Chapter 36. Face-to-face.

10.5K 339 11
                                    


Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa braso.

Nakatulog pala ako. Hindi ko alam na makakatulog pa pala ako sa sama ng loob.

Isang oras pa lang pala ang nakalipas. Ibig sabihin, may mahigit isang oras pa ang byahe namin.

Tinignan ko si Z na siyang gumising sakin. He was looking back at me with those expressionless eyes again.


"CR."

"O-okay..." sabi ko at sumunod sa kanyang bumaba ng sasakyan.

"Hintayin mo na lang ako sa kotse pagkatapos mo. I need to buy something." bilin niya bago ako talikuran at naglakad palayo.

"S-sige..." sagot ko kahit duda akong narinig pa niya iyon dahil malayo na ang agwat naming dalawa bago pa ako nakasagot.

Hindi ko alam kung ano ang iisipin, but I feel like he's inching himself away from me more and more each passing hour.

Hinarap ko na lang ang pagsi-CR at pagkatapos ay nag-antay sa loob ng sasakyan.

Hindi nagtagal ay nakikita ko na ang parating na si Z, may bitbit siyang isang box ng donuts at chocolates.

Gusto kong isiping ibibigay niya iyon sakin na peace offering pero hanggang sa sumakay siya ay inilagay lang niya ang mga iyon sa backseat at hindi nakarating sa mga palad ko. Bago niya pinaandar ang sasakyan ay kinuha niya ang celphone niya at may tinawagan.

"I have something for you pag-uwi ko." sabi niya telepono habang nakangiti.

That smile should have been mine...

"Yup. I'll see you tonight."

Hindi ko mapigilang maging curious kung sino ang kausap niya, pero ang hula ko ay babae. Hindi naman siya bibili ng donuts na galing sa isang mamahaling shop at chocolates na mahal ang brand kung wala siyang pagbibigyan.

"Okay, you too. I love you..."

Those last words struck me.

Parang ang tagal tagal na nang huli kong marinig ang salitang 'I love you' mula sa kanya, at ang masakit pa doon ay hindi niya sa akin sinabi iyon kundi sa taong kausap niya sa phone.

She must be someone special. Someone who can make him smile. Someone he loves.

Someone who's not me...

Pigil-pigil ko ang sarili kong magtanong dahil pakiramdam ko ay natanggalan na ako ng karapatan sa kanya. Masakit sa loob ang ganun. Masakit ang magselos nang hindi mo alam kung anong pinagseselosan mo. Ang pinakamasakit diyan ay ang isiping hindi pa man kayo nakakapag-usap nang maayos ay may iba na siya agad.

May iba na kaya siya?

Nagsawa na siguro sa katigasan ng ulo mo.

Alin nga ba ang mas masakit: Ang malamang hindi para sakin ang mga binili niya? Ang malinaw na narinig ko ang usapan nila ng pagbibigyan niya ng mga binili niya? O ang isiping wala na akong importansiya sa kanya?

Masakit...

Masakit na masakit.

Lalo pang piniga ang puso ko pati na ang mga intestines ko nang umandar ang sasakyan na walang kibuan at ni hindi ka manlang pinansin ng taong mahal mo.

I glanced at the window.

Siguro nga tama si Z...na iba na lang ang pagtuunan ko ng pansin. Pero nakapagtatakang ni hindi man lang sumingit sa isipan ko ang pagkikita namin ni Daddy mamaya. Ni hindi ako nag-imagine kung ano ang magiging scenario.

Dahil masyado kang pre-occupied kay Z...

Itinulog ko na lang ang natitirang isang oras ng byahe para pansamantalang makalimutan ko ang sakit.

Saktong paghinto ng kotse ay nasa Villa Yelena na kami, alas-dos na ng hapon.

Ipinagbukas ako ni Z ng pintuan at pagkatapos ay binitbit ang maleta ko mula sa compartment.


"Good afternoon, Young Master." bati ng isang nakangiting lalaki na nag-bow pa sa harapan mismo ni Z.

"Jake, I'll burn you alive." hindi maipinta ang mukhang sabi ni Z sa lalaki.

"Nope. You wouldn't want to widow my wife, would you?" nakangising sagot naman ni Jake

"How's Lauren?"

"She's doing great! You?"

"Good."

"Really...?"

"Jake, this is Ruby. Ruby, Jake." pgpapakilala ni Z sa amin.

"His most annoying friend, Hi! Nice to meet you...finally." nakangiting pakikipagkamay ni Jake sakin.

"Hey, same here." nakangiting sagot ko

Mabuti na lang at nandito si Jake para pansamantalang makalimutan ko ang tensyong namamagitan samin ni Z.

"So, would you like to eat first or go see Mr. Matthews?" si Jake

Nag-isip ako.

Medyo pagod ako sa byahe pero siguradong hindi rin naman ako makakakain ng maayos dahil maraming bagay akong iniisip.

Kung haharapin ko naman agad si Daddy, hindi ko alam kung paano magsisimula.


"Gusto kong...mapag-isa muna. Just tell me kung anong room, I can take it from here."

Tumitig lang sakin si Z for a moment bago nagsalita.

"126."

"If you change your mind, we have fine dining, bar, pool area---and by the way, Mr. Matthews is in 129. If you need anything, feel free to ask." si Jake

Tumango lang ako at iniwan na ang dalawa. Para lang akong robot na naglakad palayo hanggang sa marating ko ang room 126.

The room was beautiful...amazing even...but agonizing.

Why?

Because this is the place where my big revelation was uncovered...and the same place where I deal the consequences.

This won't do. I can't take this agony any longer.

Tumayo ako at lumabas ng silid.

Diretso ako ng lakad. Nilampasan ko ang dalawang room hanggang sa nasa harap na mismo ako ng pintuang pakay ko.

Nanginginig ang mga kamay kong kumatok.


"Come in..." sabi ng isang pamilyar na boses.

A very weak voice...


Pinihit ko ang seradura at dahan-dahang pumasok. Parang slow motion sa isang heavy drama movie.

And I wish I was just dreaming...


"S-sophie..."

The Elite Men Empire Series: Singing Zeus a Love SongWhere stories live. Discover now