chapter 13

166 5 0
                                    

                       Xander POV

Ilang oras konarin sinusundan si Armando Solomon at ngayon ay nandito ako sa isang sikat na bar dahil dito siya nagpunta pumasok ito sa isang VIP room kaya hindi kona nakikita kung anong ginagawa niya sa loob, nasa loob ako ng bar at hinihintay na lumabas si Armando Solomon sa loob ng VIP room.
Nakita konarin ang factory nito na pagawaan ng drugs dahil nang matapos itong kumain kaninang tanghali sa restaurant ay dumiretso ito sa kanyang factory kasama ang kanyang ka meeting na si Osteen Chou isang American chinese na business man at ka susyo ni Mr. Solomon sa negosyo napag alaman ko rin na may illegal na negosyo si Mr. Chou sa pilipinas.

Ilang minuto pa ng paghihintay nang may mapansin akong ilang tao na pumasok sa loob ng VIP room kung nasaan si Armando Solomon may mga dala itong attache case, mayamaya pa ay  may lumabas na isang lalaki galing sa loob na VIP room at may dala rin itong attache case sinundan ko lang to ng tingin ng mapansin kung sa cr ito pupunta kaya dali dali akong tumayo sa aking kinauupuan at nagsuot ng mask para hindi ako nito mamukhaan sinundan ko ang lalaki dahil balak kung tignan kong ano ang nasa loob ng attache case.

Nang makarating ako sa loob ng banyo ay nakatalikod ito sa akin kaya hindi ako nito nakita na pumasok nilock ko ang pinto ng cr kaya nang lilingon na ito sa akin ay ubod ng lakas kong sinuntok sa leeg kaya nakatulog ito dali dali konaman binuksan ang attache case na dala nito at tumambad sa akin ang drugs na laman nito, pinagpalit ko ang damit namin ng lalaki at hinila ito sa loob ng banyo para walang makakakita nang masigurado kong wala ng makakakita dito ay lumabas na ako sa banyo dala dala ang attache case dahil kailangan ko pa ito dahilan bukas sa headquarter.

Nang makalabas ako sa bar ay pumunta na ako sa aking sasakyan at nilagay sa loob ng kotse ang attache case na aking dala hinanap naman ng aking mata ang sasakyan ni Armando Solomon dahil balak ko itong lagyan ng tracking device para kahit hindi ko ito sundan ay alam ko saan ang location niya, nang malagyan kona ng tracking device ang sasakyan nito ay bumalik na ako sa aking sasakyan at umalis na rin sa lugar na yun, magdidiner na muna ako bago bumalik sa hotel para tignan kong anong klaseng droga itong nakuha ko.

                     Harrah POV

Nandito kami ngayon ni Erika sa isang  hotel restaurant dito sa Paris sikat ito dahil sa mga design dito sa loob na para kalang kumakain sa isang garden may tanim rin na mga bulaklak dito mismo sa loob kaya maraming tao ang nagpupunta dito sa restaurant na ito, may photographer dito kaya kinuhanan niya ako pati si Erika ng litrato hindi na ako umangal pa dahil maganda naman ang background dito may ilang kumakain pa ang napapatingin sa akin at ang iba ay kinukuhan ako ng litrato kaya agad na akong bumalik sa aking upuan upang bumalik sa pagkain.

"excuse me, are you Lady Harrah?" Nakangiting tanong sa akin ng babae na malapit sa aming mesa sa tingin ko ay nasa 19 o 20 lang ang edad nito.

"Yes I am, why?" Sagot ko dito at ngumiti rin ng tipid.

"Oh my gosh you are very beautiful in person" sabi nito kaya natawa ako ng mahina dahil hindi mo aakalain na may pagka jolly pala ito.

"Thank you, you are beautiful too" sagot ko dito na nakangiti kaya bigla itong nagblush.

"You're blushing" pabirong sabi ko dito.

"I can't believe you told me I'm
beautiful" sagot nito na nahihiya.

"because it's true" I said and smiled at her.

"Can I take a picture with you?" Tanong nito sa akin

"Sure" sagot ko at nagpapicture na may ilan rin ang nagpapicture pa sa akin kaya hindi kaagad kami naka alis ni Erika sa restaurant na yun.

Isang oras pa ang nagdaan bago nakarating sa hotel na tinutuluyan namin ni Erika dirediretso na akong pumasok sa loob ng elevator at nakasunod naman sa akin si Erika siya na rin ang pumindot sa button ng elevator papunta sa 15th floor kung nasan ang aming room, nang marating ko ang aking kwarto ay pumasok na ako sa loob at nagtanggal ng heels hinubad ko rin ang aking dress hanggang sa wala ng natirang saplot sa aking katawan pumunta na ako sa banyo at naupo sa bathtub masyado akong napagod kaya kailangan ko magpahinga buti nalang at wala akong meeting at shoot bukas, kalahating oras ang tinagal ko sa bathtub ng mapagdesisyonan kong mag shower na dahil inaantok na rin ako.

Nang matapos ako magshower ay nag suot na ako ng roba at lumabas ng cr nag blower ako ng buhok at ng matuyo na ito ay kumuha ako ng masusuot sa aking malita hindi kona inayos ang pagkakalagay ng gamit sa aking malita dahil inaantok na rin ako, nahiga na ako sa kama at saktong ipipikit kona ang aking mata ng maalala kung naiwan ko ang aking cellphone kay Erika dahil pinadala ko sakanya kanina ang aking bag kung saan nakalagay ang aking cellphone kaya dali dali akong bumangon sa aking kama at nagsuot ng tsinelas dahil kukunin ko ito sa kabilang kwarto, paglabas ko sa aking room ay sinirado kona ito at kumatok sa room ni Erika na nasa harapan lang ng aking room.

"Ma'am bakit?" Bungad na tanong sa akin ni Erika ng buksan nito ang pinto mukhang natutulog na ito dahil sa kanyang itsura at gulo rin ang buhok.

"Naiwan ko ang bag ko sayo" sagot ko.

"Ay oo nga pala ma'am nakalimutan ko ibigay sayo" sagot nito sa akin .

"It's okay ako na kukuha matulog kana don dahil mukhang kanang manananggal sa itsura mo" pabirong sabi ko dito.

"Ma'am shaine naman ang harsh mo sa akin" sagot nito na nakanguso.

"Nagsasabi lang ako ng totoo" sabi ko at pumasok nasa loob ng kanyang kwarto nakita konaman ang aking bag sa may center table kaya kinuha kona ito at lumabas na rin.

"Goodnight ma'am shaine" paalam sa akin ni Erika bago nito tuluyang isara ang pinto ng kanyang room.

Pumunta nalang ako sa aking kwarto at akmang bubuksan kona ito ng may mapansin akong lalaki na parating sa aking kinaroroonan at kahit hindi ito nakatingin sa akin ay alam kung si Alexander Ching ito ngayun ay sigurado na akong stalker ko ito pero nagtaka ako dahil huminto ito sa kabilang kwarto ang 504 na kwarto papasok na sana ito sa loob ng mapansin niya na nakatingin ako sakanya kaya bigla itong lumingon sa akin.

"What?" Tanong nito na nakakunot ang noo.

"Stalker ka ba Mister?" taas kilay na tanong ko dito.

"Fuck of course not" sagot nito.

"E bakit palagi nalang kitang nakikita kung nasan ako tos nandito kapa sa tabi ng room ko" sagot konaman dito.

"Look, nagkataon lang siguro yun at hindi konaman alam na Ikaw ang naka check in dyan tsk" sabi nito "and I'm not stalker siguro kung magiging stalker ako sa magandang babae lang" dagdag pa nito kaya bigla akong nainis sa kanya sinasabi ba nito na panget ako.

"Sinasabi moba na panget ako ha?" Inis na tanong ko dito siguro kung nakakamatay lang ang matalim na titig ay kanina pa ito bumagsak.

"Wala akong sinabi na panget ka Ikaw lang nagsabi non" sagot niya sa akin at ngayon ay nakangisi na ito sa akin, kung noon ay nagagwapohan pa ako dito ngayon ay hindi dahil mukha na itong unggoy na hambog para sa akin dahil sa pinagsasabi nito, siya palang ang nagsabi sa akin panget ako ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to.

"Huy lalaki ang kapal naman ng mukha mo" bulalas ko sa hambog at masungit na lalaki na ito pero ang unggoy mas lalo lang ngumisi sa akin.

"Hmm Zaharrah shaine Allado sister of zarrah" sabi niya "magkaiba nga kayo ng ugali" iiling iling na sabi niya saakin, abat namumuro na to, anong gusto niyang palabasin di kami bagay maging magkapatid ni zarr--
Hindi ko natuloy ang iniisip konang bigla kong narealize na "sandali kilala mo ang kapatid ko?" tanong ko sakanya, masyadong private ang buhay ng kapatid ko pano niya nalaman yun.

"Yes, I know her" sagot niya kaya bigla akong kinabahan baka may gawin siyang masama sa kapatid ko oh no my baby sister kahit maldita yun sakin mahal na mahal ko yun.
"Huy lalaki may balak kabang masama sa kapatid ko? Dahil sa pagkaka alam ko wala masyadong nakakakilala sakanya" taas kilay na sabi ko sakanya.

He smirked "sinong hindi makakakilala sa isa sa pinakamagaling na agent ng JO" sabi niya sakin "but don't worry wala akong balak na masama sa kapatid mo-' huminto ito sa pagsasalita at tinignan ako mula ulo hanggang paa "pero sayo meron" at ngumisi pa ang unggoy na lalaki.

"Abat Ikaw lala-" hindi kona natuloy ang sasabihin konang bigla nalang ito pumasok sa kanyang kwarto.

Inis tuloy akong pumasok sa loob ng kwarto ko nakaka sira talaga ng mood ang lalaki na yun.

"Bwesit" bulong ko at nahiga na sa kama dahil matutulog na ako, pagpikit ko ay agad na akong hinila ng antok kaya hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako.

Agent Series I: Taming The Grumpy AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon