Chapter 13

65 2 0
                                    

Sorry po sa long wait!!!! Nagkaroon lang po ng emergency. Pero okay na po ngayon. Anyways! Enjoy po! And Syempre Happy 1k po!!!! Saka lagi pong tandaan na kay Sofia na po yung laging POV. Sasabihan ko nalang po kayo kung mag iiba po ako ng POV. :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

SOFIA's POV

Naging okay naman yung school kanina, smooth lang ang takbo. Minsan nagkakasalubong kami nila John saka mga kaibigan nya, nginingitian ko nalang siya at patuloy na maglakad. Si Princess naman, hindi ko nalang pinansin. Nasawa na ko sa pag mumukha nya. Hahahaha.. So ayun lang naman pero syempre yung pag-aaral. 



*AFTER 1 WEEK* 


Bilis ng panahon no? Well nandito ako ngayon sa bahay nila Julia, actually kami pala, kasi kasama ko rin sila Claudine and Shirley. Nandito lang kami nag-uusap, nagkwekwentuhan, saka nagkakamustahan. Na-miss ko rin naman tong mga to. 


"Oh! Musta naman kayo ni John?! Nagkakadevelopan na ba?!" Pasigaw na sabi ni Shirley.


"OO nga! Musta naman kayo?" Tanong naman ni Claudine.


"Wala namang bago... Ganun pa rin. Pero nag papansinan naman kami. So sana improvement yon." Sagot ko sa kanilang dalawa. 


"Sana nga improvement." Sabi ni Julia.


Huh?!


^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^


Hello! Nandito ako ngayon sa school. Wala lang tambay lang. Nakakainis nga eh! Wala akong kasama, pano ba naman magkakaiba kami ng schedule kaya ganyan! Actually meron naman talaga akong kasabay. Si Julia, kaya lang bigla ring nawala! Kahit kailan talaga oh! Lagi may ng iiwan. Uy! Parang double meaning ah! 


Bigla nalang may tumabi sakin. Hindi ko nalang pinasin, baka kasi kung sino lang.


"Hi Sofia." Ace?!


"Uy Ace! Sorry kala ko kung sino lang... Musta ka naman." Close naman kami talga ni Ace, dahil na rin siguro kay kuya. 


"Ok lang, ikaw musta naman?" Eto may fiance na. Yun sana yung gusto kong sabihin kaya lang wag na. Di naman siguro importante na malaman pa nya.


"Ayos lang din. Alam mo ba---" Bago ko pa matapos sasabihin ko may sumigaw ng pangalan ko . -_-


Si John? Ba't naman kaya? Ano kaya kailangan neto?


"Uy! Bakit?" Sabi ko nalang sakanya.


"Uwi na TAYO." Diniin nya talaga yung tayo habang nakatingin kay Ace.


"Kaano- ano mo yan Sofia?" Tanong sakin ni Ace habang nakatingin ng masama kay John.


Nakalimutan ko! Magka-away nga pala talaga tong dalwang toh! Jusko po! Bakit?!


"Ahmm... Hehehe.... Ano....." Wala talaga ako masagot! Shet!


"Boyfriend nya ako bakit? May reklamo ka?!" Tanong ni John kay Ace.


"Pano kung oo. May magagawa ka ba?" Patay! Ba't pa kasi sumagot si Ace eh! Bwisit! 


Kung nakamamatay ang titig, kanina pa silang parehas nasa sahig. Grabe naman kasi makatitig sa isa't isa! Kala mo mamamatay tao! Lord! Help me! Ano po gagawin ko?!


"Ah John! Tama, sige uwi na tayo" Pumagitna na ako sa kanilang dalwa baka kasi magbugbugan pa yang dalawang yan!


"Sige Ace! Una na kami. Bye!!" Kumaway pa ko saka hinatak si John papunta sa parking lot. Nakita ko pang ngumiti ng mapang-asap haluan mo pa ng matagumpay na ngiti si John kay Ace. Binigyan lang ni Ace Si John ng death glare.



Ng makarating na kami ng parking lot, binitawan ko na yung kamay ni John. Ngayon ko lang napansin na hawak ko yung kamay netong isang to! Jusko Paano?!


Namumula ako! Bwisit!


"Wag kang lalapit kay Ace." Nagulat naman ako sa sinabi ni John.


"Bakit naman? Eh magkaibigan kami nung tao?!" Napasigaw ako ng konti.


"Hindi mo ba alam na may gusto sayo yung tao?!" Okay.. Sumsigaw na rin sya.. Eh, ba't sya naiinis?! Diba dapat ako pa nga yun?! 


Ahah! May na isip ako. Iinisin ko nalang tong isang to!


"Bakit selos ka?!" Ngumiti ako sakanya. Nag-iawas lang siya ng tingin.


"Tssss.. Tara na nga! Ingay-ingay pa eh!" Tapos nauna na siyang maglakad sa kotse nya.


Gotcha!


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Guys! Paalala lang po. Magiging madalas na po yung fast forward dahil gusto ko na pong mapunta sila sa graduation. Pero syempre bago yun may mga twist and turns muna! Hehehehe! Enjoy! BYEEE!!


Love U ALL!!! <3 <3 <3


Ms. A

Arrange Marriage with the GANGSTER?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon