Para na kaming tanga na nagbubulungan sa backseat! Pero ok lang,may konti naman na akong alam kung ano ang condom. Ginagamit daw siya ng lalaki.
"Tangina! Putangina! Jusko po! Mag-ingat ka nga sa sinasabi mo!"nakahawak siya sa dibdib niya na animo'y hindi makahinga sa gulat. Ano bang nakakagulat? Gusto ko lang naman malaman kung saan ginagamit yun eh,or pa'no gamitin!
"Maingat naman ako ah? Ayaw mo ba i-try? Gusto ko malaman eh!"reklamo ko dahil lukot na muka niya sa mga sinasabi ko.
"Tumigil kana nga! Bumaba kana!"nauna siyang bumaba at tinalikudan na ako.
"Saglit lang naman!"inunahan kasi ako eh!
"Dali! I'm gonna buy baby Celine some clothes!"excited na sabi ni Kath.
"Magsama-sama na tayo."sabi ni Mau na nauuna na mag-lakad.
"Ano ba maganda?"tanong ko sa sarili ko habang nagtitingin.
"Ikaw"
"Ay maganda!"putangina,nanggugulat to!
"Bakit kaba nanggugulat?!"irita kong sigaw sa lalaking nakatagilid sa'kin.
"Sinagot ko lang naman tanong mo ah?"sino ba'to?!
Humarap siya sa'kin at nalaman ko kung sino nga Ito.
"Louis? Ginagawa mo dito?"taka kong tanong.
"Buying?"sagot niyang patanong. Aba,malay ko bang nabili siya.
"Sino kasama mo?"curious kong tanong.
"Concern?"nakangising tanong niya.
"Asa! Tinatanong ka lang,kung ano-ano sinasabi mo"inirapan kona lang siya at sumunod na kila May na nag-hahanap pa din.
Ano na kaya nabili ni Eric? Condom kaya? Hindi,panglalaki lang daw yun eh!
Aha! Teddy bear na lang kaya tapos trouser? Oo! Maganda yun eh,bagay pati sa kaniya yung trouser!
Lumayo ako kina Mau at nag-kita ng pang-regalo.
Nakita ko naman yung mga teddy bear. Yung malaki kaya? Oo! Para nasa room no Celine,tapos,lagi niyang makikita,tapos,maaalala niya kung sino ang nag-regalo sa kaniya non!
Yes,oo,opo, true, tama, right—left.
Pumunta na lang ako dun at pumili.
Nakapili na ako at violet teddy bear ang napili ko. Ang ganda kasi,tapos favourite color ni Celine is violet.
Pinabalot ko muna yun sa staff at lumibot para mag-kita ng trouser.
Habang nag-lalakad ako, someone suddenly caught my attention. The guy I punch! Si basagulero!
Masasalubong ko sila—kasi may kasama siya na dalawang lalaki at isang babae eh.
Mabilis lang ang ginawa kong pag-lalakad—parang tumatakbo na din ako,opo.
So,yun,naka-ligtas ako! Wohooo!
Pero....nakita ko yung bandage sa ilong niya, gagi! Malakas ba suntok ko?
Hinde,kaya nga dumugo,eh.
Epal mo namang utak ka!
'Di katagalan ay nakakita na ako ng bilihan ng trouser. Green color ang binili ko.
Pumunta na ako sa cashier.
"2,550 po"sabi ng babaeng cashier nang ma-compute niya ang pinamili ko.
I have her 3,000. Buti na lang may allowance pa akong 10,000. Di ko naman nagagastos ng matinde eh.
Matapos ay hinanap kona sila Mau. Narinig kong tumunog ang phone ko. May nag-reply.
From: Mau
We're on the parking lot. We'll wait you here.Nag reply na lang ako ng 'otw' tapos nag-lakad na ulit.
Nga pala,nakabili na din ako ng pangbalot.
Yung teddy bear,ipapabuhat kona lang.
"Dude,ang ganda niya"aksidente kong narinig na sabi ng lalaki sa likod ko.
"Oo nga! Pero parang takot sa'tin"salita naman ng babae.
Ang ingay! Para tuloy akong tsismosa na nakikinig sa kanila.
Tsismosa ka naman.
Ang bida-bida mo!
"Tss"bulong ko lumayo.
*
Nakarating na ako sa parking lot at nakita ko sina Mau na nakaupo sa harap ng kotse.
"Buti naman at dumating kana. Kanina kapa namin hinihintay"reklamo ni Eric at pumasok sa loob ng kotse.
"Edi sana,nauna kana"irita kong sabi at pumasok na lang din.
"Saan tayo ngayon?"biglang tanong ni Mau na inaayos yung pinamili.
"Uuwi nako,baka kasi nasa bahay na si Daddy."saad ko. Baka kasi an'don na siya. Magpapaalam pa'ko.
"Hatid na muna natin si baby Zy"sabi ni Kath na nagmamaneho. Baby? Do I look like a baby? Duh! I'm teen na kaya! I'm 16 years old na!
Tahimik lang kami buong byahe.
Hindi ko din namalayan na naka-idlip na pala ako.
*
Nagising ako dahil sa pag-hinto ng sinasaktan namin. Tinignan ko kung bakit. Nasa tapat na pala kami ng bahay ko.
Lumabas na ako at nag-paalam kina Mau.
"Pasok kana sa loob."utos ni Eric. Nasabi kaya 'to? Kanina pa siya ganyan.
"Sige na baby Zy. Pasok kana. Malamig dito."utos naman ni Kath na nasa loob ng kotse at nakalabas ang ulo.
"Get in love. We're leaving na"Mau kiss me tapos hinatid ako sa pintuan.
"Sige na. Mag-ingat kayo,ha? Ba-bye!"paalam ko bago sila umalis.
Pagka-pasok ko,sila manang ang nakita. Nakatayo silang tatlo at parang may kung anong pinag-usapan.
"Mana–"hindi ko na naituloy ang pagtawag ko dahil nakita ko si Daddy.
May dala-dala siyang mga maleta at nakaayos din Siya. Aalis kaya siya?
"Dad..... what are you doing? Where are you going?"I ask hm nang makababa na siya.
"We're leaving"simpleng sagot niya sa'kin.
"Saan po tayo pupunta?"taka kong tanong.
"Hindi ka kasama. Kami lang nang Tita mo at Elicia ang aalis. Sa America na kami titira."he said calmly. He didn't even glance at me.
"P-po? Daddy,sama 'ko!"lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa braso.
Humarap siya sa'kin at nag-salita.
"Zylene, listen, you won't come with us."he said before turning his back on me.
Nalungkot naman ko. Sino kasama ko dito sa bahay? Sila manang Neli, manang Nena,at ate Feli?
Nakita ko sina Tita Flora at Elicia na pababa din at may dalang gamit.
"Aw,the baby girl is sad"natatawang saad ni Elicia.
Her mom just smirk at me.
Pinanood ko lang silang umalis. Ni hindi nga ako nag-paalam sa kanila eh.
****
:>