Chapter 4: What Neera Wants, Neera Gets?

1 0 0
                                    

Chapter 4: What Neera Wants, Neera Gets?

"MADAME, you have a meeting with the directors of Madriaga Hotels at three o'clock this afternoon," wika ni Minchy sa dalaga.

Tumango lamang dito si Neera habang kasalukuyan silang namimili ng mga bagong damit sa isang boutique ng kanyang mall. Marami pa ring tao sa lugar dahil na rin sa tanghaling tapat. Silang dalawa lang ni Minchy ang magkasama sapagkat naiwan sa labas ng mall ang mga body guards nito.

Katatapos lamang ng lunch meeting na dinaluhan niya kasama sina Ms. Mondragon, Mr. Chua at ni Dr. Alessandro Aragon. Hindi pa rin makapaniwala si Neera na nasa kanyang harapan kanina ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon. Hindi rin siya mapakali kanina habang nag-uusap sila sa labis na pagkailang dahil sa mga malalalim na titig na iginagawad sa kanya ng binata.

"Alessandro Vincent Aragon," mahinang usal niya sa sarili habang hawak-hawak ang isang kulay itim na long dress, "pati pangalan, ang yummy."

Neera giggles at that thought. Para siyang isang teenager na kinikilig matapos malaman ang pangalan ng crush niya sa campus. Ang again, memories with that man keeps lingering her mind which made her blushed even more. Mabilis niyang ibinigay sa kanyang personal assistant ang damit na kanyang napili atsaka nakangiting nagtungo sa isa pang stall ng mga damit.

Doon ay nagawi ang kanyang tingin sa dalawang sales lady na abala sa pag-uusap at tila ba hindi pansin ang kanyang presensya.

"Oo, nakita ko siya kanina, ang hot niya talaga!"

"Gosh, 'yan ba 'yong pediatrician sa Aragon?"

Kumunot ang noo ng dalaga nang marinig ang apelidong iyon. Lihim siyang lumapit upang marinig nang mas maayos ang pinag-uusapan ng dalawang babae.

"Grabe, kahit mukhang pagod, napakagwapo pa rin ni Doc Sandro!"

Lihim na napatingin sa gawi ng dalawang babae ang kanyang tingin nang banggitin ng isa sa mga ito ang pangalan ni Sandro.

He's popular, I think I need to search more about him, huh?

"Hindi nakakasawa ang kagwapuhan niya! Parang gusto ko tuloy maging bata ulit para araw-araw ko siyang nakakasama sa hospital!"

"So true, parang gusto ko siyang lapitan kanina at punasan ang pawis niya!"

What the –

Kaagad na nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi ng isang babae. Inis na naglakad siya palapit sa kinatatayuan ng mga ito. At dahil sa maingay na tunog ng takong ng kanyang sapatos ay kaagad na napatingin sa kanya ang dalawang sales lady.

"You two," inis na wika niya sa mga ito, "why are you not doing your job? At inuna n'yo pa talaga ang mag-chismis-an kaysa sa trabaho n'yo?"

Ngunit imbis na kakitaan ng takot ang dalawa ay taas-kilay pa siyang hinarap ng mga ito.

"Bakit, sino ka para pagsabihan kami, ha?" mataray na tanong naman no'ng isa.

"Oo nga, eh, mamimili ka lang naman dito, b*tch."

Hindi nakapagsalita si Neera sa mga narinig mula sa dalawang babae. Tila mas lalong nag-init ang kanyang ulo nang irapan siya ng mga ito at muling bumalik sa pag-uusap.

"Where did you get the audacity to talk back to me?" mas mataray na tanong niya sa dalawa dahilan para mapatingin muli ang mga ito sa kanya, "Minchy!"

Kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ng P.A ang paglapit nito sa kanila kasama ang manager ng boutique.

"Is there a problem here, Madame?"

Hello, Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon