Chapter 5: Our Home

16 1 0
                                    

Chapter 5:
Our Home

CONSTANCIA

"Bunso?"

Sumilip si Mama sa pinto ng kwarto ko. Ng makita ang paglingon ko ay agad siyang gumiti sakin. Sinagot ko rin ito ng ngiti ngunit hindi nga lang ganoon katamis. Presko pa din sa aking isipan ang nangyari kagabi.

Tanghali na akong nagising. Hindi na din ako bumaba para doon kumain ng brunch. Nagpadala na lang ako ng pagkain kay Roxan dito sa loo ng kwarto ko at dito kumain. Hindi ko kasi alam kung paano umakto ng normal sa harap nila Mama at Papa kung sasabay ako sa pagkain. Pero narito si Mama sa kwarto ko at siya na mismo ang lumapit sa akin.

"Hi!" bati niya sakin pagkalapit. Nasa may bintana ako ng kwarto ko at pinagmamasdan ang tanawin sa labas. Tirik na ang araw ngunit dahil sa maraming puno sa paligid, preskong hangin pa rin ang malalanghap dito.

"Puyat ang bunso namin.. How's the party?"

I compressed my lips before answering.

"It's.. fun." Ngumiti ako upang mas mukhang totoo ang sinabi ko.

Natuwa si Mama. Ang party na iyon ang unang party dito na pinuntahan ko at kasama pa ang mga kaibigan ko. Noong nagpaalam ako sa kanila ni Papa, natuwa sila at pinayagan ako agad. Way back in Manila, never pa akong nag attend ng party na hindi sila kasama. Wala din akong kaibigan. I was just casual to other people. Hindi ako ganoon ka open sa lahat because I trust no one. Pero rito sa Nueva Camarines, nagkaroon ako ng kaibigan.

Darleen, Aeris, and Harmony. Those three are my friends. Ate Rexie and Kuya Nemo are more like my extended sister and brother. Ganoon na rin si Roxan.

Pero ano kaya ang mangyayari kung hindi ako dumalo sa Party ni Tres?

"I'm happy that you now have friends." ani Mama.

Bumaling muli ako sa tanawin sa labas ng aking kwarto. Naramdaman ko na lang ang yakap ng aking ina mula sa likod ko. Gumaan ang pakiramdam ko dahil doon. It sooth all the pain on my body. 

"Eighteenth birthday mo na next month, bunso. Napag-usapan namin ng Papa mo na tanungin ka muna kung gusto mo ng engrandeng birthday or simple family gathering."

Napangiti ako sa sinabi ni Mama. Next month na pala ang eighteenth birthday ko. And I don't feel like having a grand party.

"I would want a simple birthday po, Ma."

Naramdaman ko ang marahang pagtango ni Mama sa aking balikat.

"As you wish my baby." Aniya.

Lumabas na rin si Mama ng kwarto ko pagkatapos noon. Noong sumapit ang gabi, nalaman kong maghapon ng wala si Kuya at sinabing may inaasikaso raw. I wonder if it's about the investigation about my case or iyong inaasikaso niya rin kahapon.

Gabi na ng makauwi si Kuya pero hindi ko na siya nakausap pa dahil dumeretso ito sa kwarto niya. Hindi ko na kinulit ang kapatid ko at hinayaan na lang magpahinga.

Kinabukasan, maaga akong kumatok sa kwarto ni kuya ngunit di ako pinagbuksan. Nalaman ko na lang na maaga din umalis ang kapatid ko. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas ng mansyon.

Malinis na ang hardin namin dahil iyon ang napagkaabalahan ni Mama noong nagdaang mga buwan. Naglagay ako ng outdoor mat sa may damuhan at doon ako nagpalipas ng  oras. Nasa lilim ito ng kahoy ng manga. Mula rito ay tanaw ko ang kakahuyan sa likod ng mansyon namin. Isang gubat na never ko pang napuntahan. Wala rin sa mga tauhan namin ang napapadpad roon kaya hindi ko rin sinubukan.

Masyadong makapal ang mga dahon sa bawat puno at sobrang dilim sa mga lilim nito. May mga wild animals kaya doon? Baboy-ramo?

"Ate Stan."

All that Come in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon