Zef's POV
1..2..3-go! I ran as fast as I can para hindi ako mapansin ng dalawang bantay sa kabilang side ng counter.
I hid under the counter to avoid being seen. I didn't expect them since I checked the whole room and I've never seen anyone and any door except for the entrance door where I came from.
Unless, there's a hidden door at the other side of the room, that's the only possibility I can think of.
Mukhang wala naman silang ka alam-alam na may nakapasok rito dahil nagkukwentuhan at nagtatawanan lamang ang mga ito.
"Ang ganda talaga ni Empress, pre" Pinapakinggan ko lamang ang pinag-uusapan nila, nagbabakasakali na may makuha akong impormasyon na agad namang nilantad ng mga ito.
"Pero hindi parin ako makapaniwala na tinalo niya si Sir Kiyoshi." Ni isa sa mga binabanggit nila ay hindi ko kilala pero mukhang mahahalagang tao ang mga ito.
"Si sir Kiyoshi ang pinakamagaling sa'tin, at ni isa sa'tin walang naka talo sa kanya pero kay Empress? parang pinaglalaruan niya lang si sir." Empress? Interesting.. I've never heard her before. Is she the one who choked me earlier? Maybe. I'll soon find it out.
I waited until their footsteps are gone. I once again checked the area where they came from at tama nga ang hinala ko, there's a hidden door behind the mirror with shelves. I looked through the things in the shelves to find some sort of button but I found nothing.
Umatras ako ng bahagya nang masagi ko ang isang antique na rebulto, bigla na lamang may lumabas na security passcode sa harap na may kasamang eye sensor.
Tumingin ulit ako ng bahagya sa paligid bago ito nilapitan. Kinuha ko ang maliit na flashlight mula sa bulsa ko na ninakaw ko kanina sa isa sa mga guwardya nung binunggo ko ito. Mabuti na lamang at dim ang ilaw rito kaya naman itinutok ko sa gilid ng security passcode ang flashlight at dahil rito, nakikita ko ang bakas ng mga daliri sa mga numero at puwang alikabok lamng sa iba pang bahagi nito.
Apat na numero ang kailangan para mabuksan ang pinto. Taimtim akong nag-iisip ng mga posibleng numero na pwedeng i-access rito. I only have 1,4,2,6, I wish I know this- I squinted my eyes when I felt a sudden headache. Why now!?
Na pasuporta ako ng bahagya sa pinto dahil sa sakit. Sinubukan kong huminga ng malalim at dahan-dahang inilalabas ang hangin mula sa bibig, kahit paano'y nabawasan ang sakit na kasabay na pag-agos ng mga ala-ala ko noon.
"I-Is it p-possible..?" sinubukan kong ilagay ang kumbinasyon mula sa aking alala. I closed my eyes praying that it would work and at the same time I don't want to. Bahala nang malito si Lord.
I heard a small beep kasabay noon ang pag-unlock ng pinto. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Imposible.. imposibleng buhay pa siya.
Naikuyom ko ang mga kamay ko sa sobrang takot sa pwede kong malaman sa lugar na ito. Hindi ako pwedeng magkamali! Hindi pwede to!
Marahas kong binuksan ang pinto at deretsong tinungo ang loob ng silid. Medyo madilim ang paligid at ilaw lamang mula sa lamp ang nagsisilbing liwanag sa paligid.
I scanned the room nang may mapansin akong maliit na box sa gitna ng coffee table, bahagya itong naka bukas kaya naman medyo nakikita ko ang loob nito.
Lalapitan ko na sana ito nang makaramdam ako ng tao sa likod ko, mabilis akong humarap rito at sumalubong sa mukha ko ang patalim na inihagis nito. Agad naman akong nakaiwas at akmang kukunin ang patalim mula sa gilid ng binti ko pero agad akong natigilan nang makita ko ang salarin.
YOU ARE READING
Agape Love
RomanceIn this story we will uncover the real identity of Zeffiniah. Zeffiniah a nursing student and a scholar who fell in love to her professor. Their love story is forbidden and a sin. Are they ready to face the consequences of their action?