"Saan punta natin neto?" I asked Jersey habang naglalakad kami sa hallway ng building namin.
It was the third day of our sports fest week at nawawalan na kami nang gagawin. Kakatapos lang namin manood nang laro ng mga kaibigan namin. Nagmumukha na kaming walang may-ari dahil kung saan-saan nalang kami pumupunta. Ayaw rin naman namin umuwi at alam naming tatamadin na kaming bumalik.
We both looked at each other at sabay na bumuntong hininga. Napakainit naman para maglibot sa school grounds.
"Sixth floor tayo" pag-aaya niya sabay hinigit na ako. Hindi man lang hinintay kung payag ba ako. Nagdesisyon na naman siya mag-isa.
"Gagawin natin dito?" I asked nang makalabas na kami sa elevator. I fixed the hem of my dress at nagtingin-tingin sa mga nadadaanan naming laboratory room. Wala namang katao-tao dito ba't dito siya nag-aaya. I was busy looking inside the small glass window of the door nang may nakita akong tao sa loob, they we're eating... andami namang pandesal.
"Post-collection care area" pagbabasa ko sa nakalagay na sign sa labas nang pintuan. "Anong meron dito ba't may post-collection care area?" natataka kong tanong sa kaibigan ko na sa kabilang laboratory naman ngayon sumisilip.
I heaved a sigh at sumunod naman sa kaniya para makisilip na rin. Ohhh- ngayon pala yung blood donation drive nang department namin. That explains all the student riding down the elevator kahit hindi naman pwedeng gamitin ng mga students yun pag bumababa.
"Mag-donate rin tayo nang dugo, Mads" Jersey giddily said para mapatingin ako sa kaniya.
"Hibang kaba? Sa hemoglobin palang hindi na tayo papasa tapos may gana ka pang magdonate, parang tayo na nga yung nangangailangan nang dugo eh" I said at hinatak na siya para doon naman sa kabilang pintuan tumingin. Mukhang wala naman dito yung hinahanap niya eh, hay naku!
"Wala naman dito yung crush-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil parang bulate na inasinan na yung kaibigan ko.
When I looked at the glass window I saw her crush standing beside the patient they were attending right now. Ang gwapo nga naman nang crush neto, jackpot rin! I just clicked my tongue and rolled my eyes at hinayaana nalang muna siya maging kiti-kiti.
"Tara na! Tama na yang pagsa-sight see mo at magsisimula na ulit yung laro nila Claire" pag-aaya ko sa kaniya dahil maglilimang minuto na kaming nakatayo dito sa labas nang laboratory, nagmumukha na kaming tanga. Paano magtatago kapag nahuhuli kaming nakatingin tapos sisilip ulit.
"Last na-" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at kinaladkad ko na siya papuntang elevator. "Napakabitter mo naman Maddie! Paano hindi man lang kasi nasilayan yung crush niya kaya naiinggit" she complained para mapailing nalang ako.
YOU ARE READING
Mr. Boy Next Door (Medtech Series #1)
Novela Juvenil"Thank you for having the courage to get it out of your system, I already have a girlfriend, and continue to do good in your chosen field as well!" MAD is a sophomore college student who seems to be having fun crush-hunting. For her, life is all abo...