Twins

3.5K 144 29
                                    

a/n: Si sisPamchi ang bida dito pati na rin ako XD. Gusto ko kasing maggawa ng one-shot story tungkol saming dalawa. XD Ang role namin dito is Kambal or sa english 'Twins'

Twins

by

LadyKazumi

----

"Yes!" Sigaw ko dahil nagbell na. I want to go home na. Masyado ng nakakainip dito.

"Marjj!" Tawag nya sakin pero hindi ko sya pinapansin. Nilikom ko agad ang mga gamit ko at mabilis pa sa alas quatro na lumabas.

"Sis!" Mas binilisan ko pa ang lakad ko. "Sandali lang!" Bakit ba ayaw nya akong lubayan?!

"Sabay tayo!" Ngayon ay nasa harapan ko na sya at nakangiti sakin. Tss, masyadong plastic.

"Ayoko ng may kasabay." Taas kilay kong sinabi sa kanya.

"Pero sis, iisa lang naman tayo ng bahay at tsaka may kotse ka naman."

"Diba may kotse ka rin naman?!"

Napakamot sya sa ulo nya. "Hindi ko kasi dinala eh."

"Well, it's not my fault na iwanan ang kotse mo sa bahay."

"Pero ate---"

"Magcommute ka na lang."

"Wala akong pera." Napansin kong lumungkot ang muka nya. Tss, tanga sya eh. Bakit di nya dinala sasakyan nya?!

"Kasalanan mo na yan. Bahala ka." Naglakad na ko palayo sa kanya. Napatigil lamang ako ng marinig ko ang boses ni Jason; matagal ko ng mahal.

"Kazumi anong nangyari?" Lumingon ako at nakita kong kinakausap ni Jason ang walang kwenta kong kakambal.

"H-huh? W-wala. Sige, uuwi na ko." Bago pa makapaglakad si Kazumi ay nagsalita agad si Jason.

"Sabay na tayo!" Nakangiting sinabi ng mahal ko. Kahit kailan, hindi pa nya ako nagagawang ngitian ng ganyan. At kahit kailan, hindi sya nagsabi sakin na magsabay na lang kami sa pag-uwi. Kay Kazumi nya lang ito sinabi.

"H-ha? Wag na. N-nakakahiya." Kunwari pa sya. Ang sarap nyang sabunutan.

"Wag kang mahiya sakin! Ayos lang yon. May sasakyan naman ako eh."

"P-pero---"

"Tara na."

Umirap na lang ako habang tinitingnan si Kazumi. Nakakainis sya. Napakaepal nya.

----

Pagkauwi ko sa bahay namin, dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

Pagkatapos ay kinuha ko ang laptop ko at nagbukas ng fb. Mamaya na lang ako gagawa ng assignment.

Mga 10 minutes ang nakalipas ay napatingin ako sa malaking bintana ng kwarto ko. Mula dito ay nakita ko na kararating lamang ng kotse ni Jason. Bumaba sya at pinagbuksa nya pa ng pinto ang peste kong kakambal.

Nag-usap pa sila at pagkatapos ay pumasok na sa loob si Kazumi samatalang umalis na si Jason.

----

Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay nagsalita si Kazumi.

"Uhmm.. Mommy, may ipapakita ako sayo." Umalis sya saglit at pagbalik nya ay may dala syang mga papel. Inabot nya ito kay mommy. I think test papers ang mga iyon.

Tiningnan iyon ni mommy at napangiti. "Naks! Ang galing naman ng anak ko!" Tuwang-tuwa nyang sinabi. Tsk. Eto na naman. Pinagyayabang na naman ng kakambal ko ang kanyang score. Tss, pasikat. "Ikaw Marjj? Nasan ang iyo?" Tanong sakin ni mommy.

My Collection of One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon