Chapter fifteen [Stupid Shin]

4.5K 64 7
                                    

Chapter fifteen

 "STUPID SHIIIIN!!!!!"

Paglabas ko ng Cr, wala na si Shin. Nagpalit nalang ako ng damit, nagshorts ako (Yan talaga karamihan sa damit ko, eh sa sexy ako eh.)saka blue na medyo maluwag na shirt. Umupo ako sa bed ko saka nagscan ng mga notes ko, aba.. Kelangan ko parin mag aral.

Di na ako lumabas ng room, di narin ako pwede utusan ni Yuni, ang napagusapan kasi namin.. Aayusan ko sya at sasabihin ang mga dapat gawin para mapansin at maging sikat sa school nila at kapalit nun. Wala syang iuutos sakin gaya ng dadalhan sya ng pagkain at bawal nya ipagkalat na Yaya nya ako. Di nagtagal, nakatulog ako sa pagiisip, pagsstudy at pageemote.

Nagising nalang ako sa kalagitnaan ng gabi nang makarinig ako ng isang malakas na huni na parang sa kotse. Bwesit! Naghihilik yung maid sa kabilang bed. Arg! Di na nga ako nagreklamo na may kasama ako sa kwarto, pero magrereklamo talaga ako kung di nila ako patutulogin. Naramdaman ko rin na nagugutom ako kaya tumayo ako, pumunta sa kitchen at kumain. Pagkatapos, bumalik ako sa kwarto na sana- tapos na maghilik kung sino man sa mga maid ang nahihilik.

Pagpasok ko, mas lalong lumakas ang hilik. Tinry ko talaga matulog pero wala parin. Tumayo ako sa bed ko, nagtsinelas saka umakyat. Hinanap ko ang kwarto ni Shin saka ako kumatok ng kumatok.

"Hoy Shin! Buksan mo nga to!" sabi ko sabay ng mas lalo kung paglakas sa katok.

Nabuksan naman agad yung pinto, medyo madilim pa ang room ni Shin. Nakapatay kasi ang ilaw. nakita ko syang bagong gising. Nakaboxer tapos half naked. *Gulp*. Ang- ang hot nya. May abs din sya tapos tapos. "AAAAAHHHH!!!" sigaw ko sabay takip sa mata ko at tumalikod "Wag ka nga magporn! Magdamit ka naman ng desente!" pagmamaktol ko.

"Arg! Yan lang ba dahilan bat mo ko ginising?" husky pa voice nya. Halata talagang bagong gising.

"Basta, magdamit ka muna. Saka ko sasabihin." sabi ko na nakatalikod parin at nakatakip ang mata.

"Halika nga." naramdaman kong humawak sya sa braso ko at hinila ako sa loob ng room nya. *Gulp*, parang nagkagoosebumps ako. ito ba ang sabi nilang tukso?

"Ano ba problema mo? Kanina di mo ko kinakausap tapos susugod ka bigla sa kwarto ko ng kalagitnaan ng gabi?" nakatalikod parin ako at tinatakpan ang mata. "Humarap ka nga" hinawakan nya ulit ang braso ko at napaharap ako sakanya.

Nakita ko ulit *gulp* yung *gulp* abs nya. Six pack talaga, parang alagang alaga ang figure nya.

"Gusto mo ba? Yun ba pinunta mo dito?" sabi nanaman nya with husky voice. Tapos nilapit nya ang katawan sakin.

"Uy. Teka- D-di yun p-pinunta ko dito. A-ayaw ko k-kasi matulog sa room namin t-tapos-" nags-stummer talaga ako. Kung di lang talaga madilim, pulang pula ako at mahahalata nya yun. Paano ba naman kasi, kinuha nya ang isa sa kamay ko at pinahawak sa abs nya. Napalunok ulit ako. Arg! Ano ba to! Bat di ko nalang sya matulak tulak.

"So, dito mo gusto matulog sa kwarto ko.. Okay lang sakin.. Basta ba mags--" di na nya natuloy ang sinasabi nya nang tinulak ko sya bigla, kinuha ko ang isang kamay nya saka akmang ibabaliktad sya. (Yung judo style ko) tapos nung mag eexcert na ako ng effort, parang bumaliktad lahat ng pangyayari.. Ako yung napatumba sa sahig.

"Akala mo maapply mo sakin yun." tapos nag smirk sya. "Alam ko ang mga weakness mo babe."

Tumayo ako sa pagkakatumba saka huminga ng malalim. Kanina pa ako pinagt-tripan ng lalaking to.

"Wag ka assuming! Napaka Gentledog mo rin! Ayuko sa maid quarters dahil di ako makatulog dun. At pumunta ako dito para itanong kung saan ang guestroom at dun ako mags-stay."

Napangiti sya lalo. “So di ka aalis?”

"Sino bang may sabi sayong aalis ako? As if may choice ako" di naman ako pede bumalik ng pabasta sa apartment ni Mia, natext ko na kasi sya na di na ako dun titira.

Nakita ko syang ngumisi at lumapit ulit sakin. "Kung ganun, dito ka nalang matulog sa kwarto ko. Tabi tayo, di pa naman nalilinisan ang guest room." napaatras naman ako pero hakbang parin sya ng hakbang. Arg! Ano ba to, lagi nalang ito yung mga nangyayari sa wattpad.

"Pwede ba? I would choose to sleep in that filthy guest room or wake up all night with that maid's snore than to sleep here with you. Baka bukas nito, buntis na agad ako!" pagrereklamo ko.

Tumawa naman sya saka tiningnan ako. "Ako? Okay lang na magkaanak agad tayo." tas nagchuckle siya. I shot him my death glare.

"What's happening here? At anong magkakaanak kayo?" napalingon ako sa nagsalita. Crap! Di pala nakaclose yung door ni Shin at andun si Yuni at si Nanay Chin na halatang rinig na rinig ang sinabi ni Shin. Arg! Im sure iba na iniisip nila. Akmang magsasalita na ako para magpaliwanag pero naunahan ako ni Shin.

"Gusto mo ba ng pamangkin Yuni? Kath and I can make one." tapos nag wink pa sakin.

 

"STUPID SHIIIIN!!!!!"

The Mean Maid (Under editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon