Nakalipas na ang pasko at nasa hospital pa din si Kevin.
Don na din kami nag-pasko.
Sabi ni kuya,umalis na daw si Mommy,nasa states na siya.
I didn't even meet her...
It's December 31,gabi na ngayon at nasa hospital ako.
It's time......
I'm sorry baby...
I'm sorry besties...
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-simula ng mag video.
**
Nathan's pov
"Guys! Good news!"balita ko sa mga kasama ko sa hospital pati kay Kevin.
"Eh? Ano yun?"tanong ni Celine sa'kin.
"May mabuting tao na nag-donate ng puso kay Kevin! I don't know her name. Her—kasi,babae siya."saad ko.
Halata sa mga muka nila ang gulat at saya.
"What? That's good! Dapat malaman to ni Zylene!"masayang saad ni Kath.
Ang kaso,wala dito si Zylene. Di namin alam kung nasa'n yun! Bigla na lang nawala.
"Yeah. But, where is she?"takang tanong ni Kevin.
Lahat naman kami ay nag-tataka kung bakit wala siya eh. matutuwa yon!
New year na ngayon. Pinalipas namin ang new year na di kasama si Zylene.
May parte sa'min na malungkot kasi wala siya.
Lalo na si Kevin.
*
Magsi-simula na yung operation pero wala pa din si Zylene.
Asan kaya yung babae na yun?
*
Nag-start na yung operation.
Habang hinihintay ang resulta, hinihintay din namin si Zylene na dumating. Paniguradong matutuwa yon!
**
Kenneth's pov
Ilang araw na din na nasa operating room si Kevin. Ilang araw na din na wala si Zylene.
Asan na kaya yon?
She will be happy if she knows it! I'm sure!
**
Celine's pov
It's been a day nang ma-operahan si Kevin. It's been a day ng di pa namin nakikita si Zylene.
I know,pag-nakita namin yun,matutuwa yon! We will surprise her kapag magaling na si Kevin eh!
**
Katherine's pov
Nag-plano kami na i-surprise si Zylene kapag okay na si Kevin.
Di pa kasi siya nabalik eh.
I'm sure,matutuwa yon!
**
Kevin's pov
Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mata ko.
I slowly opened my eyes.
Nang maimulat kona yung mata ko,ang naabutan ko ay si Mommy, Daddy,Kleo,Kelzy,Ken, Nathan,Kath, at Celine.
Wait—where's Zylene?
"Oh, God! Thank you! Son, what are you feeling?"tanong agad sa'kin ni daddy.
Di ko siya agad nasagot at nagtataka kung bakit wala si Zylene.
Where fvcking is she?!
"Ok n-na po. Uhm..... where's Zylene?"bigla kong tanong.
Nakita kong nagtinginan pa sila.
"Di pa kasi namin alam kung nasa'n siya eh. Pero,isu-surprise namin siya kasi ok kana"masayang saad ni Celine.
Napatango na lang ako.
Kinausap pa nila ako at tinanong tanong.
Maya-maya ay may pumasok na doctor.
"Hello doc,okay napo ba talaga ang anak ko?"agad na tanong ni mommy sa doctor.
"Yes, Madame."ngiting tugon nito.
"Thank you so much,doc!"masayang saad ni daddy.
"Welcome. But, thanks more for Ms. Alvarez for donating her heart for your son."saad ni doc.
Alvarez? Hmmm....
Chineck ako ni doc bago nag-salita ulit.
"Okay na po siya. Pwede na din siyang lumabas. But, before you and I leave,the person who donated the heart leave a video. Here's her phone, thank you."saad ng doctor bago umalis.
Nagulat kami ng makita kung kaninong cellphone ang ibinigay niya.
It's her.....
Bahagyang nanginit ang mata ko.
Lahat kami ay gulat.
Pinlay ni Celine ang video.
It's my baby......
****
:>