CHAPTER 11

34 3 0
                                    

(OTHER WORLD ARIA KINGDOM)

SOMEONE'S POV....

Umaasa akong magtatagpo muli tyo naghintay ako ng kay tagal. Pero parang walang silbi ang pag balik ko. Tinalikuran ko ang lahat para syo......sabi ng lalaking naka hood na nakatayo sa isang sanga ng puno. Nakatingin sya sa malayo at pinagmamasdan ang lumilitaw na kaharian sa mga ulap natatanaw nya rin ang mga bantay nitong tila ma aamong diwata na lumilipad paikot sa kaharian...

Napuno ng lungkot at hinagpis ang mukha ng lalaki....

Langit ka at lupa ako talagang di tayo magtatagpo, ginusto kong hanapin ka pero di ko alam kong saan mag uumpisa...sabi ng lalaki at tuluyan na syang naglaho........

JADE'S POV....

Aray ang sakit ng ulo ko at parang nahihilo pa ako at unti unti kong dinilat ang mga mata ko at napanganga sa nakita ko at ...

Ahhhhhh!!!!... nag sisigaw ako ng makakita ng punong naglalakad na may mukha. Saka mga hayop na di ko alam kung hayop or impakto isang butiking nag katawang tao, may tukong may katawang tao saka paniki na naka sabit sa puno na may mukha at ang baging na nakapulopot dito gumalalaw. Yuck parang linta ...

Ahhhhh... Zylfyr.... Tulong!!!!.. ...halos masiraan ako ng bait sa kakasigaw pero walang Zylfyr na lumabas nagtatatakbo ako sa subrang takot... Oh hindi baka matuloyan ako dito baka di ako mamatay pag nilapa ako ng mga to, baka mamatay ako sa sakit sa puso, Oh dios ko Virgen pa po ako wag po muna pero walang habas parin akong hinabol ng puno at ...

Ahhhhh...napa sigaw ako ng dinampot ng baging na parang linta ang isang paa ko at nilambitin ako ng patiwarik....

Tulong tulongan nyo ako!!!!!...buong lakas na sigaw ko at mas lalo akong natakot ng unti unting pumaikot sa paa ko papuntang binti ko hanggang umabot sa hita ko ang malalintang baging halos pumutok ang mga ugat ko sa takot....

Ahhhhh!!!... napatili ulit ako ng may tumulong dugo sa mukha ko at doon ko lang napansing may panang naka baon sa ugat ng baging....

Naramdaman kong unti unting lumuwag ang pagkakapalupot ng baging sa mga hita at binti ko hanggang sa.....

Ahhh......naputol ang sigaw ko ng lumutang ako sa ire at di ako tuluyan bumagsak.....

At nakita kong nagpost ang puno at lahat ng bagay sa paligid ganon din ang pag tulo ng dugo mula sa lintang baging.....

Zyl ibaba mo ko!!!... sigaw ko at bilang....

Ahhhhhhhhh....at ayon na nga tuloy tuloy na ang bagsak ko at. ....

Sino ka???.....nanginginig kong tanong sa gwapong lalaking sumalo sakin. Napatulala ako sa mukha nya napaka pamilyar nya pero di ko alam kong saan ko sya nakita at grave nasalo nya ako galing nya men....

Soul link may nagmamay ari na pala sayo....... sabi ng lalaki habang pinagmamasdan ang mga daliri ko at sing sing ko nihindi man lang sinagot ang tanong ko....

Sino ka !???... nainis na ako kaya na sigawan ko sya. ...

Hahaha ganyan kaba mag pasalamat... ..

Natahimik ako bigla at narealize na di pa ako nagpapasalamat sa kanya. Parang tinamaan ako ng hiya at binuhat nya ako at tumalon papunta sa isang puno hanggang sa isa. Di parin nya pinagalaw ang oras hanggang sa di kami nakakalayo sa halimaw na puno at baging na yon...

Nakarating kami sa isang malapad na damuhan at kakaiba ang mga damo at bulaklak dito para akong nasa paraiso. Binaba ako ng lalaki sa isang bato at inupo...

Oh ayan ligtas kana, sa susunod mag ingat---..naputol ang sasabihin ng lalaki ng may narinig kaming kaluskos.....

Agad nyang kinuha ang punyal nya at inabut sakin...

Journey Behind ShadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon