chapter 28

1 0 0
                                    

continuation~

*

"Sobrang gwapo ko naman 'ata para pakatitigan mo'ko ng gan'yan?"saad niya kaya umiwas ako ng tingin. Gago,huli ang hatdog.

"H-hindi naman ako natitig ah?!"tanggi ko.

"Ah,so,magkukunwari ako na wala kang picture na nakatitig sa'kin?"saad niya habang may kung anong tinitignan sa cellphone niya.

"Hoy! I-delete mo nga 'yan!"namumulang saad ko at habang inaagaw yung cellphone niya.

"Hey, stop! Baka mabangga tayo!"saad niya at nakatutok sa daan.

Huminto naman ako at tinignan siya ng masama.

He just laughed at my look.

Natahimik lang ako at itinuon ang tingin sa labas.

"Hey,may I ask you?"pang-basag na tanong niya sa katahimikan.

"Yeah"sagot ko.

"If someone very close on you,a person you love so much……got died? What would you do?"tanong niya kaya naman mabilis akong napatingin sa kaniya.

"'Di ko alam…"sagot ko dahil di ko maipaliwanag ang isasagot ko.

He nodded before driving again.

*

Nakarating kami sa apartment namin—nila Kath ng tahimik.

Hinatid niya ako sa tapat ng pinto.

'Di ko pa din talaga ma-process yung tanong niya……it's look like it's have a mean for me……

"Bye na. Pasok kana sa loob. I love you."he missed my cheeks before turning his back.

I felt my cheeks getting red again!

I didn't say any goodbye on him!

Bakit naman kasi pinakilig niya 'ko?

Pumasok na ako sa loob at sinara ang pinto.

Teka,parang walang tao?

"Kath! Celine!"tawag ko sa kanilang dalawa.

Pero nakailang tawag na ako,wala pa din sila.

Where did they go?

But,I was shocked when my phone ring.

It was unknown number.

I answered the call before putting on my ear.

"Hello?"panimula ko,pero,walang sumasagot.

"Hello po?"tawag ko pero wala talaga.

Napag-isipan kong patayin na lang at tawagan sina Kath.

I dialed their number,but,nagri-ring lang.

They didn't answering my call!

"Nasa'n ba yun sila……"nag-aalala kong tanong sa sarili.

Inuulit kong tinawagan yung number nilang dalawa pero di sila sumasagot, nagri-ring naman.

Teka……

Friend ko sila Kevin, Nathan, Eric, at Ken SA Facebook! Baka kasama nila.

Tinext ko si Ken para tanungin kung kasama niya si Kath.

To: Ken
Dre,kasama mo ba si Kath?

Sinunod ko naman si Nathan.

To: Nathan
Bro,kasama mo ba si Celine?

Hinintay ko naman ang reply nila.

Online din sila eh.

Maya-maya,nakita kong nag-titipa na silang dalawa.

Nauna si Nathan nag-reply.

From: Nathan
Yun na nga itatanong ko sana sayo eh. Do you know where is she? She's not answering my calls. I'm worried about her. Kanina kopa din siya tine-text,pero di siya sumasagot.

Mahabang paliwanag niya.

So…

Nakita ko naman yung message ni Ken.

From: Ken
I was contacting her a while ago. But, she's not answering it. I'm fvcking worried! I don't know where she is!

What the……

I dialed their number again.

Please, answer my call Celine……please…

But,no one answered.

Nag-reply ako sa gc namin—kasama sina Kevin, Nathan,at Ken.

Zylene: Ken,punta kayo dito sa apartment…please

Nathan: sige…wait lang

Di kona inantay yung mga reply nila.

Inantay ko na lang yung pag-dating nila.

*

Narinig kong may huminto na sasakyan.

Lumabas ako at nakita ko sina Ken.

"Zylene…"tawag ni Kevin sa'kin.

Kasama din si Eric.

"Are they still not answering?"tanong ko kay Ken at Nathan.

Umiling sila sa'kin.

Bakas sa mata at muka nila ang pag-aalala at lungkot.

*

Nag-hintay kami sa cellphone namin na tumawag sina Celine or 'di kaya naman,mag-text.

Sana.

****

:>

Your GoodbyeWhere stories live. Discover now