ANDREA's POV~Take it to the head
Dont think about it( be about it) dont be scared to take it to the head..Girl, you fly but if I tell you than then you might take it to the head..~
Huling kanta na sinasayaw ng mga kagrupo kong bigay na bigay na animong may dance contest na sinalihan.
Patuloy sila sa pag indak lalong-lalo na ang dalawang nasa harap na sina Alexis at Shiru.
Palakpakan dito palakpakan doon kasabay ng mga sigaw at tili ng lahat ng nanunuod..
"Thank you for a hot performance group four!" sigaw pa nung emcee namin.
Agad naman akong nagpunta sa mga kagroup ko na mukang hiyang hiyang parin sa ginawa nila.
"Nice one guys!! Especially in both of you" tuwang tuwang sabi ko at tinapik pa sila sa braso.
"Nako ate di na mauulit yun talaga" hiyang hiyang sabi pa ni Shiru.
"Nako ang galing niyo ng eh!! Ang hot niyo pa!! Haha. Joke lang guys" biro ko pa.
Agad din kaming bumalik sa session hall kung san nandoon ang lahat. Habang nagaannounce si ate Denise ay agad akong lumapit kay Shiru.
"Shiru. Ang galing mo talaga." pabirong sabi ko.
"Lalo tuloy akong naiinlove sayo..."
O_____O ~ Shiru.
"Oy ang serious mo naman" sabay tawa pero di pa rin nagbago ang reaksyon niyang gulat.
"Oy Shiru okay ka lang ba??"
"Ahhh. Ano? Okay lang,oo okay lang talaga." sabay ngiting sabi.niya.
"Take it seriously,malay mo magkatotoo.. Hahaha" saka umalis at pumunta sa quarters namin..
Narinig ko pang inannounce ni ate Denise na pwede ng bumalik sa kanya kanyang quarters at maghanda na sa pagtulog..
"Byyyyy!" pasigaw na tawag ni Lyn sakin.
"Bakit??"
"May gusto ka dun no??" sabay turo sa gawi ni Shiru..
"Ha?? Nako by magtigil at mali ha?? Baka ikaw?" nakangising tanong ko pero tinawanan niya lang ako.
"Nako by.. Isure mo yan sakin." makahulugang sabi niya saka ako iniwan.
Agad naman kaming naglinis at naghanda na sa pagtulog.. Agad.na din akong pumuwesto sa tabi ni Lyn.
"By goodnight." sabi ko pa.kay Lyn..
"Same here!! Night"
KINABUKASAN------
"Service team.. Gising na."
"Hmmm. Oh??" matamlay ko pang sabi..
"Guys it's 6o'clock in the morning--"
"Po?? 6 na!!!" sa sobrang gulat ko ay napabalikwas pa ko sa pagkakahiga.
"Oo at kanina pa namin kayo ginigising." sabay tawa ni Kuya Joshua, team leader namin.
Agad ko namang ginising si Lyn na mukang kaya akong sapakin sa sama ng titig sakin.
"Ikaw.. Pinuyat mo ko eh." nakangusong sabi niya.
"Sorry na by. Mahal ko naman na siya eh.."
"Huuu.. Ha?? Ano kamo by??" gulat niyang tanong.
"Wala by.. Tara na tayo na dyan"
Ganon na nga ang ginawa namin.. Agad kaming naligo at naghanda para sa morning mass. Bago umalis ay nagbreakfast muna kami para siguraduhing may lakas kami para sa gagawin mamaya...
Isang oras lang tinagal nung mass pero pakiramdam ko ay sobrang tagal nun. Agad din kaming bumalik sa session hall at naghanda para sa susunod na talk.
Mabilis namang nagsimula ang talk at nakinig na lang kami gaya ng nakasanayan...
"Guys tara lang dito saglit" tawag pa samin ni Kuya Joshua.
"Bakit po Kuya?" tanong ng isa naming kasama, si Jenna.
"Okay na ang lahat? Last part na to at mission accomplish na tayo"
"Kung sakaling walang darating na magulang ang isa sa mga hawak niyo ay kayo na ang bahala." dagdag niya pa.
"Okay po.. Sige." sagot naming lahat.
"Sige yun lang.. Goodluck satin"
Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa session hall at sakto namang matatapos na ang talk kaya naman nagready na kami..
Agad naming tinakpan ng mga panyo ang mga participants at saka dinala sa kabilang side ng venue namin..
Agad na nagstart ang pagrereflection kasabay nun ay maririnig mo na rin ang mga paghikbi ng bawat isa.. Saglit ko pang nilingon si Shiru at nagulat ako nung makitang nakadukdok na din siya.
'Turn on....'
Sa ngayon ay ang couple coordinator naman namin ang nagpapareflect at gaya ng inaasahan ay panay na ang hagugol at iyak ng bawat isa maging kami na service team..
"Byy. Gwapo pa rin siya kahit umiiyak." humihikbing sabi ko pa.
"Gaga neto. Seryoso na wo?" saka tinuro pa ying mata nyang mugto na rin.
"Seryoso by.. Mahal ko na nga siya eh.."
"Sige lang by. Pag yan nagkatotoo ikaw rin..." pabirong sabi niya pa.
Maya maya pa nagsimula ng basahin ng mga magulang ang sulat ng kabilang mga anak. Sa di inaasahan ay si Shiru ang napiling magbasa.
Kaya ganoon nga ang ginawa ni Shiru. Naging mas emosyonal siya at mahahalata mo ang pagiging sinsero niya sa sinasabi niya..
Mahigit ang dalawang oras ang tinagal ng event na yun at ngayon ay naghahanda naman kami para sa paguwi..
"Ahmm. Shiru wait!" habol ko pa sa kanya.
"Bakit ate??"
'Yang mga ngiting yan... Tskkk. Dahil dyan magkakatotoo lahat...'
"Ahhh. Ehh number mo nga??" nahihiyang sabi ko pa.
"Ayoko nga." atsaka inirapan ako.
"Ayy? Bakla? Sungit pala."
"Oyy hindi ah! Halikan kita dyan ate eh." pabirong sabi ko pero aminado kong nahiya ako bigla dun.
"Sige na nga. Maganda ka naman ate eh! 0926******"
"Ayan. Sige thanks. Ingat ha? Mamahalin pa kita.." pabirong sabi ko pa.
"Okay sige. Gagawin ko para sayo..." seryosong sabi niya.
'Shet.. Kinikilig ako!!! Emeee'
Nakaalis na sila pero nandun parin ang kilig sa sistema ko.. Agad din naman kaming nakauwi at doon ko mas lalong naramdaman ang hapo,puyat at pagod....
--
Wag kalimutang iLike,magComment at iShare ang aming story!
-Enasidyr❤❤

BINABASA MO ANG
Three Sisters: One Lover.
Документальная прозаMagsisimula ang lahat sa isang DARE. Hindi akalain ni Andrea na magagawa siyang saktan ng simpleng larong ito. Hindi niya rin akalain na ang mga taong mahal niya ang mismomg manloloko at mananakit sa kanya.Will she accept this moment in her life?