PROLOGUE

5 0 0
                                    

Antipolo, Rizal

December, 2023

12:39 am



"Ilan na ang body count mo? Ally?" tanong ni Darwin.

"Ha?" tingin ko sa kanya.

"Hala, wala na naman sa wisyo si Ally." buntong hininga ni Davy sabay hampas sa akin.

"Ha? Ano ba kasi iyon?" inis na sabi ko kay Darwin.

"Sus, ang sabi ko nakailan ka na? Alam mo na iyon." ngisi ni Darwin.

"Oo nga, nakailan ka ba? last time na sabi mo, isa lang at still, virgin ka padin dahil nga sabi mo, walang nangyari sa inyo ng ex mo." kantyaw ni Anya.

Matagal akong nag-isip bago ko sila sinagot.

"Isa pa rin naman, tsaka kung magkakaroon man ako, hindi ko pa alam." tingin ko sa kawalan.

"Naku, Ateng Ally, mawawala ka na sa kalendaryo, still wala padin? landi-landi naman uy! gayahin mo ito si Anya, nakailan na kahit may asawa." tulak sa akin ni Davy na muntik ko ng ikalubog sa swimming pool.

"Che, palibhasa talo pa din kita Davy, hahaha." maarteng sabunot ni Anya kay Davy.

"Che, ikaw kasi ang reyna, sinalo mo lahat hahaha." maarteng hampas naman ni Davy kay Anya hanggang sa nagbibiruan na sila.

Tumayo naman ako para bumalik sa cottage namin kung saan naghihintay ang dalawa pa naming kasamahan sa trabaho, NOON.

Umalis na kasi ako sa trabaho ko noon na call center, medyo toxic na kaya nagkanya-kanya kaming karera sa buhay. 

"Oh, Ally, ambilis mo naman ata? " tanong ng pinakamatanda sa amin. Si Ate Rowena.

"Ahh, nilalamig ako kaya stay muna ako dito tsaka para makapagcellphone din." ngiti ko dito kahit ang totoo may iniisip ako kaso hindi ko alam kung ano din iniisip ko.

"Ahhh." tango na lang nito.

Saktong pagkuha ko ng cellphone ko ay ang pagbalik ng tatlo. Unti lang kami kaya hindi din ganun kaingay.

"Ano, tara, Sama ka Ally bili tayo drinks." sabay kindat ni Davy sa akin.

Tumayo naman ako at syempre kasama ang dalawa, nauna na akong maglakad samantalang si Davy ay kumapit kay Darwin, may gusto kasi itong si Davy kay Darwin. Samantalang si Anya ay nasa likod lang namin at may panaka-naka na pagtulak sa dalawa. 

Napapangisi na lang ako sa ginagawa nilang tatlo. Ewan ko ba, di lang ako sanay o baka introvert lang talaga ako at sanay na nag-iisa.

"Hi, Ate, pabili ako ng pagmamahal mo. Yieeee." sabi ni Davy.

"Huy, di ka pa lasing ha!" hampas ko dito.

"I know, pinatatawa ko lang si Ate., Hahaha" 

"Ingay mo talaga." reklamo ni Anya.

Bumili na kami ng drinks kundi alak.

Lumipas ang magdamag na nagkwentuhan lang kami instead na mag-inom. May pasok pa kasi sila Ate Rowena at Anya. Sila na lang kasi ang natitira sa call center. Ang titibay nga eh. 

Nakita ko naman ang dalawa, Si Darwin at ang mga lihim na sulyap ni Davy kay Darwin. 

"Alam niyo, nagkahiyaan pa kayo eh, mag-usap na kayo sa Cr kaysa naggaganyanan kayo sa alak." tingin ko sa dalawa.

"Pshhh." inis na turan ni Davy.

"Ikaw kasi, ayaw mong uminom." tingin sa akin ni Darwin.

"Gagi, paano ako iinom eh isang baso pa nga lang, biglang sumakit tyan ko. Sensya na, nag-gagamot kasi ako." sabi ko dito.

"Ano, tuloy pa ba? Tulog na si Anya, bawal magheavy, may pasok  pa sila." tanong ni Davy.

"Ikaw bahala." sabi ni Darwin.

"Sensya na bawi na lang me next year. hahaha." sabi ko sa kanila.

Napabuntong hininga na lang silang dalawa sa akin hanggang sa sumapit ang umaga ay hindi nila ako napilit.

Kasalukuyang kong binabaybay ang pauwi sa amin. Sa Montalban. Wala rin kasi akong pasok kaya dakilang tambay muna ako.

Sinunod ko na kasi ang yapak ng pinag-aralan ko kaya iyon, nakahiwalay na ako sa kanila. 

Isa akong guro sa pribadong school sa Montalban but still isa parin akong tarantadong tao kapag kaharap ko mga kaibigan ko. 

Pero parang habang tumatagal at nabubuhay ako sa mundong ginagalawan ko, feeling ko, wala akong silbi lalo na sa pamilya ko. May trabaho nga pero hindi ko kayang makapag-abot sa pamilya ko. 

Ewan ko ba. Feeling ko kasi wala parin akong kwentang anak.

'Argggghh'

"Huy, Ate, anong nangyayari sa iyo?" daan ng kapatid kong si Cessy.

"Wala. Huwag mo na akong pansinin." walang emosyon kong sabi dito.

"Okay, para ka kasing baliw. pshh" sabay alis nito na tila kakagaling lang sa gising.

'baka nga baliw na ako.' lihim kong sabi.

Napapagod na ako sa pang-araw-araw kong buhay dahil feeling ko lagi na lang akong nakakulong sa bagay na gusto ko ng makalimutan. Ano bang gagawin ko?



Maybe...........







'I want to Die'







DESPAIR (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon