ANDREA's POV.
"Byyyy!!!!!!" salubong sakin ni Lyn.
"Ay? Walang dalaw! Haha" saka siya tinawanan.
"Tse. Last day of practice! Finally.."
"Oo nga we. Nakakalungkot.." nakangusong sabi ko.
"Alin by nakakalungkot? Yung mawawala na yung practice o di mo na makikita yung nagpapractice?" sarkastikong sabi niya...
Nagsisimula na naman kaming mabaliw dahil umiikot na namab kami ngayon sa buong court ng magkaakbay at nakikinig ng music.
'Kaya mahal ko to eh! Haha'
"By? Sino? Hahaha." pabirong tugon ko.
"Wala by. Wala! Tss"
Nagpatuloy lang kami sa ganoong gawain. Tumigil na kami ng marinig namin ang boses ni Kuya Jeff.
"Okay dancers! Pwesto street dance tayo. Final practice to kaya ayusin niyo kundi bibigwasan ko talaga kayo.."
Nagsimula na ang tugtog pero ayaw pa ring makisama ng katawan ko. Pakiramdam ko ay may hinahanap ang mga mata ko.. Pinilit kong makasabay sa flow ng sayaw dahil mahirap naman pag napagalitan ako.
"Mamahal? Wala pa yung lalaki mo?" tatawa tawa niyang banat.
"Hmmm. Ewan baka nagustuhang magbakasyon. Hahaha"
"Baka miss mo na? Hahahaha.."
"Ewan ko ba. Hahaha."
"Ano magkwentuhan na lang tayo? Galaw! Siglahan niyo" sigaw pa ni Kuya Jeff.
Nagpatuloy pa kami sa pagsasayaw hanggang sa matapos ang sa street dance. Saglit lang kaming namahinga at nagayos ng suot na costumes saka dumiretso sa practice ng Showdown.
"Okay pwesto! Andrea okay na dyan ha? Jomar alalayan mo yan ha" sunod sunod na sabi pa ni Kuya.
At ganon na nga ang nangyare.. Naging swabe ang sayaw at perfect ito. Kakikitaan mo ang bawat isa ng sigla sa kanilabg galaw..
"Jom ayan na kinakabahan ako" nanginginig kong sabi.
" Kaya yan" nakangiting tugon niya.
"Okay na? 1,2,3"
Nagsimula na kaming sumayaw sa bangko.. Talon dito,padyak,sampa,ikot.. Paulit ulit yun hanggang sa madagdagan ang bangko. Naging 3 at 5.
"Waaaahh.. Jom!!" sigaw ko dahil sa sobrang kaba.
"Konti na lang isang lundag na lang."
Natapos iyon ng maganda at perfect..
"Okay very good! Bumaba na kayo. 5 minutes break"
"Oy jom di mo man lang ako inalalayan."
----Talon-----
HUPP O_______O
Napapikit ako sa sobrang sakit...
"Guys si andrea nalaglag!!" sigaw nila.
Naramdaman ko na lang na binuhat ako nila kuya RJ at pinainom ng tubig..
"Teng? Okay ka lang ba? Teng?" nagaalalang tanong ni Shiru..
Nagmulat ako ng mata at ng makitang lahat sila ay nakapalibot ay agad akong ngumiti..
"Susko? What happened iha?"
"Byy okay ka lang? San ba masakit?"
"Dito" tinuro ko pa yung dibdib ko na tumama sa kahoy..
"Siya kasi di ako sinapo...." seryosong sabi ko na nakatingin kay Shiru.
"Nalaglag na bumabanat pa rin? Haha" si Irish.
Inalok ni Shiru ang kamay niya para alalayan ako.. Lumipat kaming dalawa sa ibang upuan at doon nagusap.
"Nakauwi ka na pala." tanong ko.
"May masakit pa ba? Tubig? Nahihilo k-----"
"Okay na kong kasama kita.."
'Ginulo na naman ang buhok ko'
"Ayy. Buhok ko yan!" saka pa umirap.
Habang busy ang lahat sa pakikinig ka Kuya ay nagawa namin ni Teng na makapagkwentuhan.. Ilang saglit pa ay pinauwi na rin kami dahil kelangan daw ng beauty rest..
"Bukas na lang ng umaga." bumusina pa si Kuya bago tuluyang umalis.
"Byy." tawag ko kay Lyn.
"Wait lang Shiru.."
Patakbo akong lumapit kila Lyn.
"Okay ka na ba? Nako babae ka! Sasabay ka bang umuwi ha?" nagaalalang tanong niya saka sumulyap ka Shiru.
"Mmm.. Mukang ihahatid ka?" tumango ako bilang sagot.
"Sige na by. Umuwi ka na rin ha? Ingat kayo. Magtext ka kay tita. Bye!"
Kumaway pa muna ako saglit sa kanila saka lumingon muli sa pwesto namin. Deretso ang tingin sa akin ni Teng bagay na ngayon lang niya ginawa.
"Ano ba ang ginawa mo bakit agad akong nahulog sayo?" seryoso ang tingin niya at walang makikitang reaksyon sa mukha niya.
"Ha? Oy Teng grabe ka naman ha? Hahaha."
'Wag ngayon... Please.'
"Tara na teng? Ihahatid na kita."
"Sige. Intayin kita dun." turo ko sa may gate.
Umalis siya para kunin yung motor. Doon ako nagkaroon ng pagkakataong tanungin ang sarili ko.
'Ano nga ba ang ginawa ko Teng? Ako nga ba o ikaw?
Ang totoo,di pa rin ako naniniwala sa ginagawa ni Shiru. May kung anong pakiramdam ang pumipigil sakin para paniwalaan yun.
"Tara na teng?" yaya niya.
"Ah oo tara!"
Agad akong sumakay sa likod niya. Nagmaneho rin siya agad. Hindi na kami nagkibuan hanggang sa marating namin ang tapat ng bahay namin.
"Oh pano? Andito ka na. Uuwi na ko.."
"Saglit lang.." pagpipigil ko sa kanya.
"Salamat teng. Ingat ha? Magtext ka pag nakauwi ka na." saka siya ngumiti.
"Sige gagawin ko yun. Pasok ka na ha? Babye!"
Agad niyang inistart yung motor. Lumingon muna siya sakin bago tuluyang umalis..
'Wag sana ako ang unang mahulog sa larong ginawa ko..'
Di na rin ako nagtagal sa labas at agad na pumasok sa loob ng bahay. Saglit pa kong nakipagkwentuhan kila Mama at Dada tsaka naglinis ng katawan. Mabilis din akong natapos kaya nagdesisyon na akong humiga.
--One Message--
From: YFC Shiru.
Nakauwi na po ako teng. Tulog ka na ba? :) Goodnight. Sweetdreams po :*Di ko na siya nireplyan at agad na tinext si Lyn.
Compose Message
To: Kambal Lyn :)
Nakauwi na ako kanina pa by. Hinatid ako ni Shiru. Goodnight by. See you tommorrow. Maaga akong pupunta diya. Mwaaah!
Message Sent~
Nagdasal muna ako bago tuluyang humiga sa kama ko. Marami na namang takot at tanong ang namuo sa isip ko...
"Kailangan daw ng beauty rest. Haha"
(---.---) Zzzzzzzzzzzzz.......
BINABASA MO ANG
Three Sisters: One Lover.
NonfiksiMagsisimula ang lahat sa isang DARE. Hindi akalain ni Andrea na magagawa siyang saktan ng simpleng larong ito. Hindi niya rin akalain na ang mga taong mahal niya ang mismomg manloloko at mananakit sa kanya.Will she accept this moment in her life?