ANDREA's POV
Ilang araw na ang nag daan na puro kami practice..
Panay na rin ang pag kukulit sakin ni Shiru.
Teng here, Teng there, Teng everywhere..
Aaminin kong hindi naman ako naiinis. Medyo kinikilig pa nga ako eh. Hihihi.
Nandoon pa yung time na nakikipag palit siya sa partner ko para maging partner kami.
Hindi naman pwede kasi sa bangko ako saka yung partner ko.
"Pusang!! Laging kay Alexis ang bagsak ko eh!" nakangusong ani Lyn.
"Hahaha. Ayaw pa mo?" si Irish.. "Crush ko nga yun eh!"
"Tch! Eh araw-araw nagpapalit ang king ina eh! Di mapirmi. Yun at yun din naman partner ko. d-,-b"
"Hahaha. Palit tayo!" prisinta ni Irish.
"Tapos sa likod ako?! Hindi naman ako kasing tangkad niyo!!" umirap-irap pa si Lyn kaya bahagya akong natawa.
"Maliit ka kase!!" pang-aasar ni Irish.
"Cute size!! Hindi maliit!! Pesteng yan!"
"Hahaha" tawa namin ni Irish.
"Wala yung 'lab op my layp' mo ah?" biglang tawa ni Lyn.
"Nag Cavite daw eh. Advance birthday trip??" sagot ko.
"Naks! Alam na alam eh!!" ngiti nalang ang isinagot ko sakanila.
Napapadalas na din ang pagte-text namin.
Puro siya pagpaparamdam... Don't get me wrong pero hindi yung multong nagpaparamdam ha? What I mean is yung nagpaparamdam ng feelings..
Hindi din nawala yung sinabi sakin ni Irish.. Yung mga consequences na kapalit nun.
'Sa trip ba nagsisimula ang lahat?'
LYN's POV
~I take one step away
And I find myself coming back to you my one and only, one and only you..~Na-LSS na ako sa kantang yan simula ng kantahin namin ni Andrea paulit-ulit habang parang mga baliw na naglalakad paikot sa buong court.
Nakauwi na kaming pare-pareho galing sa isang nakakapagod na practice.
Ilang beses kaming nagpapaaulit-ulit kapag may nagkakamali ng step.
*Beep!*
Naka pikit kong kinuha ang cellphone ko sa may gilid ko.
'Shiru?'
Agad kong binuksan ang message na iyon.
From: Shiru..
Yo!
'Huh?'
To: Shiru..
Ha?
Sent!
*Beep!*
Nag taka ako ng mabasang sakanya na naman galing ang sumunod na text.
'Anong trip ng isang 'to?'
Natawa ako, 'Hindi siguro makatulog.'
From: Shiru..
Can't sleep. :/
'Gotcha!! Malala na siya. d-,-b Dapat ay si Andrea ang tinetext niya..'
To: Shiru..
BINABASA MO ANG
Three Sisters: One Lover.
Non-FictionMagsisimula ang lahat sa isang DARE. Hindi akalain ni Andrea na magagawa siyang saktan ng simpleng larong ito. Hindi niya rin akalain na ang mga taong mahal niya ang mismomg manloloko at mananakit sa kanya.Will she accept this moment in her life?