BOLA-BOLA MAMBOBOLA BASKETBOLISTA TRUMPO YOYO

41 0 0
                                    

BOLA-BOLA MAMBOBOLA BASKETBOLISTA TRUMPO YOYO

Kung madali ka mabola,mabilog sa mabulaklak na mga sinasabi sa’yo ni Junjun? edi madali ka maloko. Yan ang kahinaan nating mga Girlalu. Kaya kailangan nating maglagay ng Anti-Virustrumpoyoyo at makapangyarihang Firewall sa ating mga puso’t isipan. E ano-ano ba ang mga sinasabi at ginagawa ni Junjun na pambobola? JUNJUN! Paki-enumerate nga!

“Mahal na mahal kita! Ikakamatay ko pag-iniwan mo ako.”

Taas paa sa mga naniwala kay Junjun! Sus. Ano ka ba Girl! Wag ka papadala sa emosyon mo! Binobola ka lang niyan! Ito na ata ang statement na hindi na luluma. Ano Junjun? Namatay ka ba? HINDI DIBA? OA mo ha. Mga sinasabi niyo panindigan niyo. Para mabawasan mga manloloko sa mundo. Haha. KALMA KA LANG BEIYEEN! Unang statement pa lang ito.

“Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko. Kaya nung nakita kita gusto na kita agad ligawan.”

Una, kung hindi ka ganun kaganda wag asyumera. Girl! Hindi tayo uto-uto okayy. Bawal yan sa federasyon. Kung sa Nanay mo nanggaling na maganda ka e maniwala ka! Sa kanya ka lang maniwala. Haha. Sinasabi lang yan ni Junjun dahil yan ang topnatch na gusto marinig ng isang babae mula sa isang binata na nagngangalang JUNJUN. Hoho.

“Ikaw lang katext ko noh. Ikaw lang ang babae sa Contacts ko.”

Kung uto-uto ka, matutuwa ka dahil dito mapapakita ang pagiging faithful ni JUNJUN. OWS? DI NGA? Ikaw nga lang katext pero may katawagan naman. Tagal magreply! Every ten min. ang reply! Ikaw lang ang babae sa Contacts niya. That is imposible. Kung hindi bakla si Junjun.. I guess, baka nagsisinungaling siya?

“Sino nanaman nagsabi na umiinom po ako? Di po ahh. ayaw mo po diba na umiinom ako? Di kita matext wala signal e. Kainis. Malolowbat na po ako.”

Tinetext niya yan sa kalagitnaan ng inuman. Astig noh? JUNJUN, wala ka na bang ibang maisip bukod sa WALANG SIGNAL AT MALOLOBAT NA AKO? Tss. We need new lies baby!! Yung bang, kinain ng aso yung phone mo. O kaya nagbabasa ka ng Wattpad. Ganun.

“Ikaw lang ang mamahalin ko habambuhay.”

Kahit magbreak kayo ngayon? Kahit nakawin niya ang ari-arian niyo? Kahit gawin niyang adobo ang aso mo? Nako JUNJUN ka! Ang habambuhay niyo is just a 6-month-relationship baby!

“Sorry po. Nakatulog po ako. Nako, gabi na pala! Sorry po. Kagigising lang.”

Nakatulog? Baka nagDotAslashHONslashYoutubeslashWATTPADslashDotaule. Malaki kasi ang pusta. O baka pro si Junjun kaya natutulog habang nagdodota. Girls! Be considerate naman.

“Nag-aaral po ako mabuti para sa kinabukasan natin at sa magiging pamilya natin.”

Junjun? Engaged na agad? Family planning? Mag-aral ka para sa mga MAGULANG mo nakumakayod hindi dahil sa paghaharot mo para makapag-Date tuwing weekends! At ikaw girl? Gusto mo naman at tuwang tuwa ka? MAGULANG MUNA!

Yan ay sobrang konti pa lamang sabi ni Junjun. Yang mga statements na yan thru text, hindi mo malalaman kung personal msg o general msg. Kung personally, tignan mo yung ilong kung lumaki. Nambobola e. Mga girls, kilalanin natin si Junjun mabuti. Pagsinabi nila yan sa inyo sabihin niyo nalang PALAGI na..

“Junjun, wag mo sabihin.. GAWIN MO. Wag puro dakdak okey?” Ingat mga girls.

JUNJUN, kung nagagalit ka at sobra ka makareak sa mga pinagsasasabi ko, kayo naman ang gumawa nito ahh. Kung galit ka e di... GUILTY KA? Ewan ko lang. Sa tingin niyo mga Girls? Palaging may oras tungo sa pagbabago. Respect the girls and Action speaks louder than words.

“I love you.”

End.

ABAKADA COMMERCIALS by EpalBei.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon