Natapos nako mag-bihis.
Inantay ko na lang si Celine sa loob.
Di naman na niya makikita si daddy dahil umalis na naman.
To: Cel
Wru?Mabilis lang siyang nag-reply.
From: Cel
Sa labas nyo.Tang-i-na!
"Tagal mo lumabas!"iritang sabi niya na nakasandal sa kotse ni kuya. Halatang aalis si kuya dahil nasa harap na naman kotse niya. San na naman kaya punta non?
"Di mo sinabi na nandito kana,kaya wag kang mag-reklamo"iritang saad ko din.
"Iwan ko bike ko dito"saad niya habang ginigilid yung bike niya.
"Saan milktea-han dito?"tanong ko sa kanya. Di ko pa kasi alam. Kaya ko nalaman yung daan papuntang school dahil tinuro sakin ni daddy.
"Don sa unang kanto. Sa likuan"saad niya.
Dumiretso kami sa sinabi niya at bumili ng milktea.
Strawberry akin tapos sa kaniya chocolate.
Nasa harap na kami ng school nang makita ko yung tatlong kuto--sina Shakira--ang reyna nila, Kellie,Kayla.
"Whoa! Dito pala nag-aaral toh? Kala ko sa kalye"saad ni Kellie. Kala mo naman kung sino.
"Do you have money?"taas kilay na tanong nang reynang kuto--Shakira.
"Nothing"saad ko dahil totoo naman. Iniwan ko sa bahay yung pera ko.
"What? Fine,I'll give you a chance. Bring some money tomorrow,or else"tangina. Manakot pa,kala mo naman makatakot.
"Or else what?"I ask irritated.
"You'll see tomorrow. Let's go girls"binunggo pa nila ako bago umalis.
"Mga tanga"saad ko. Si Celine naman ay nakatitig lang sa mga kutong paalis.
"Tangina talaga sila"saad ni Celine na nakapag-patawa sa akin.
"Tara na"yaya ko sa kaniya.
"Saan room mo?"tanong ko Kay Celine habang nag-lalakad.
"Sa pangatlo. Section C"tinuro pa niya yung room niya.
"Hatid kita"sabi ko.
Tumango naman siya sa akin.
Nasa pintuan na kami.
"Uy Celine! Sino yan?!"tanong nang isang lalaki.
"None of your business"mataray na sagot ni Celine.
Pinapasok niya muna ako.
"Miss,saan room mo?"tanong naman sa akin nung isang lalaki.
Maiitsura naman sila,pero di ko tipo. Halatang mga playboy eh.
"Section A Yan!"sigaw nang lalaking kung sino.
"Alis nako"sabi ko kay Celine. Nag 'ba-bye' naman siya bago ako umalis.
Nang makabalik na ako sa room,tumambad sa akin ang nag-kaka-gulong mga kaklase ko.
Nakapa-bilog sila at may kung anong pinapanood sa gitna.
Laking gulat ko nang tignan ko kung ano iyon. Yung ano! Si---sino na to?! Basta yung basagulero!
Nag-aaway sila ni Louis!
Punyeta! Ganda ng binungad ah?
"Hoy! Itigil nyo nga Yan!"sigaw ko sa kanila pero di nila ako naririnig. Kase naman,nag-chi-cheer pa yung ibang kaklase namin!