Chapter 7: Move

1 0 0
                                    

Chapter 7: Move

"WHAT? He really said that?"

Kinagabihan matapos ang komprontasyong naganap sa pagitan nina Neera at Sandro ay nagyaya ang dalaga sa club. Naikuwento niya sa kaibigang si Beatrice ang nangyari kung kaya't narito siya ngayon at sinasamahan ang broken-hearted niyang kaibigan na sige lamang sa pag-inom.

"But why did he do that? I mean, what did you do?"

Ngunit imbis na sumagot ay muling tinungga ni Neera ang isa pang baso ng alak. Masakit na ang kanyang ulo, at nakakaramdam na rin siya ng pagkahilo ngunit hindi niya iyon ininda sapagkat mas nangingibabaw ang sakit ng tatlong salitang binitawan sa kanya ng binata.

"H-hoy, Bea," pagtawag-pansin niya sa kaibigan, "am I a pathetic sybarite b*tch?"

She may be a spoiled brat, but she is not a sybarite, sobra-sobra naman yata iyon para i-describe ng binata. Gusto lamang niyang tulungan ang mga batang nasa hospital na iyon kahit na ayaw niya sa mga ito. Marahil isa na sa mga dahilan niya ang mapansin ng binata, pero hindi niya akalaing mauuwi sa gano'n ang ginawa niyang pagtulong, at nagawa pa siyang insultuhin nito na tila ba wala silang pinagsaluhan na dalawa.

"What the hell are you saying, girl? You're may be a b*tch, no other than that."

Neera again, drink another glass of alcohol. She looks like wasted dahil sa ayos ng kanyang buhok. Nagkalat na rin ang eyeliner make-up niya dahil sa mga natuyong luha na iniiyak niya kanina.

"He said he doesn't like me," lasing na turan pa nito, "he said he will not like someone like me. But I like him so much! I gave him the bataan!"

Dali-dali namang pinigilan ni Bea ang kaibigan sa akmang pag-inom muli nito ng alak. Pilit pang inaabot ng dalaga ang baso ngunit hindi na niya hinayaan pang mahawakan nito iyon.

"Stop drinking, Neera. I have called your cousin to fetch you, he'll be here in a minute."

Hindi na sumagot pa si Neera dahil sa kalasingan. Puro ungot na lamang ang narinig ni Beatrice mula sa dalaga at ang walang sawang pagbanggit nito sa pangalan ng binatang kinababaliwan. She even rolled her eyes while fixing Neera's hair.

"I will punch that man's face!" sigaw bigla ni Neera na siya namang ikinabigla ni Beatrice.

Mabilis na tumayo ang dalaga atsaka gumegewang-gewang na naglakad patungo sa kung saan. Hindi niya alintana ang pagtawag sa kanya ng kaibigan at tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa mapadpad siya sa gitna ng sayawan kung saan marami ang mga tao.

"Excuse me, get out of my way!"

May ilang tao na siyang nababangga ngunit wala pa ring paki-alam ang dalaga. Wala siyang kamalay-malay sa kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. She walked and bumped people along her way to the unknown. Hindi niya namalayan ang pagbangga sa kanya ng isang tao kung kaya't mabilis na nawalan ng balanse ang dalaga. Mahina pa siyang napamura sapagkat hindi niya gaanong nakita ang kung sinumang bumangga sa kanya.

Napapikit na lamang si Neera habang hinihintay ang sariling bumagsak sa semento. Dinig niya pa ang maingay na paligid at ang pagsinghap ng ilan sa mga taong nasa malapit. Ngunit lumipas ang ilang segundo ay hindi niya naramdaman ang malamig at matigas na sahig. Instead, she felt a strong ang hard arms on her back causing her not to fall.

Mabilis na naimulat ni Neera ang kanyang mga mata to see what's happening. And there, she saw someone who almost kissed her dahil sa sobrang lapit. Her heart pumped so fast when her vision got clearer. The man who is right in front of her now is none other than Alessandro Vincent Aragon.

Hello, Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon