Chapter 18

119 6 0
                                    


"Omg! Let me hug you"

Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay sinunggaban na agad ako ng yakap ni Maesie. Napangiti nalamang ako at napayakap sakanya pabalik.

"Happy Birthday Steff" nakangiti niya akong hinarap sabay hiwalay sakin at pumunta sa may gilid ko para kumapit sa may kanang braso ko. Tuloy ay mukha siyang unggoy na nakalambitin sakin.

"Bat ang tagal mo? Traffic?"

"Medyo lang"

"To naman, parang hindi mo birthday, dapat energetic ka ngayon kasi 24 ka na, gosh! Ako rin malapit narin mag 24, for sure magwa-wild ako girl, sama ka ha" natawa nalamang ako sabay ismid kay Maesie na tila parang sinasabi ko sakanya na 'bahala ka sa buhay mo'

Tuloy ay napapadyak nalamang ang mga paa niya sa sahig habang naglalakad kami papasok sa bahay nila.

Malaki ang bahay nina Maesie. Modern House at hanggang tatlong palapag, kung titignan ay masyadong malawak at malaki ang bahay nila para sa tatlong taong nakatira lang dito.

"Punta tayo doon sa kitchen namin, nagbake si Mommy ng cupcakes, your favorite"

"Huy" bahagya ko pa siyang siniko habang nanatili parin siyang nakakapit sa braso ko. "Nakakahiya naman kay Tita Glenda, hindi mo na sana inabala yung Mommy mo--

"Duh, She insisted, and I insisted"

"Nakakahiya-

"Walang hiya-hiya dito lalo na kapag ikaw, pagkain Steff! Pagkain na itong pinag-uusapan natin and I know na you really love foods kaya"

Napabuntong hininga nalamang ako at walang nagawa kundi ang tumahimik at tumango nalamang sakanya.

"Salamat" napaside-eye lamang sakin ang gaga sabay ismid sakin, ganon paman ay napansin ko parin ang palihim niyang pag-ngiti.

"Eh yung Daddy mo? Nandito rin ba si Tito Alex?"

"Yup, He's with my Mom, you know, couple things" napangiti ako samantalang si Maesie ay masyado nang naalibadbaran sa pagiging sweet ng Mommy at daddy niya na tila parang newly wed pa ang mga ito kung umakto.

Para sa isang batang lumaki sa isang broken family katulad ko, nakakainggit ang ganon at uhaw akong makitang magkaganon din ang magulang ko pero matagal na akong naging bato at nawalan ng pag-asa. Nasa realidad ako at malabo nang makita ko pang magkaganon sina Mama at Papa, parehas na silang may sariling pamilya. Respeto nalang talaga ang nararamdaman na meron ako para sakanila pero kahit ganon ay nakakapanghinayang lang talaga.

Nang makarating kami sa kitchen nila ay naabutan namin doon ang Mommy at Daddy niya na abala sa paghahanda. Parehas ang mga itong nakangiti, halata sakanila ang pagiging masaya, napangiti nalang din ako nang makita ko kung paano lambingin ni Tito Alex si Tita Glenda. Abala ito sa paglagay ng icing sa cupcake samantalang itong si Tito Alex ay nagsisilbing distraction lang ni Tita kaya panay ang pagkunot ng noo nito at pagsaway sa asawa pero sa huli ay napapangiti nalamang ito dahil sa hindi nito matiis ang asawa. Nakakatuwa sila sobra but at the same time ay nakaramdam ako ng inggit kay Maesie sa pagkakaroon niya ng magulang na kagaya nina Tita at Tito.

"Mom, Dad. Steff is here na" lumapit ito sa mga magulang niya at sumilip pa sa cupcake na inihanda ng Mommy niya. Napangiti ako ng marahan nang mapalingon sina Tito at Tita sakin.

"Hi po Tita" lumapit ako sakanya at bago paman ako tuluyang makarating sakanya ay nauna na itong naglakad papalapit sakin at sinalubong ako ng yakap.

"Omy goodness Happy Birthday Dear, it's been a while. You still look pretty and adorable Steff. Ang blooming mo ata"

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon