DESPAIR 1

1 0 0
                                    

February, 2016

"Huy, Ally, kailan ka ba magboboyfriend? Parang 2 years na tayong magkaibigan, wala ka man lang pinakikilala sa akin?" sabi ng kaibigan kong si Jaimy.

"Ahhm, ayaw ko pa." tingin ko dito.

"Sus, kailan pa? kapag losyang ka na? Promise, baka maging inlababo ka kapag nakaexperience ka ng may boyfriend." tulak nito sa akin.

"Weehhh? well, tignan na lang natin." ngiti ko sa kanya.,

Maagang natapos ang klase namin. Bahay at school lang naman ang buhay ko. Doon lang umiikot ang buhay ko hanggang sa makasali ako sa isang gc.

Nagulat na lang ako andami ng chat sa GC na iyon. Naalala ko pala na nagcomment nga pala ako sa isang post na nag-aadd sa GC nila.

I want to be an extrovert pero di ko talaga kaya, baka sa GC na ito may maging kaibigan ako.

________________________________________________

LOVE LANG WALANG AWAY GC

Amelia: Hi po dito.

Ben: hello po.

Andrew: Hi po Amelia.

                                                                      Me: Ano po ito?

Calvin: GC po malamang

Me: Alam ko po, pero ano pong gc nga ito?

Andrew: Uso po basa.

Ben: Huwag niyo siyang awayin, diba Allypots.

Me: Sorry naman po diba?

Andrew: Paintertain naman ako diyan, sino ba nagpasok sa kanya, baka mabored tayo dyan.

_____________________________________________________

Sa sobrang inis ko, nagleave na lang ako hanggang sa may mag message request sa akin. Pag-open ko ng message ay isa sa mga nasa GC.

____________________________________

Ben: Hi po.

Ben: Hayaan mo po sila, Add na lang po ulit kita.

Ben: Huwag ka ng magtampo sa kanila, ganun talaga sila.

Ben: Taga saan ka po pala?

_____________________________________

Hala, feeling close yarn? Bahala ka nga dyan.

Kinabukasan

Nagising na lang ako na marami na naman na tumutunog sa cellphone ko kaya tinurn-off chat ko ang GC kung saan ay binalik ako nung Ben.

Inaccept ko kasi ang friend request niya dahil mukha naman siyang mabait, hindi na rin naman kasi siya nagchat pa kagabi kaya tahimik din ang gabi ko pero mukhang hindi ngayon.

____________________________________

Ben: Good Morning po.

Ben: Kain ka po ng breakfast.

Ben: Ingat ka po kung san ka pupunta.

______________________________________

'Yuckkkk, Ewww' 

Inis akong pumasok sa school dahil sa message niya. Hindi lang siguro ako sanay. Hindi naman kami magkakilala eh kung magganun ng chat sa akin ay para kaming magkakilala. Ganun lang siguro ang feeling kapag nasasali sa iba't-ibang GC.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DESPAIR (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon