Chapter 9

30 1 1
                                    

(Nate’s POV)

Nung pag-kauwi ko sa bahay namin agad akong nagbukas ng facebook. May nakita akong isang Message from Aira. Kung sino sya? I’ll tell you all later pero sa ngayon papakilala muna ako.

Ako si Nathaniel Elizalde. My friends used to call me Nate kaya yun na lang din ang itawag nyo sa akin. 18 years old na nga pala ako, 2nd year college Tourism student sa ____________ University. Same kami ng college ni Kristal kaya ko sya nakilala.

----------

Dahil naka-open parin ang FB ko, may nag-chat nanaman sakin, si Aira.. Ang kulit ng babeng ito..

Aira Guevarra: Hey Nate? L

Nathaniel Elizalde: Bakit?

Aira Guevarra: How are you?

Nathaniel Elizalde: I’m better...

Better without you.... Gusto ko sanang idagdag yan, kaso nahiya naman ako. Kahit papaano naging malaki ang parte nyan sa buhay ko. Sya kasi yung ex girlfriend ko. Naghiwalay kami last last month, hindi naman ako yung gumawa ng kasalanan eh. Mabait kaya ako at loyal pa.

Aira Guevarra: Good to hear that. Galit ka pa ba sa akin?

Yan nanaman sya..

Nathaniel Elizalde: Hey, hindi ako galit sayo. Ilang beses mo na yang tinatanong sakin. Saka Masaya na ako.. Kaya okay lang.

Aira Guevarra: Pwede pa ba natin ibalik yung dati?

Nathaniel Elizalde: Sorry Aira, pero I think hanggang kaibigan na lang talaga eh. Sorry.. Ingat.

Then I’m out. Di ko kayang maki-pagusap sa babaeng yun. Lagi na lang kasing ganyan eh, makikipagbalikan. Aira is a good girl pero ayun nga... di ko inaasahan na kaya nyang lokohin ako. Di naman ako nagkulang sa kanya eh, pero di ko talaga alam kung bakit nya kailangan gawin yun. Magkaiba ang University namin ni Aira kaya wala ako sa tabi nya para bantayan siya. Pero andun naman yung bestfriend ko at pinagkatiwala ko sakanya si Aira... Kaso lang...

Flashback*

Pumunta ako sa bahay nila Aira para dalawin sya, legal kasi kami eh. Isang anak lang si Aira kaya mahal na mahal sya ng mga magulang nya. Boto naman sakin yung mga magulang nya kasi nakikita naman nila kung gaano ko kamahal si Aira. Supportive boyfriend kasi ako, tinutulungan ko siya sa mga school works nya, katulad na lang yung nag-speech sya sa klase nila. Saka nirerespeto ko si Aira, hindi ko ginagawa yung ibang ginagawa ng ibang lalaki. Mahal ko eh.

Nung narating ko yung bahay nila Aira, kumatok ako sa pinto nila kaso walang nasagot. Wala siguro sila tito  at tita? Minsan kasi napunta sila ng SM pero alam ko namang andito si Aira kasi nag-usap kami kagabi na dadalawin ko sya.

Kumatok uli ako kaso wala talagang nasagot. Sinubukan kong buksan yung pinto, nagulat ako ng di naka-lock ang pinto. Bakit hindi naka-lock yung pinto nila? Natakot na ako baka kung ano na nangyari kay Aira.

Pumasok ako ng bahay nila, tahimik at walang tao sa sala nila.

“Aira?” Tawag ko sa kanya. Kaso walang nasagot.

“Aira asan ka?” Kinakabahan talaga ako, ngayon lang nangyari ito eh.

Pumunta ako sa Kusina nila, walang tao. Binuksan ko yung CR, wala din sya dito. Pumasok ako sa kwarto nya baka andito sya at natutulog.

He Who Used To Be a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon