Chapter 32

168 6 0
                                    

Parehong naka upo sa sofa si Alexander at Zaharrah, nasabi na lahat ni Alexander lalo na yung tungkol kay Sofia kaya unti unti ng kumakalma ang babae na kanina lang ay halos hindi niya makausap ng maayos.

Hindi natiis ni Alexander ay nayakap niya ng mahigpit ang babae.

Nagulat naman si Zaharrah dahil sa biglang pagkayap ni Alexander sakanya. "Bakit?" Takang tanong niya.

"I'm happy. Napakasaya ko Zaharrah, magkaka-anak tayo" Masayang sagot nito.

"Yeah, magkaka anak tayo" Saad ni Zaharrah pero nahimigan nito ang lungkot sa boses ng babae. Ayaw ba nitong magka anak silang dalawa?

"Bakit ka malungkot? Ayaw mo bang magka anak tayong dalawa?"

Umiling ang babae at ngumiti ng tipid. "Gusto kong magka anak pero... may kompleto at masayang pamilya ang gusto ko na kalakihan ng anak ko"

"Masaya naman tayo Zaharrah. Magiging masaya tayo" Wika ni Alexander na tila hindi naiintindihan kong anong gustong iparating ng babae.

"Pero Alex, hindi mo kasi naiintindihan"

"Ipaintindi mo saakin Zaharrah" Desididong saad ni Alexander.

"Kompletong pamilya. May kompletong pamilya ang gusto kong kalakihan ng anak ko hindi ganto.. na magkasama nga tayo pero wala naman tayong relasyon at nabuo lang ang magiging anak natin dahil sa libog"

"Wag mong sabihin yan, hindi nabuo ang magiging anak natin dahil lang sa libog because we make love at pareho nating gusto yon" Hinaplos ni Alexander ang pisnge ng babae at ngumiti "Magpapakasal tayo Zaharrah. Kung gusto mo ng kompletong pamilya papakasalan kita"

Nagulat si Zaharrah sa sinabi nito na magpapakasal sila. "Nahihibang kana ba? Hindi tayo pwedeng magpakasal"

"Bakit hindi? Kala ko ba gusto mo ng kompletong pamilya" Nasa mata nito ang lungkot dahil sa pagtanggi ni Zaharrah.

"Wala tayong relasyon at wag mo akong pakasalan dahil lang nabuntis mo ako. Ayokong itali ka sa kasal na hindi mo naman gusto. Pakasalan mo ang babaeng mahal mo Alexander" Nakangiting saad ni Zaharrah kahit sa kaloob looban niya ay parang pinipiga sa sakit.

"Kaya nga kita papakasalan at plano ko din na pakasalan ka" Sagot nito habang hinahalik halikan ang kamay ni Zaharrah.

"Pero-" Hindi nito natuloy ang sasabihin ng magsalita si Alexander.

"Zaharrah isn't it obvious yet? I love you. You are the one I want to marry and be with" Pag-amin ni Alexander.

Nanigas si Zaharrah sa narinig. Ano daw mahal siya ng lalaki? Alexander love her?

Napangiti si Alexander sa naging reaksiyon ng babae. "Hey, say something" Ngunit hindi pa rin nagsalita ang babae at nakatingin lang sakanya kaya naman nakaisip siya ng kalokohan.

Kinagat ni Alexander ang leeg ng babae kasabay non ay pagpisil niya sa dibdib ni Zaharrah kaya napabalik sa huwisyo ang babae.

"Manyak" At tinampal ang kamay ni Alexander na nasa dibdib niya.

"Nakatulala ka kasi. Now, say something Mi lady" Alexander said while sniffing and kissing Zaharrah's neck.

Namula si Zaharrah dahil sa pagtawag sakanya ni Alexander ng Mi lady pero hindi ito nagpahalata. "The feeling is mutual" She said with a smile on her face.

"Mahal mo rin ako?" Nakatitig si Alexander sa mga mata nito na tila ba inaalam kong nagsasabi siya ng totoo. Tumango si Zaharrah bilang sagot.

"Oh come on say it. Say you love me, Mi lady" 

Agent Series I: Taming The Grumpy AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon