Chapter 6: Stalking Shadow

14 9 7
                                    

6Stalking ShadowKino

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

6
Stalking Shadow
Kino

"ANG saya lagi ng tatang mo, Kino. Simula ng ibili siya ni Aling Seni ng Electric Jeep, Aba! namamasada agad kahit wala pang tumitilaok na manok." manghang-mangha na sabi ni Maladoro sa'kin.

Binalewala ko si Maladoro at pinagpatuloy ang ginagawa. Ipinaayos kasi sa'kin ni Aling Seni ang sirang aircon nila, mabuti na lang talaga at naturuan ako ni Tatang noon mag ayos ng mga sirang gamit.

Hindi nakuntento si Maladoro at umupo pa sa tabi ko. "Blessing in..." tumigil si Maladoro at tila nag-iisip ng sunod na sasabihin. "Kino, ano nga ba ang tawag don. Blessing in ano? Disgust?" tanong nito sa'kin at siniko-siko pa ko.

Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na binalik ang pokus sa pagkalas ng Aircon.

"Basta, buti na lang talaga itinakbo ko bag non. Salamat pala ha! Buti kinausap mo si Aling Seni, kundi yataps ako roon sa selda. Nandon si Gabo, tirahin pa pwet ko non kapag tulog." tatawa-tawang sabi nito. "Akin na lang tong betamax mo." mabilis na kinuha nito ang betamax na nasa harap ko. Bago pa ko maka-angal na almusal ko 'yon, sinubo na niya lahat.

"Anhgsarap buswhog na naman" ngumuya-nguya si Maladoro.
Ngumiwi naman ako sakaniya. Paano ba naman tumatalsik ang laway nito sa pisngi ko.

"Khamushta kanamansa ishkul-" tinakpan ko ang bibig ni maladoro.

"Lunukin mo muna 'yan, pwede?" naiinis na sabi ko. Mabilis na lumunok siya.

Pinahid ko ang kamay ko na puro talsik ng betamax sa tshirt niya.

"Para kang nireregla naman diyan. Palibhasa bigatin ka na, naka-fry bet ka lang sumama na ugali mo diyan." nagtatampo na sabi ni Maladoro sakin.

"Kailangan ko kasing tapusin to, nakakahiya naman kay Aling Seni kung simpleng pabor lang, hindi ko magawa. Alam mo naman na andami niya ng natulong samin ni Tatang." sunod-sunod na paliwanag ko.

"Sabagay may tama ka. Marami bang sexy babe chiks sa school mo?" nakakalumbaba na tanong sa'kin ni Maladoro at tila naghihintay ng sagot.

Kumunot ang noo ko ng maalala na naman ang nakilala kong demonyita kanina.

Isang taon akong magtitiis na makasama 'yon.

"Huy, Kino. Ano? May sexy babe chiks ba?" pinitik ni maladoro ang daliri niya sa harap ko.

"Wala, demonyita lang!"

♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛ ♛

Ailse

"SO what are your plans, Ail?" Sole asked me.

I gave her a death glare. Naka-ilang tanong na kasi siya sa'kin. Kung wala lang ako sa bahay nila ngayon, I would've kicked her out.

Paint In RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon