TWO

14 0 0
                                    

*FRESHMEN YEAR*


"Anong ganap natin neto ngayon? Parehas tayong hindi sporty" nakahalumbaba kong tanong kay Kaye habang nakatambay kami sa may school grounds.



I heaved a sigh and look around the busy student of PMT-RCI. Halos lahat ay busy dahil  sa gaganaping sports fest next week. Yung mga kaibigan naman namin sumali sa sport event at ilan lang sa amin yung natitirang palamuti or in simple words cheerleader. Tanging cheerdance competition hindi pa ako nakasali at hindi rin naman ako ganon kagaling sumayaw.



"Ewan ko rin, wala ba kayong practice ng banda mo? Diba tutugtog kayo sa unang gabi nung intrams" she said habang abala siya sa paglalaro ng kung ano sa cellphone niya.



"Bukas pa kami magpapractice" I replied. Ano ba ang magandang gawin ngayong hapon nakakatamad naman umuwi sa condo namin at makakatulog lang ako dun. "Nakakayamot naman tu' simula nang magkacrush ako hindi ko na siya gaanong nakikita pero nung ikaw pa lang yung may crush halos araw-araw nakikita natin yung mga seniors natin" nakabusangot kong anas.



"Edi magdonate ka nang dugo. Balita ko kay Miss Mel meron daw blood donation drive yung department natin sa third day nung intrams" she said.



"Gaga kaba? Sa hemoglobin palang hindi na ako makakapasa tapos uutusan mo pa akong magdonate halos ako na nga yung nangangailangan nang dugo eh. Kung ikaw kaya  magdonate!" I fired back.



"Gaga ayaw mo nun may moment ka sa kaniya na hindi naman yung puros katangahan mo yung nakikita niya. Eh yung last mong kita sa kaniya napatid ka" she said para mapakamot nalang ako sa gilid ng ilong ko. Ito naman pinaalala pa! Paano nakita namin na kumain sa cafeteria si Mr. Maroon shirt tapos napatid nalang ako bigla-bigla.



"Ewan ko sayo! Punta nalang tayo sa kanila Sandro at Kirsten, tulungan natin sila Nicole at Ally sa pagtetrain sa kanila" I said at pinilit na siyang tumayo.



Wala naman siyang nagawa kundi ang sumama sa akin. Sinenyasan lang namin si Claire na abala sa pag-eensayo ng football saka umalis na kami. Mabuti nalang walang pila yung elevator kaya solong-solo naming dalawa. I was sitting in the stool for the operator of the elevator habang hinihintay naming makarating sa seventh floor. 



Jersey and I were talking and laughing about something nang tumigil yung elevator sa fourth floor. When the door opened nanlaki agad yung mata ko nang pumasok sa loob si Mr. Maroon shirt or should I call him boy next door - na nakasuot nang headset habang nakayuko sa cellphone niya. Nagtinginan agad kaming dalawa ni Kaye nang tuluyan na siyang makapasok sa loob saka pumwesto sa may pinakagitna. Habang ako naman ay naistatwa sa kinauupuan ko. P*ta ang bango niya!

Mr. Boy Next Door (Medtech Series #1)Where stories live. Discover now