NGAYONG BAKASYON 2013...
NGAYONG BAKASYON...
Karaniwan nating starter sa statement yan. Dahil gumagawa tayo ng mga goals na kadalasang hindi naututpad. Bakit? Una, dahil puro dakdak lang at walang gawa. Pangalawa, gusto gumawa, wala namang kasama. No support kung baga. Iyan kasi ang hirap sa atin. Hindi tayo makakilos, makagawa ng MAG-ISA. Big deal sa atin ang sasabihin ng iba, kesyo ganto, kesyo ganyan, LONER KA DAW. Aba, paki nila? At least we have our goal at hindi silang mga ‘nobody’ ang sisira nito. Teka lang.. Ano ba ang mga kadalasang goals ng isang individual pag sumasapit na ang bakasyon?
1 WORK-OUT
“Ngayong bakasyon talaga, magpapapayat ako!”—Iyan ang TOP 1 statement ng mga tao habang papalapit na ang bakasyon o mismong bakasyon. E sabi nga ng iba, mahirap magpapayat pag bakasyon dahil hayaahay tayo at puro kain-tulog-wattpad lang ang ginagawa. I disagree. You have all the time para mag-work-out. Discipline lang and you’ll make it bebe! Bihira lang ang nakakaapak sa Finish line and made it a success. May iba naman na sa una lang.. Tapos wala na. So it’s up to you kung saan ka. Ako nga mag-uumpisa na ngayong bakasyon. Ayoko maging mataba habambuhaiiii.
2 GENERAL CLEANING
Tama nga naman. Maglilinis ng bahay. Lalo na sa Study room o kwarto kung estudyante ka. Yung mga papel mo. Mga testpapers with failing grades? Ayaaan tapon mo yan pero yung mga testpapers na amy maatataas na grades lagay mo sa folder o di kaya sa envelope. Kung minsanan lang yang matataas na grado, ipa-frame mo pa. Yung mga papel na tinatago mo kasi may memories yon yung may nakalagay pa halimbawa na “BEIYEEN <3 SOMEJUAN mga ganon. O kaya yung mga drawings niyo habang nagkaklase ang nakakaantok niyong teacher. Ligpit ligpit din. Itago ang mga pwede pang gamitin next year at wag manghinayang itapon ang mga di na kelangan for the next school year.
3 MAGHAHANAP AKO NG SUMMERJOB
Very good ka bebe kung nagkaroon ka ng ganyang statement. Kesa hayahaay ka sa bahay at nababaliw ka na kung ano pang pwedeng gawin bukos sa hayahaay moments e why don’t you find a job? Bio-data lang at pamasahe at pagsisikap okay ka na. Ingat lang sa papasukang Summerjob. Be sure na safe yan. Kunwari pusher.. Mga ganon. Kidddddeng! At kapag may sweldo ka na derecho sa Magulang ha? at wag sa mga Date date na yan. Mother figure ba ako? Haha.
4 MAGSISIMBA/MAGWOWORSHIP NA AKO EVERYWEEK.
Nung schooldays kasi pag sobrang busy pati ang inyong weekends naapektuhan na. Ngayong hayahaay ka naman ngayong bakasyon, bakit hindi ka bumawi ka Papa Lord? Remember, by Him.. You wake up every morning at eto pa pinagbabasa ka pa ng Wattpad. Gusto mo bang hindi magising? Ano ba naman yung isang oras. Hiyang hiya naman ako sa’yo!
5 MAGSI-SWIMMING AKO SA BEACH O KAYA SA POOL O KAYA SA ILOG! SA BATIS! SA BATYA! SA DRUM!
Traditional na yan. Samahan mo pa ng Halo-halo. Woooo! Refreshing! Tapos iihi ka sa pool kasi tinatamad ka mag-CR tapos yung kasama mo sa pool makakaramdam ng init. Hehe. At wag lang tayo sasapian ni Ka-shungahan at malunod o madulas pa tayo. Ingat Nito at Nita. :D
6 MAGAHAHANAP NG TRUE LOVE
Saan mo hahanapin!?
1 Resort
2 beach
3 party
4 kapitbahay ng pinagbakasyunan mo
5 kasabay mo mag-jogging
6 facebook
7 textmate
8 Player sa liga
9 Co-worker mo sa summerjob
10 Kasabay mo bumili ng Halo-halo
11 Katabi mo sa simbahan
12 Wattpad
At napakadami pang iba. Genius si Kupido pag dating jan.. Naiinip ka na ba? Don’t worry, naiinip din ang taong meant for you sa pagdating mo sa buhay niya.
6 MAGWA-WATTPAD AKO.
Magwawattpad ako! At babasahin ko ang mga stories na gusto ko basahin!
Ngayong bakasyon magpapapayat ako.
End.