Chapter 4: Theft

78 31 108
                                    

4TheftKino

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4
Theft
Kino

"HOY, Maladoro! Ano ba talagang kailangang gawin natin dito?" tanong ko kay Maladoro, halos mag-i-isang oras na kasi kaming magkatalikod na nakaupo sa malaking pader na 'to. Kaninang-kanina pa 'ko pinagpipyestahan ng mga lamok dito

"Basta, gawin mo na lang kung ano makikita mo mamaya. Wag ka ng tanong ng tanong! Malalagot ako nito kay bossing e!" kakamot-kamot na sabi nito at panay pa rin ang palinga-linga.

Tsk, siguraduhin lang talaga ni Maladoro na may mapapala kami rito sa tinatawag niyang bossing para mayroon akong maipandagdag sa pambili ng pampasadang jeep ni tatang.

"Sandali, Kino. Tumahimik ka muna diyan ha" Bulong nito sakin at dahan-dahang humakbang ng may makitang anino na paparating sa gawi namin.

Tumalikod na lang ulit ako sakaniya at humarap sa kawalan.

"Ano bang-" naputol ang pagsasalita ko ng may isang ale ang natatarantang nagsisigaw ng sigaw.

Dali-dali naman akong humarap patayo.

"TULONG! MAGNANAKAW! MAGNANAKAW!" pumapadyak na nagsisigaw ito. Andaming mga tao ang nagkumpulan sakanya at tinuturo niya ang tumatakbong lalaki na hawak-hawak ang bag niya.

Tumakbo at nakihabol naman ang iba ngunit sadyang mabilis talaga tumakbo si MALADORO?! Langyang to!

Idinawit pa nga ako sa illegal na trabaho! Akala ko naman, matinong trabaho to! Kitang-kita ko kasi ang suot ni Maladoro habang sobrang tulin ng takbo nito habang hawak-hawak ang bag na ninakaw!

Hayup talaga 'to kaya naman pala hindi nagsasabi kung ano tong trabaho na papasukin namin, limanlibo nga ang sweldo ganitong uri naman pala ng trabaho. Aba, ay wala rin!

Nakitakbo na rin ako at dumaan sa posibleng dadaanan ni Maladoro. Mas mabilis ako tumakbo kaysa sa kanya dahil mas bata ako kay Maladoro.

Hindi nga ako nagkakamali, doon rin dumaan si Maladoro sa eskinitang wala masyadong tao.

Nang makita niya ako, inihagis niya ang bag na hawak-hawak niya. Dali-dali ko itong sinalo at nagtakbuhan kami.

Tawag naman ng tawag sakin si Maladoro na hindi doon ang daan.

Tumakbo ako palayo at nang makitang wala na doon si Maladoro, humihingal na napasandal at napaupo ako sa pader.

"Hayup ka talaga, Maladoro. Ipapahamak mo pa ako," sabi ko habang pinupunasan ang tumutulong pawis sa noo ko at tumayo.

Habang naglalakad ako patungo sa pinagtatambayan kanina namin ni Maladoro, nakikita ko na mayroong mga pulis at iba pang tao na nakikipag-usap sa Ale.

Napatingin naman sa akin ang dalawang pulis at iba pang naroroon.

Inabot ko sa ale ang bag niya, at tuwang-tuwa naman siya nang kunin ito mula sa akin. "Maraming salamat, pogi! Akala ko talaga, mananakaw na sa akin 'to ng tuluyan. Hindi 'to puwedeng mawala, bigay pa 'to sa akin ng sumakabilang asawa ko." Maluha-luha niyang sabi sa akin.

Paint In RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon