#SexualRevolution

35 0 0
                                    

KIM DELOS SANTOS

It was like in a dream...

The heaven's curtains are burning. The orange expanding sheet hovers all the more, catching up with the great fire ball to the west. Binuksan na mga streetlights papasok dito sa UPLB Campus. High school students walking by stared at us with wonder, while others walked faster in fear of our numbers and what we are fighting for.

"Ang masaklap sa lahat," Sabi ni June, kasama ko sa aking Upsilon Iota Sorority at nakasama ko dito sa pagaaral sa UPLB. "May makikinig ba sa'tin? O tatawagin lang tayong kasabwat ng NPA?" Inayos niya ang kaniyang facemask.

Lusak-lusak dito sa Carabao Park. The pools on the center are filled to the brim, as tadpoles swam around its greenish water. Yet despite all these, we, activists, stationed ourselves, readied the sound system, extra lightings, caricatures of Jose Rizal (about nine feet tall) clothed with the classic clothes of his day, made out of papier-mâché smirking overhead.

Inihanda din nila kanilang mga DIY paskil na nakasulat ng iba't ibang grupo ang kanilang pinaglalaban:

"DIVORCE LAW NOW!"

"NO TO FORCED PARENTHOOD!

INSTITUTIONALIZE ABORTION!"

"HUWAG MAKIALAM GOBYERNO SA SEX LAYF KO!"

"JUSTICE TO WOMEN-SURVIVORS OF SEXUAL VIOLENCE IN MARTIAL LAW, BLACKLIST 'YUNG MGA BAKULAW SA GOBYERNO!"

"DEAR MEN, IT'S OKAY TO CRY – SAFE SPACE LAW"

"SEXUAL LITERACY"

Sa kaliwa't kanan ng UP Gate ay may mga bakante, at ginamit 'yon ng ibang grupo na kontra sa amin Movement. Kanilang mga nakasulat sa paskil:

"GOD MADE MAN AND WOMAN ONLY! PERIOD!"

"WAG TULARAN ANG SODOM AT GAMORAH"

Iba naman ay gumagamit ng Bible Verse:

"MAT 19:6

SO THEY ARE NO LONGER TWO, BUT ONE FLESH. THEREFORE WHAT GOD HAS JOINED TOGETHER, LET NO ONE SEPARATE."

Umabot nga sa punto na sinisiguro nila na kita sila ng mga papasok dito campus at 'di kami halos makikita, kanilang mga malalaking paskil na gawa sa tarpaulin, samantalang sa amin ay puro gawa lang sa cartolina at poster paint; naka-todo ang volume ng kanilang sound system— chanting against us na kung gaano na daw kalala ang impluwensya ni Satanas sa kabataan ngayon. Nagngangalit aking mga ngipin. Gustong gusto ko sila sigawan kung anong mahirap intindihin ang ibang tao na hindi kaparehas nila?!

Our movement swelled. Karamihan sa amin mga aktibista (at sa oposisyon) ay nakasuot ng facemask tulad ni June, pero kami mga tagapagsalita ng aming sari-sariling grupo ay wala. Mas bihira naman yung iba na faceshield pa rin ang gamit, isang 'yon matigas na plastic, sinusuot na parang salamin.

Higit sa minimum health standards, iba kong Sorority Sisters ay sumali sa amin, kaso iba naman ay nangdoon sa oposisyon, lalo na yuung mga konserbatibo at rehilyoso. Yung ibang nanonood, at mismong kapwa-aktibista ay kinuha ang kanilang mga selpon at nag-bibidyo sa magaganap na pangyayari.

"HOY KAYO DIYAN!" Sigaw ng lalakeng umusli sa gilid ng tumatakbong jip pakanan dito sa campus, "PROTESTA KAYO NG PROTESTA, 'ALA NAMAN NARARATING. 'KALA KO PA NAMAN ANG TATALINO NINYO! 'ALA UTAK— IINGAY NIYO— TANGA!" Iba sa mga dumadaan ay pinigilan ang kanilang tawa pero na intimidahin agad sila nung makita aming laki ng kilusan.

Eto lang halos ang meron kami, habang yung oposisyon ay sumipot pa ang mga rehilyosong mayayaman na may-ari ng mga mall at iba pang maliliit na negosyo dito sa Los Baños. Mas madami sila kung tutuusin, as if they are like a tsunami of bodies about to overwhelm us. Ang huling pagasa na lang namin siguro ay aming mga tagapagsalita sa iba't ibang grupo ng #SexualRevolution movement at paskil na heto lang ang gawa sa tarpaulin: POLICY OUT OF FACTS & EMPATHY, NOT RELIGIOSITY!

Stories Found in a Box of CondomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon