Tahimik lamang kami buong byahe. Mabuti lang din dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Hindi maganda itong pinasok ko. I should stop acknowledging my feelings towards him. . . towards what he's making me feel. Hindi ko dapat inientertain ang mga bagay na naiisip kung hindi pwede at tama.
I have dreams. I want to help myself and my brother out of poverty. I want peace. At pagpasok sa ganitong bagay ay dapat kong pigilan. I can't lose my dreams. . . and my peace. Marami pa akong gustong gawin sa buhay at hindi ko na dapat dagdagan pa ang problemang iniisip ko.
Yes, Jairus would be a problem if I'd entertain my feelings for him. Wala rin akong dapat na pakialam sa kung anong nararamdaman niya para sa 'kin. . . na sigurado naman akong wala. Kaya lang, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya kanina.
Is it something related to what I'm thinking right now?
Magkaiba ang estado namin. Gaya ng sinabi ng pamilya niya, hindi nababagay ang katulad ko sa mga kagaya nila. Jairus has still hung ups to his late wife too. Ayaw kong gawing komplikado ang bagay na iyan sa parte ko.
We ate at the restaurant I didn't know about. First time kong makapunta rito. Tuloy, ipinagsalamat ko ang engrandeng suot ngayon dahil kahit paano, nakibagay ako sa mga kumakain dito ngayon.
"Let's have some take out for your family,"
Gusto ko sanang tumanggi kaso naalala ko ang ipinangako sa kapatid. Tiyak naghihintay na 'yon sa bahay.
"Okay. Pero ako ang magbabayad."
"No. Let me pay for it. I was the one who invited you so. . ."
Tumango na ako. Alam ko rin kasing hindi siya magpapatalo.
Sumang-ayon akong ihahatid niya ako sa bahay. Pumayag ako dahil wala rin naman sina Nanay roon. May overnight na dinaluhan si Nanay kasama ang mga amiga niya. Si Tatay naman ay buong magdamag lagi nagsusugal.
Mas mabuti iyon sa tingin ko. Mas napapanatag ako para kay Keith dahil doon. Kasi malayang makakagalaw ang kapatid ko sa buong bahay kahit pa lagi naman 'yong nasa kwarto at nag-aaral.
"Dito lang sa kanto."
Jairus parked the car. Malapit nang lumalim ang gabi kaya wala nang masyadong tao sa labas. Sabay kaming lumabas ng kotse.
Binalingan ko siya dahil hindi ko inaasahang bababa siya.
"Bakit ka bumaba? Okay na ako rito-"
"Ihahatid kita sa inyo."
"Malapit lang naman dito. Lalakad lang ako ng konti. Masikip kasi ang daan-"
"It's okay. I can manage. You're wearing heels too, mahihirapan kang maglakad."
Bumuntong hininga ako. Wala akong lakas para makipagtalo sa kanya. Tama rin siya, gusto ko nang hubarin itong suot ko dahil unti-unting sumasakit ang paa ko. Si Jairus ang may hawak ng paper bags. Tahimik lang ako habang naglalakad kami papuntang bahay. Jairus was serious as he kept wandering his eyes around.
"It's dangerous to walk here alone," he said quietly.
Ganitong oras ako lagi umuuwi galing sa trabaho, galing sa mansyon niya. Nasanay na ako dahil lagi akong nagagabihan kahit noong nagbebenta pa ako ng mga basahan.
"Sanay na ako."
"Still dangerous. Why don't you just stay in the mansion? Then you can just go home in your day offs or if you want to take a leave, I will let you."
"Salamat pero hindi ko kayang iwan ang kapatid ko sa bahay."
"Your sibling can stay in the mansion."
YOU ARE READING
Wounded Hearts
RomanceHarsh waves splashed into Sydney Palacio's life. She was sometimes swayed by it. Those bruises she received. . . made her heart wounded-badly want it to be healed. Until one day, it affected her ideals in life, as those waves became a mixture of bit...