Chapter 1. Shoes...

40.1K 669 4
                                    




"SON OF A GODDAMN LITTLE ROTTEN SHOE-BITING BITCH!!!"

Hindi ko alam kung kulang pa nag pagsigaw ko na 'yon at nawala na rin ang paki ko kung narinig man ako ng buong Pilipinas.

Parang gusto kong gibain ang buong bahay at hanapin ang walanghiyang bubwit na siyang may kasalanan kung bakit pakiramdam ko ay mapapatay ko ang sinumang magtatangkag kumausap sakin.

"THREE THOUSAND FIVE HUNDRED NINETY-FIVE PESOS!!!"

Naihilamos ko ang mukha ko sa sobrang panghihinayang.

Pinaghirapan kong ipunin ang perang ipinabili ko ng Chuck Taylor ko na 'yon! Ni wala pang dalawang taon!

Dugo't pawis ang ipinuhunan ko para lang makuha ang limited edition na converse shoes na ngayon ay hindi na mapakikinabangan dahil nga sirang-sira na iyon sa kagagawan ng pesteng dagang matagal nang nakiki-free-ride sa bahay na inuupahan ko.

Napadausdos ako paupo sa sahig, hawak-hawak pa rin ang pares ng pinakamamahal kong sapatos. May mga bakas pa ng tig-dadalawang matutulis na ngipin ang iba't ibang parte niyon kung saan ginawa ng daga ang karumal-dumal na krimen.

"BAKIT MO NAGAWA SAKIN 'TOH?!"

Nagsimula nang manikip ang dibdib ko, tanda ng pagsisimula ng 'crying ritual' ko.

"ANO BANG KASALANAN KO SAYO?!"

Hindi naman ako ma-dramang tao pero sa mga oras na ito ay wala nang makapipigil sakin.

Parang waterfalls lang ang peg ng mga mata ko dahil masakit na masakit talaga ang pakiramdam ko sa labis na panghihinayang.

"SA LAHAT NG KAGAMITANG MERON AKO, BAKIT ITO PA?! BAKIT SAPATOS KO PA?! BAAAKEEEET??!!!"

Kung nasa pampublikong lugar lang ako naroon, baka isipin ng mga tao na namatayan ako ng mahal sa buhay o di naman kaya ay nagkaroon ng nakamamatay na sakit at may taning na ang buhay.

Sa totoo lang, parang ganun na nga ang nararamdaman ko.

Hindi ko naman magawang murahin ang hayop na daga na 'yon---out loud...at baka marinig niya. Naniniwala kasi ako na nakakaintindi ang mga daga at kapag na-offend mo dila ay babalikan ang natitirang kagamitan mo at tutuluyang sirain.

Nagmura naman ako pero sa English lang. Hindi naman siguro sila nakakaintindi ng English?

"HINDI KA NA NAAWA SAKIN...WALA NAMAN AKONG GINAWANG MASAMA SAYO, BAKIT GINAGO MO LANG AKO?!"

Napahagulgol na rin ako. Maliit na halaga lang siguro ang tatlong libo't limang daan, siyamnapu't limang piso para sa ibang tao pero para sa mga katulad kong nagpapapakaindependent ay mas malaking halaga pa 'yon kaysa sa buhay ng tao.

Wala na akong nagawa kundi pagmasdan nalang ang sapatos at gugulin na lang ang natitirang oras ko sa pag-iyak bago ko lisanin ang lugar na 'to.

Aalis na ako.

Mami-miss ko rin ang La Union, nagging tirahan ko rin ito sa loob ng halos sampung taon.

I was barely 16 nang mapadpad ako ditto.

Kailangan ko na kasing mag-take ng risk. Hindi ako mabubuhay sa paraket-raket lang.

Laking pasasalamat ko na lang at naging isa akong kapal-muks para makipagkilala kay Twilight noon na bagong dating, 3 months ago.

Kinailangan ko talaga ng makakasama noon sa Sunshine Resort dahil wala man lang ni isa sa mga taga-rito ang kaibigan ko. Hindi naman kasi ako masyadong naglalalabas.

The Elite Men Empire Series: Singing Zeus a Love SongWhere stories live. Discover now