two

4 0 0
                                    

Hindi maalis sa'kin ang tingin ng lahat ng nadadaanan ko. Mukang kumalat na nga ang bali-balita na may new girl ng class 4 section devil. Kung noon ay baka inaway ko na silang lahat, pero iba ngayon. Nasa ibang school at ibang pamumuhay ako.

Gusto ko nang matahimik, ayoko na sa gulo at baka  ma-udlot nanaman ang pag kanta ko ng mapa ng sb19 sa graduation.

"New girl?" Isang grupo ng kababaihan ang humarang sa akin.

Nakuha ng lahat ang attention nila. Bumuntong hininga ako, ka-kasabi ko lang na gusto ko ng tahimik na buhay tapos may ganito agad.

"You're from section devil." Sabi ng isa.

Ngumiwi ako.

"I am Belliana, queen of class 1- Angel."

Maganda s'ya, sexy ang hubog ng katawan at hindi ganon kakapal ang make up. Maganda s'ya, pero 'di ko gusto ang aurang binibigay n'ya.

"Are you deaf or mute?" Sabi ng kasama n'ya.

Muka ba 'kong bingi at pipe? Sa ganda kong 'to ay imposible 'yan.

"Can I excuse now? I really need to go to restroom."

Nag singhapan ang mga babaeng kasama ng queen daw nila. Mukang na offend ang mga ito sa way ko ng pag sasalita.

"Rude!"

"You know what?" Hinawakan nito ang baba ko. "Alam ko naman na hindi ka mag tatagal sa section na 'yan. So I would like you ask you kung gusto mo lumipat sa 1-Angel. what do you think?"

Malambing ang pag kakasabi nito, akala mo isang anghel na bumaba sa lupa.

A-alis ako sa 4-devil, pero mukang i-iwasan ko rin ang 1-angel na yan.

Peaceful ang gusto ko, ayoko ng gulo.

"Let me think about that."

Ibinaba n'ya ang kamay n'ya, matipid itong ngumiti at lumapit sa akin.

Halos mag dikit ang muka naming dalawa kaya umatras ako, pero hinagip n'ya ang braso ko para mapigilan 'yon.

"You need to think immediately. My oper is just for two days, kapag hindi ko nakuha ang sagot mo, ako mag bibigay ng sagot para sa'yo." Pinagpag n'ya ang balikat ko bago malaswang hinawakan ang leeg ko pababa sa dibdib. "I'll treat you as my enemy."

Tuluyan na s'yang lumayo saakin. 'Andon pa rin ang matamis na ngiti sa labi n'ya habang ako ay pinanatili ang walang emosyon.

Do I look like threatened? As if naman.

"See you when I see you, new girl." Kumaway s'ya at nilampasan ako.

Hindi ko na s'ya pinag tuunan ng pansin o hinabol man lang ng tingin pero ramdam ko na muli n'ya kong nilingon.

May gusto ata sa'kin 'yon.

Isinuot ko sa bulsa ang kamay at nag simula ng mag lakad. Wala akong pakielam sa babala or threat nila. A-alis rin naman ako ng section na 'yon kahit na hindi nila sabihin.

"Mag iingat ka sa kan'ya."

Napahinto ako. Nilingon ko ang lalaking nilagpasan ako matapos n'yang sabihin yon.

Hindi ko man makita ang muka n'ya, alam kong mula s'ya sa section ko. Hindi na n'ya ako nilingon at patuloy lang s'ya nag lakad hanggang mawala s'ya sa paningin ko.

Lumipat ang paningin ko sa Belliana na nakatingin rin sa nilakaran ng lalaki. Muli n'ya akong nilingon, binigyan n'ya ko ng kakaibang ngisi.

Bumuntong hininga nalang ako at nag lakad na. Pag karating ko sa restroom ay nag hugas agad ako ng kamay. Matapos non ay sinigurado ko na naka lock ang lahat bago tawagan ang numero n'ya.

Class 4 Section Devil: The DestroyerWhere stories live. Discover now