Patuloy ang tingin sa'kin ng mga nadadaanan ko na may kasama ng bulungan.
Tangina, hindi ba nila alam kung gaano kasakit sa tenga yung bulungan nila?
Pag pasok ko sa room ay tahimik ang lahat. Matuwa na ba ako dahil don? O dapat bang mas kabahan ako?
"Zhi!" Lumapit ako sa upuan ko. N'andon na rin sa kabila ko si Acheron at katabi nito ang masama kung tumingin na si Apollo.
Nakangiti nila akong binati na s'yang hindi ko nasuklian. Wala ako sa mood para makipag plastikan.
"Zhi, isa para sayo, isa kay Acheron at isa para kay Apollo. Dinamihan ko na para lahat tayo may kan'ya kan'ya." Bumungis-ngis ito habang binibigay ang chocolate saamin.
Hellel Miranda, 19 years old pero mukang 10 kung umasta. S'ya ang pinaka isip bata sakanila.
"Hellel, mag kakasakit s'ya sa ipin sa sobrang dami n'yan." Suway ng isa sakanya.
Acheron Spade. Nag iisang anak ng Spade clan. Mahinahon at matino sa lahat. Hindi ko alam kung bakit s'ya napunta at nasangkot sa grupong ito.
Pero masasabi ko lang, hindi nya deserve ito.
"Tsh, akin na nga lang yan." Inagaw pa ng isa ang mga chocolate. Napasimangon naman ang isa.
"Para kay Zhi, yan!"
"Muka namang ayaw nya. Akin nalang."
"Gusto n'ya 'yan!"
"Hindi nga n'ya kinukuha eh."
Apollo Montano, hindi ko s'ya masyadong kilala. Ayaw n'ya sakin at malaki ang galit n'ya kapag napapatingin s'ya sakin.
Wala akong kaalam alam kung anong problema n'ya sakin at wala na 'kong balakin pa.
Siguro may gusto 'to sa'kin.
"Akin 'yan."
Inagaw ko rito ang chocolate at itinago sa bag. May sinabi pa s'ya pero 'di ko na pinag ka-abalahang pag tuunan ng pansin.
Habang nag titipa ako sa cellphone ko ay nakaramdam ako ng presensya sa likuran ko. Bago pa man ako makapag react ay ibang kamay ang kumapit sa braso ko para patayuin ako.
"Zhi? Zhi!"
"Fuck!"
Hinila ako ng kung sino at ibinato sa harapan. Sa bilis ng pang yayari ay naramdaman ko nalang na tumama ang tuhod ko sa paa ng lamesa.
Sa sobrang sakit non ay bumagsak ako sa sahig. Napapikit at kinakalma ko ang sarili.
"Now, let's talk."
Nakita ko si Atlas sa harapan ko. Malamig ang mga mata nito.
"Zhi! Sandali nga bitawan n'yo 'ko!" Si Hellel.
Hawak s'ya ng ibang 4-devil-- sila nila Acheron at Apollo.
Nakita ko ang pag di-gusto ni Apollo sa nang yayari, pero pinakalma n'ya ang sarili n'ya.
Akala ko ba naman magiging okay lang ang araw ko ngayon, anong nangyari?
"Ngayon, sabihin mo samin kung sino ka ba talaga?"
Tinignan ko ng masama si Atlas. Masyadong masakit ang tuhod ko para makabangon at sipain s'ya.
"Gago ka! Pinakita ko na id ko hindi mo pa rin ako kilala?"
Nakita ko ang pag balot ng inis sa muka n'ya, hinawakan nga ang panga ko at pinaharap sakanya.
Gago,sumakit ang skin ko.
YOU ARE READING
Class 4 Section Devil: The Destroyer
AksiMerciless Untameable Dangerous Destroyer Sila ang 4-devils. Labing walong kalalakihan na walang paki-alam sa buhay. Basag ulo, gulo at kung ano ano ang pinapasok. They are group of guys but not fraternity. Paano kung ang tinatawag nilang devils a...