Chapter 27

147 5 0
                                    

Nakaupo si Zaharrah sa sofa ng kanyang condo habang kumakain ng mansanas na nakasasaw sa toyo dahil bigla siyang naglaway ng makita niyang may dalang mga prutas si Erika na maagang pumunta sa condo niya. Napapansin nito na kanina pa nakatingin sakanya si Erika kaya pinagtaasan niya ito ng kilay.

"Ano tinitingin-tingin mo dyan?" Malditang tanong nito.

"Hindi ka ba nasusuka sa kinakain mo?" Tila nandidiring tanong ng kanyang assistant.

"Hindi, ang sarap kaya try mo" at nilapit ni Zaharrah ang kinakain pero agad itong tumanggi.

"Siya nga pala, paano yang pinagbubuntis mo?" Panimula ni Erika.

"What do you mean?" Takang tanong ni Zaharrah na busy sa kinakain.

"Balang araw maghahanap ng ama yang dinadala mo" Saad nito.

"Grabe kanaman Erika wag kang oa, hindi ko pa nga masyado tanggap na buntis ako e tsaka hindi pa malaki ang tiyan ko yan na iniisip mo at kaya ko naman palakihin mag-isa ang magiging anak ko " Mahabang pahayag niya sa kanyang assistant.

"But shaine, pag nanganak ka at lumaki ang anak mo may araw na maghahanap yan ng kalinga ng ama" seryosong saad ni Erika.

"Erika look may girlfriend si Alexander, ayaw kong maging kabet"

"Hindi ko sinabing magiging kabet ka shaine, may karapatan si Alexander na malaman yan dahil kahit anong gawin mo hindi mo maitatanggi na siya ang ama ng dinadala mo, o baka naman may mas malalim ka pang dahilan kung bat ayaw mong ipaalam" Mahabang wika ni Erika kaya napaiwas ng tingin si Zaharrah.

"Alexander and I are not on good terms" Zaharrah said.

"Basta pag-isipan mo mabuti ang sinabi ko shaine. Nasa kanya na yun kung matatanggap niya pinagbubuntis mo o hindi atleast masabi mo sakanya" Wika ni Erika at tumayo.

Napabuntong hininga lang si Zaharrah at napatango. Sa totoo lang ay wala naman siyang balak na sabihin kay Alexander ang pinagbubuntis niya dahil baka ipagtabuyan lang siya nito.
Baka umuwi nanaman siyang luhaan pag-nagkataon.

"Sige na papasok na ako sa boutique dahil pupunta ngayon yung loyal customer natin at baka bukas pa ako makabalik dito dahil may pupuntahan ako mamaya" Saad ni Erika sa kanyang ma'am. "Atsaka yung mga prutas na binili ko nilagay ko nalang sa ref" dagdag nito at tuluyan ng lumabas ng condo.

Naiwan naman si Zaharrah na tulala, iniisip niya kung tama ba ang magiging desisyon niya na itago kay Alexander ang pagbubuntis niya.

Gabi na at nagdidinner na din si Zaharrah, nagluto lang siya ng adobo dahil wala naman siyang masyadong alam na lutoin bukod kasi sa fast food ay palagi rin siya kumakain sa mga restaurant kaya wala siyang Ibang alam na lutong bahay.

Saktong paglagay niya sa sink ng pinagkainan ng may marinig siyang kumatok sa pintua. Nagtaka si Zaharrah kung sino ang kumakatok dahil sinabi naman ni Erika kaninang umaga na hindi siya pupunta ngayon gabi.

Out of curiosity Zaharrah went to her door and opened it. Pagbukas niya ng pintuan ay nagulat siya sa taong nasa pinto, mapupungay ang mga mata nito at amoy din ni Zaharrah ang alak.

"Zaharrah" The person in front of her softly called her name.

"Paano mo nalaman kung saan ang condo ko?" Zaharrah asked.

Pero imbes na sumagot ito ay bigla niyang niyakap si Zaharrah. Nabigla si Zaharrah sa ginawa nito pero agad din nakabawi.

"Hey, let me go. You're drunk" saway niya sa lalaki habang pilit na tinatanggal ang pagkakayakap sakanya ngunit mas lalong hinihigpitan ng lalaki ang pagkakayakap kay Zaharrah.

Agent Series I: Taming The Grumpy AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon