Chapter 15

14 0 0
                                    

Part 15 – Facebook Account

(Pia’s POV)

Pinasa na sakin ni Kristal yung link ng facebook account ng crush nya na si Nathaniel. Grabe ang swerte talaga ng babaeng yun, ako kaya kelan ko malalaman yung name ng crush ko? T_T huhuhu.

Inadd ko na yung Nathaniel, ang tagal naman mag open nito para ma accept na kagad ako at maka-usap na namin. Hahaha, kinikilig talaga ako sa kanilang dalawa ni Kristal, bagay kasi sila. Sana naman maging sila, ako na talaga ang no.1 fan ng ThaNiel loveteam pag nagkataon.

Naghintay lang ako dun Sabado naman bukas pwede magpuyat J Nag PM si Kristal sakin... Atat ang babae, hahahahaha.

“Uy, di ka pa din ba naa-accept? Excited n ako dito eh” told you excited na ang babaita di makapag-hintay. Hahahaha

“Saglit lang hah? Wala eh, dipa ako naa-accept. Di pa yata nakakauwe yung baby mo. Yieeee kilig naman to!” Sabi ko sakanya. Maya maya lang din may lumabas sa Notifications ko.

Nathaniel Elizalde accepted your friend request.

Pagkabasa ko nyan agad agad akong nag PM kay Thal para sabihing online na yung baby nya at hala ang babae nagkumbulsyon. At sinabi sakin lahat ng gagawin ko, scripted lahat ng sasabihin ko ano ba yan! Hahahahaha. Pero sige for Kristal naman eh. Gora ako dito. :D

Nag message ako kay Nathaniel....

Sophia Marie Chavez: Hi po J

15 minutes after. Ang tagal mag reply ng isang ito? Ayaw ko pa naman sa lahat yung pinaghihintay ako. Asar naman. Nagusap muna kami ni Thal at sinabi kong wala at ayaw mag reply ng baby nya kahit naka online naman mukhang busy si Nathaniel.

Kristal Montenegro: Wala parin ba? Baka busy sya? L

Sophia Marie Chavez: Wala pa din eh. Kanina pa nga ako nag message sa kanya eh mukhang busy? Pero hayaan mo hintayin ko na lang sya tapos PM kita pag nagreply na. J

Kristal Montenegro: Salamat girl J

So ayun nga naghintay lang ako dun, infairness ang tagal talaga hah! Imbyerna naman to. After 30 minutes nag reply din sya. Grabe lang ang tagal nya akong pinaghintay.

Nathaniel Elizalde: Hello

Wow ha? What was that? Mahigit 30 mins akong naghintay tapos yan lang ang reply nya? Masyado nyang pinagisipan yung sagot nya sakin ha? Agad naman akong nag message kay Kristal na nag reply na si Nathaniel ....

Sophia Marie Chavez: Grabe gurl, kabadtrip babe mo, ang tagal sumagot ha? Ang reply ba naman sakin ---- Hello ---- Napaka PLAIN! Grabe pinagisipan nya yung isasagot nya sakin ha. (-_-) Ano ba sasabihin ko dito?

Kristal Montenegro: Hayaan mo na gurl, mahal ko naman yan eh. Hahahaha. Tanong mo sakanya paano pag may nagkagusto sakanyang UNICORN?

Sophia Marie Chavez: Fine, subukan nya lang talaga uling paghintayin ako. NAKO!

Nag message ako kay Nathaniel...

Sophia Marie Chavez: Kuya ano pong gagawin nyo pag may nagkagustong unicorn sa iyo?J

I manage to put a smiley at the end kahit asar na ako sakanya ang tagal kasi mag reply. As expected pinaghintay nya uli ako ng 5 minutes. Grabe ano bang ginagawa ng isang ito? Masyado ba syang busy at ang bagal nyang mag reply?

Nathaniel Elizalde: Wala

Wow lang talaga. May sense syang kausap. Hahahahaha. Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa... nagreply ako...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Who Used To Be a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon