Paano ka mapapansin ng CRUSH mo nang hindi nagbibigay motibo?

339 2 0
                                    

Paano ka mapapansin ng CRUSH mo nang hindi nagbibigay motibo?

Nako. Mahirap yan. Pero pagdating sa crush mo, lumalabas na ang natural na talino ng mga tao. Lalo na for teenagers. They are making genius ways para mapansin ng crush nila nang hindi sila nahahalata.. Pero pag andyan na.. Nako sira ang plano. Parang sa Academics lang yan. Magaling sa Written exam, bagsak sa Application! So here are some DO’s and DON’Ts na gagawin niyo pag andyan si Crush(SOMEJUAN).

1. WAG KABAHAN. KALMA LANG.

Don’t get nervous! Masisira lahat ng plano mo sa buhaycrushlife mo! Madali mahalata kung kinakabahan ka o hindi. Kung nakita mo si Somejuan at biglang nanginig ang tuhod mo at nablanko ang isip mo e mas okay na kung pumunta ka nalang sa harapan niya at sabihin mo na gusto mo siya. Kaya KALMA lang okay. Magpanggap ka na ang nakita mo ay isang ordinaryong tao lamang. Inhale.. Exhale..

2. DON’T BE AN ATTENTION SEEEKER. ACT NORMAL.

May mga pagakakataon naman na hindi ka nga kinakabahan pero nagpapapansin ka naman! Ay mga ate at kuya yan ang WAG NA WAG NA WAG niyong gaagwin! Wag yung tipong nung mga kaibigan mo palang ang kasama mo e nasa normal voice lang ang peg mo tapos pagnakasama mo na si crush para ka ng tindera sa palengke sa lakas ng boses at ingay. Kung yun ang paraan ng pagpapa-impress mo.. Sory mga bebe pero nakaka-turn off yun. May iba naman na maingay, nakikipagkulitan sa kaibigan tapos sumali yung crush mo bigla kang naging mayumi, mahinhin, pa-virgin at pa-bebe. NO! Wag ganun! Act normal. Mas okayy yun. Nakasama mo na nga. Naging komportable ka pa sa sitwasyon at HINDI KA PA NAGBIGAY MOTIBO!

3. LITTLE THINGS ARE BIG MOTIVES!

Magbibigay na lang ako ng mga Eksena. Pag natamaan kayo, penge piso. Hehe.

EKSENA #1

Biglaang dumating si Somejuan! Nagulat ka! Kaya agad-agad at dali-dali mong inayos ang buhok mo..  You comb your hair with your fingers and wet your lips. Pull your shirt para di gusot.

*Mali yun! Sabi nga sa number one, KALMA ka lang. Pwede mo naman gawin yang lahat. Katulad nga sa sinabi ko nung previous commercial ay nakikita mo si crush pag-haggard ka or kung kailan hindi ka prepared. Syempre sino banaman ang may gusto na makikita ka ni Somejuan na stress at haggard? Mga kaagaw mo lang naman kay Somejuan diba? Kaya do that stuffs with normal action. Be natural.

EKESENA #2

Nagkasalubong kayo ni Somejuan! Then your eyes got bigger and you lose your breath then bigla kang napahawak sa braso ng katabi mo!

*Halata ka don. Kung nangyari na sa’yo yun dahil hindi mo mapigilan ang bugso ng ‘yong damdamin e bawi ka na lang next time. So the next time na makasalubong mo si Somejuan, have your best natural, killer smile!

EKSENA #3

Kinausap ka ni Somejuan and you stuttered.

Hala. Natural yan kung tinmaan ka talaga. Na-blanko ka. Bumalik ka sa pagkabata na ABC123Happybirthday pa lang ang alam. If you stutter and may balak kang lusutan ito here are some suggestions pambawi sa nakakahiyang pagsta-stutter mo;

a. “Sorry! Wala ako sa ulirat ngayon.”

b. Ituloy ang pagstutter, Magkilos Budoy ka para dabest ang acting mo!

c. “Ha? Teka lang! May tumawag ata sakin e.. Narinig mo yon?”

d. “Wag muna ngayon, ang dami kong ginagawa. Bye!”

DON’T YOU EVER SAY THIS!

“Tapos ka na magsalita? Uhm.. Aaa.. So.. What do you expect me to say?”

Lutang lang? Nakaka-tanga yun promise. Haha. Nakakatawa din pala. Hahahahahatawaaa!

EKSENA #4

Tinanong ka ni Somejuan and you reject the question. For example:

Somejuan; Beiyeen itatanong ko lang kung paano ito gawin kasi hindi ko masyadong naintindihan si Ma’am e.

Beiyeen; Ahh.. Ganto kasi yan.. Ah! Nako! Di ko din pala alam yan! Kay Dannee ka nalang magtanong. Gets nya yan promise!

Mali yan!

Wag gawing tanga si Somejuan. Kaya nga ikaw ang pinagtanungan kasi alam niyang may makukuha siyang sagot from you! Wag ipasa ang tanong. Sagutin ang tanong. Do not stutter.

4. TREAT SOMEJUAN SPECIAL SECRETLY.

Kung hindi ka namimigay ng yellowpad sa iyong mga kaklase dahil madamot ka at agad agad mong binigyan si Somejuan nung nanghingi siya e halatado ka na nun. Special treatments baby. Try to be a sweet friend to Somejuan pag kayo lang ang ang magkasama or kung nasa ibang planeta ang mga malilisyosa mong kaibigan. Be natural pa din syempre.

5. WAG IPAGKALAT NA CRUSH MO SI SOMEJUAN.

Yan na yan ang wag na wag mong gagawin. Pero kung gusto mo mabuking agad e i-general message mo na crush mo si Somejuan! Like this..

“Good afternoon. Weee!! Nakita ko nanaman si crush sa may canteen! Ang pogi niyaaaa! Text po.

-Groupmessage<Somejuan3”

And pustahan pagkatapos masend ng GM mo e uulanin na kayo ng tuksuhan. And there’ll be a possibility na iwasan ka ni Somejuan. Do you like that? No right. Kaya sabihin lamang sa isang mapagkakatiwalaan kaibigan na may gusto ka kay Somejuan para may mapagkwentuhan ka din ng mga kilig moments niyo. I suggest na isa lang talaga ang sabihan. Find a secretkeeper friend. At kung hindi mapagkakatiwalaan ang nasabihan mo na crush e maghanap ka ng baho niya na panalo pag binulgar. Haha! Blockmailing lang? Kidding!

Yaan ay konti pa lamang. Marami pang pwdeng gawin.. Pwedeng malaman. Ang sabi ko nga, People are genius when it comes to Somejuan. Patunayan natin madlang pipol na hindi lang tayo sa written exam magaling. Okay? Have a happy Crushlife!

Never expect. Never assume.

End.

ABAKADA COMMERCIALS by EpalBei.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon