Chapter 6: Hand in my Hand

16 1 1
                                    

Chapter 6:
Hand in my Hand

CONSTANCIA

"You told Saharah that you're Vino's fiancee."

Huh? I said what?

"Naabutan kitang kasagutan si Saharah habang sinasabi mo iyon. I don't know what your reason why you said that to her.."

I tried to process everything she said. Pinilit kong alalahanin iyong pag-uusap sa loob ng cr ngunit hindi ko maalala. Siguro dahil hindi matalas ang isip ko nong panahon na iyon kaya hindi ito tuluyang nanatili sa alaala ko. The cocaine made me forget those things happened. Hindi lang iyon, nakapagsabi pa ako ng kasinungalingan.

Ang dahilan kung bakit ko sasabihin kay Saharah na fiancee ko si Tres ay malaking tanong. Bakit ko naman iyon sasabihin sa kanya na girlfriend ni Tres, right?

"I got mad at you dahil akala ko'y nagsisinungaling ka lang samin. Na baka totoong may namamagitan sa inyo ni Tres. Nagalit ako kasi naisip ko na tulad ka lang din ni Saharah na bulag sa lalaking iyon. Na baka tulad ka lang din ng iba pang naging ex non. When you slapped me, ginising ako ng lahat ng pakikitungo mo sakin, saming tatlo. Hindi ka ganon. Hindi ka gaya ng mga sinabi ko. I was so confused but at the same time, I know I have hurt you. Stan, kahit na sinasabi ng mata ko na ikaw iyang nasa larawan, ayaw kong maniwala dahil alam kong hindi ka ganyan.. now please answer me.."

Napapikit ako ng mariin. I calm myself bago ko tinitigan ang larawang muli.

The background, even if it's blurry.. alam kong silid ito ni Tres. Alam kong.. ako ito. Kami itong dalawa ni Tres. Half of my body are exposed on this picture. Ganoon din si Tres na nakapatong sa akin rito. Natatakpan lamang ng kumot ang pinakapribado naming katawan. Pero kitang-kita ang dibdib ko.

"It's me."

Katahimikan..

Seryoso ang titig sa akin ni Darleen, pilit na binabasa ang emosyon sa aking mata. Tila hindi pa pumapasok sa isip niya ang sinabi ko.

"Darleen.. ako 'to." Ulit ko.

Tahimik siyang lumapit sa harap ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Hinahanap ng mata niya ang titig ko na binigay ko naman. I know, she wanted me to elaborate it more. Kung ano nga ba nangyari noong gabing iyon at kung bakit naibigay ko ang sarili ko kay Tres.

"May naglagay ng cocaine sa juice na iniinom ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya naghanap ako ng comfort room just in case I need to vomit. Hindi ko maalala ang mga kaganapan sa comfort room because my mind was hazy. Pagkatapos noon ay may nagdala sakin sa kwarto ni Tres. And that happened." Kwento ko.

"Tres?"

"Si Vino Dela Fuente. Iyon ang pakilala niya sakin noong una ko siyang nakilala." Sagot ko.

"Are you saying that he violated you?"

Agad akong umiling dahil hindi pa tapos ang pagsabi ko sa kanya sa nangyari.

"What do you mean, Stan? He didn't? I know, you let him due to the influence of drugs. Pero siya?.. wait. You mean?"

I nodded as if she already concluded it right.

"Oo, Darleen. Pareho kaming nasa impluwensiya ng gamot na iyon."

Natahimik si Darleen at tumabi sakin. She held my hand tightly. Dahil doon ay napa angat ako ng tingin sa kanya.

"Hindi si Vino Dela Fuente ang ama ng pinagbubuntis ng kapatid ko, Stan." Bigla niyang sabi sakin. Hindi ko alam kung bakit bigla niya iyong sinabi sakin ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All that Come in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon