For contest.----------------------------------------------------------------
It's too late
by
Ladykazumi
"Hoy Zero!!!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin.
S'ya na naman?
Hindi ko s'ya pinansin. Tinuloy ko ang paglalakad ko papasok sa school.
"Hoy! Pansinin mo 'ko!" Sigaw n'ya ulit. Hindi na nahiya 'tong babaeng 'to! Ang dami kayang nakatingin sa kanyang estudyante! "Yay! Naabutan din kita! Good morning nga pala!" Todo ngiti s'yang bumati sa'kin. Hindi ko ulit s'ya pinansin. Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad habang s'ya naman ay nasa gilid ko at panay ang tingin sa'kin. "Alam mo ba ang saya saya ko kahapon! Nakauwi na kasi ang papa ko galing Japan. Ang dami nga n:yang pasalubong sa'kin eh! Binilhan n'ya din ako ng make-up cosmetic. Eh diba pangarap kong maging isang sikat na make-up artist balang araw?" Ngumiti s'ya na parang wala ng bukas. "Ah teka! Speaking of pasalubong, may ipinabili nga pala ako kay papa para sa'yo." May hinanap s'ya sa bag n'ya. Ano naman kayang ipinabili n'ya? Tss. Nag-abala pa talaga. "Ito oh! Tig-isa tayo n'yan! Sana magustuhan mo!" Kinuha n'ya yung kamay ko at inilagay sa palad ko ang isang keychain na heart, kalahati lang s'ya. "Nasa akin yung kalahati. Ang cute diba?" Pinakita n'ya yung kalahating heart na nasa cellphone n'ya. "Isabit mo 'yan sa cellphone mo ah? Sige na, byebye na!" Tumakbo na s'ya papunta sa kabilang room.
Kakaiba talaga yung babaeng 'yun.
Napatingin ako sa keychain na hawak ko. Sayang naman kung itatapon ko. Maitago na nga lang muna.
Pumasok na 'ko sa room at umupo na sa upuan ko. As usual, wala na namang tumatabi sa'kin at walang nakikipag-usap. Suplado kasi ako kaya wala akong kaibigan. Pero hindi ko lang talaga maintindihan dun sa babaeng 'yun kung bakit nagagawa n'ya kong lapitan.
Dumating na ang teacher at nagsimula na s'yang magklase. Hindi ako nakinig sa subject n'ya hanggang sa magrecess.
Pumunta na 'ko sa canteen at bumili ng pagkain. Pumunta ako sa table na nasa sulok, dun ako pumwesto.
Nasa kalagitnaan na 'ko ng pagkain nang biglang may nag-occupy ng upuan sa tapat ko.
"Haaay kapagod!" Tumingin s'ya sa'kin pero nakatingin lang ako sa ibang direksyon. Sino pa nga bang nasa harapan ko? Edi s'ya na naman! "Nakakainis yung teacher namin Zero! Aba'y magpaquiz ba naman daw agad?! Hindi nga ako nakapag-aral eh kaya bumagsak ako. Akalain mong tulad ng pangalan mo yung score ko?" Natawa s'ya pero nanatili lang akong tahimik. "Tapos nung nagtatanong na si ma'am ng score, proud na proud kong sinigaw ang 'ZERO!'. Tapos bigla naman nila akong tinukso sa'yo. Kinilig nga ako eh. Ikaw kinilig ka ba?"
Hindi ako sumagot pero kung umasta s'ya ay parang may sinabi ako.
"Oh talaga? Buti naman kinilig ka! Naiinlove ka na rin yata sa'kin eh hahaha. Sana maging tayo na!"
Nakalimutan kong sabihin na may gusto s'ya sa'kin. Hindi naman s'ya yung tipo ng babae na patay na patay sa'kin. Basta lagi n'ya lang sinasabi sa'kin na mahal n'ya 'ko o kaya daw sana maging kami na lang.
"Wait lang ha? Bibili lang ako ng pagkain."
Tumayo s'ya at umalis sandali. Bumalik s'ya nang may dalang tatlong tinapay at dalawang juice. Napapailing na lang ako sa isip ko dahil sa katakawan n'ya.
BINABASA MO ANG
My Collection of One-shot Stories
Historia CortaCompilation of my one-shot stories. © LadyKazumi All rights reserved.