Nag lalakad ako ngayon sa hallway, napapalingon sa'kin karamihan ang mga studyante.
Napabuntong hininga ako, mukang kumalat na ang balitang may nag iisang babae sa 4-devil.
Nag research ako tungkol sa section ko, nag bigay ang mga source ko kagabi.
Ang section devil ay never pang nag karoon ng babae, dahil daw yon sa rules ng school. Kung may papasok man ay inaalis agad nila ito dahil sa pasang nakukuha nila.
Bayolente ang 4-devils kahit pa babae ka.
Hindi basta basta ang tao sa section na ito, lahat sila ay brutal at mahilig sa gulo. Ilan beses na nga daw na h-hospital ang ilan sakanila dahil don.
Another sakit sa ulo nanaman.
Hindi malinaw kung may fraternity sila pero mukang ganon pa rin yun. Kilala ang grupo nila, marami silang kaaway lalo na sa school.
Napailing ako ng matagpuan ko na ang building ng 4-devil. Grade 12 na ang lahat, graduating na kaming lahat at isang taon nalang, sana ay maayos nila ang Buhay nila.
Bago pa man ako makapasok ay isang lumilipad na bola ang sumalubong sa'kin. Bumuntong hininga ako at iniiwas ko na lang ang ulo ko.
Natahimik ang buong room dahil sa biglaan kong kilos. Hindi makapaniwala ang iba na nakayanan ko yong iwasan.
Psh, pathetic.
Mahina pa ang tirang yon kaisa sa mga nakakalaro ko noon. Wag na sila mag expect na madadali nila ako dahil don.
"Hi, Zhi!" Bati ng iba.
Ngumiwi ako sakanila bago naupo sa upuan ko, sa bandang harapan kung saan mag isa lang ako. Nasa gilid at likod sila, mukang duon ang natural seat nila kaya hindi ko na binalak na lumapit pa.
Matapos ng una naming pag kikita ay hindi na nila ako ginulo pa, naging tahimik ang room pero hindi mawala ang matatalas nilang tingin.
"Gusto mo chocolate?" Isang lalaki ang nag lahad ng chocolate sa harapan ko.
Malawak ang ngiti nito at mukang genuine kaya hindi ako nag dalawang isip na kunin 'yon. Sa kanilang lahat ay s'ya lang ang nag lakas loob na lapitan ako.
Maayos naman ang pakikitungo nila kahit na parang hangin lang ako sakanila. Hindi rin ako nag e-expect na lalapitan nila ako at c-chikahin tungkol sa personal ko.
"Thank you"
"Pwedeng dito nalang ako? Wala namang nakaupo."
Tinitigan ko sya ng maigi, umiwas sya nung mapag tanto n'ya kung anong iniisip ko. Wala akong nagawa at pinag bigyan nalang muka naman Wala syang gagawing hindi ko gusto.
Malaki ang ngiti nitong umupo sa tabi ko at pinaabot sa iba ang bag n'ya. Nang sundan ko ng tingin ay dun ko lang napag tanto na nakatingin silang lahat sa'kin.
Miski ang lalaking nakasalubong ko sa stairs kahapon.
"Goodmorning, Devils."
Pumasok ang isang mid-30 na babae, manipis ang bewang nito na umiindayog kapag nag lalakad, sumasabay ron ang mahaba nitong buhok.
Nang makarating sa lamesa n'ya ay malumanay nitong inayos ang salamin. Matalim na nilingon ang klase at nawala 'yon ng mapunta sa'kin ang paningin nya.
"Akala ko may ginawa na naman kayong kabulastugan kaya tahimik kayo, yun pala ay dumating na ang bago n'yong kaklase." Matamis itong ngumiti saakin.
"I am Franxine Verizon but call me miss franx, I am your major subject teacher and your advicer. I finally meet you, Zhi." Makahulugan nitong sabi.
Tumango ako dahil wala ako sa mood na makipag chismisan sakan'ya.
YOU ARE READING
Class 4 Section Devil: The Destroyer
ActionMerciless Untameable Dangerous Destroyer Sila ang 4-devils. Labing walong kalalakihan na walang paki-alam sa buhay. Basag ulo, gulo at kung ano ano ang pinapasok. They are group of guys but not fraternity. Paano kung ang tinatawag nilang devils a...