Chapter 2: Won't Sail the Sea

19 1 0
                                    

Chapter 2:
Won't Sail the Sea

CONSTANCIA

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi ko na siya muling nakita. Ilang beses rin akong naparoon kila Roxan noong bakasyon dahil nagustuhan ko talaga ang tanawin roon.

Unang Lunes sa Agosto ay maaga akong pumunta sa unibersidad para sa unang araw ng klase ng taong akademiko.

Huling taon ko na sa Hayskul. Marami ang nagulat sa mga kaklase ko sa Manila ng hindi na ako bumalik roon ngayon taon. They really thought na bakasyon lamang ang pinunta ko dito sa Nueva Camarines.

Napa-aga ako ng sobra kaya ng dumating ako sa classroom ay wala pa ang aking mga kaklase. Hindi pa nagf-flag ceremony kaya dito muna ako sa loob ng classroom naghintay.

Pinili kong maupo sa likurang bahagi. After all, I'm a Velarde. Laging sa parteng hulihan ang upuan sa seating arrangement.

Nang marinig ko ang call para sa flag Ceremony. Iniwan ko ang gamit ko sa loob ng locker, sa bandang likod ng classroom. May mga pangalan na rin naman kasi roon kung kanino iyon na locker.

Pagdating ko sa ground, there's a huge amount of students that are already getting in line.

Sa dami ay medyo nahirapan akong hanapin kung saan ako dapat maglinya.

Buti na lang ay may napagtanungan ako sa bandang hulihan ng ilang linya. Tinuro naman nila ka agad sa akin kung saan ba ako dapat pumila.

Tila hindi naman ako napansin ng aking bagong nga kaklase. The line is by height. Medyo may katangkaran rin naman ako kaya okay lang na sa hulihan ako.

Sabay-sabay naming inawit ang Lupang Hinirang, followed by Panatang Makabayan. Ang sunod na ginawa ay hindi ako makasabay. I was dumbfounded because I didn't know the song they are singing while marching their feet.

I think, it's a song for the Bicolanos. One of the lyrics says.. 'Bicolandia.. The home of the oragons..'

Sumabay na lang ako sa pag march ng paa. I lipsync a bit for me to blend on the crowd. I should've search this kind of things para hindi ako nagugulat.

Tahimik kong tinahak ang daan pabalik ng classroom. Nakasunod lamang ako sa mga kaklase ko na tingin ko'y hindi pa ako napapansin.

Kumunot ang noo ko ng may mapansin ako sa kanila.

May grupo ng mga babae sa aking harap. There are six girls in total. Tatlo sa harap at tatlo sa likod. Ang tatlo sa harapan ay walang dalang kahit isang gamit. But those three are at back, kulang na lang ay magmukha silang Christmas tree dahil sa mga nakasabit na bag.

Hindi mawala ang imahe ng tatlong iyon sa aking isipan kahit na lumipas ang ilang linggo ng klase.

Noong first day ay nagpakilala ako sa kanilang lahat sa harap ng klase. I didn't know all their names. Tanging ang anim na nakita ko lamang nong first day ang natandaan ko ang pangalan.

I didn't know but I find myself eyeing those six. Tingin ko kasi ay may mali talaga sa anim na iyon.

Isang araw, habang tahimik akong nagbabasa sa library, nakita ko ang anim sa isang sulok they are on the table near me so I can hear their conversations.

"Aeris, bilisan mo. Gawin mo na assignment ko." Rinig ko ang utos ni Victoria sa kaklase naming si Aeris.

Nakita kong medyo nataranta si Aeris na siya ngayo'y nagkukumahog gumawa ng assignments. I saw Harmony too doing the same.

"Harmony, ulitin mo! Gayahin mo penmanship ko. Ano ba yan!" Balik ni Samarah ng papel niya kay Harmony.

Napasalubong na ang kilay ko. Teka, bakit ba si Harmony at Aeris ang gumagawa ng assignment nila?

All that Come in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon