung matandang babae. Moonok? So, Moonok pala 'yung pangalan nung lalaki. "Bakit kayo lamang ang nagbubuhat nito Nang?" Sabi ni Moonok sa matandang babae. Napatingin sa gawi ko 'yung matandang babae at nanlaki ang mata niya at napatakip sa bibig niya.

"Nako! Ito na ata ang pinaka masayang araw sa buhay ko, Moonok! Sino ang napakagandang dalaga na ito? Ito ba'y kasintahan mo na?" Sabi nung matandang babae at lumapit sakin. Tinignan ako mula ulo hanggang paa- "Hala! May bali ang sakong sakong mo! Halika sa loob at gagamutin natin 'yan" Sabi niya. Hindi na ako nagsalita at ngumiti lang. Nasa likuran ko si Moonok. Cute naman ng name niya, Moonok. Parang tunog manok lang. Moonok! bok-bok-bok!

World of ImmortalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon