Chapter I : Ayoko sa Ulan
Umuulan na naman. Dapat siguro mas makinig pa ako sa mga weather updates sa TV. Naaalala ko pa yung mga panahong sinasabi mo sa akin na abangan ko muna ang weather forecast bago umalis ng bahay. Kaya ayun, nasanay ako na ikaw ang gumagawa nun para sa akin, lagi mo pang sinasabi sa akin na magdala ng jacket o di kaya ng payong. Pero eto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng ulan. Ma, ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko talaga gusto kapag umuulan tuwing summer?
Lumalamig na, nanginginig na ang katawan ko sa bawat pag-ihip ng hangin sa basa kong damit. Hinahawakan kong maigi ang guitar case ko, ayoko kasing pasukin ito ng tubig at mabasa. Regalo mo sa akin 'to 'di ba? Ito lang yung tanging hiningi ko mula sa inyo, simula nung maghiwalay kayo ni Papa. Ito lang din yung tanging alaala mo sa akin, bago mo kami iniwan.
"Umm, excuse me?" Isang boses ang bumasag sa aking guni-guni. Pumikit ako at sinubukang isantabi muna ang mga bagay sa aking isip. Sino kaya ito, baka fan lang siguro? Ano kayang kailangan nya, autograph? Or magpapa-picture? Alam mo, kung nakapagstay ka lang dito, malamang malalaman mong sikat na ako. Yung banda ko, nagpopost kami ng mga performances namin sa Net tas ayun, naging viral at nag-click agad sa panlasa ng tao. Instant celebrity na ang anak mo, Ma. Kilalang-kilala na ako dito, at malamang, kung nandito ka pa, sasabihin mo sa akin na "Anak, I'm so proud of you." Tapos naisip ko, ganoon nga ba talaga ang iniisip mo ngayon, bigla ka na lang nawala, parang bula, Hindi ka man lang nakapagpaalam.
Lumingon ako, gusto kong makita kung sino itong bumasag ng aking pagmumuni-muni. Pero nung nagtama ang mga mata namin, napa-nganga nalang ako. Nganga ako ngay-on. Hindi ako makahinga ng maayos, kumbaga unsteady ang paghinga ko, sobrang bilis din ng pagpintig ng puso ko. Para bang tatalsik siya mula sa dibdib ko anumang oras mula ngayon. Tuyo ang bibig ko, kahit na kanina pa akong basang-basa ng ulan. Hindi ako makakurap, malay mo sa pagkurap kong iyon maglaho siyang bigla.
"Huy, ayos ka lang ba?" Na-pick up nung utak ko yung sinabi nya, akala ko magha-hang na lang ng ganito ito e.
Sinubukan kong magsalita pero walang lumabas na salita sa bibig ko. Tinitigan ko siya. Malamang nagsisi na siyang tumigil at kausapin ang basang-basang hindi ka-kilala sa may bus stop. Nagmumukha na akong tanga, malamang weirdo sa paningin nya pero wala akong pakialam. Hinayaan ko ang sarili kong pagmasdan siya ng maigi; mga matang kulay tsokolate na nag-match sa kulay cinnamon niyang buhok. Gutom ba 'ko kaya ganito description ko sa kanya? Anyway, itutuloy ko. Mga pisnging kakulay ng bagong pitas na rosas, na siya rin namang kakulay ng mga labi niya. Pati yung hugis ng mukha niya, mala-hugis puso na bagay talaga sa kanya.
Sinubukan kong tumingin paibaba, mababa pa sa leeg nya, yung puting shirt na suot nya, pati yung pink shorts niya na tamang-tama lang sa legs nya. Napalunok siya, dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Nag-blush ako, seryoso. Baka isipin naman niya, perverted ako or kung ano man. Wag naman sana.
"Yung daliri mo, nagdudugo." Sabi niya sa akin sabay turo sa kanang kamay ko. Makikita mo ang concern sa mga mata niya. Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon hindi pa siya tumatakbo palayo, sino ba naman ang makikipag-usap sa isang hindi kakilala na mukhang weird 'di ba? Napatingin ako at napansin ko ngang dumudugo ito.
Maliit na hiwa lang naman, gawa siguro nung practice namin kanina. Naputol yung string ng gitara ko, at 'di ko pansin na nahiwa pala ako. Sa tagal ko nang naggigitara, immune na ata ako sa mga ganito e. Nagulat ako ng siya mismo ang humawak sa kamay ko at tiningnan ito.
Pero hindi naman talaga dapat itong ipag-alala, Natuyo na yung dugo. Hahaha.
"Heto o," sabi niya habang may kinukuha sa bulsa niya. Normally, mapapaatras ako kung ibang tao ang gagawa sakin nito. Pero ibang kaso 'to e, madarama mo talaga yung concern sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam, gusto ko ito. Gustong-gusto.
Inipit nya yung hawakan nung payong sa gilid niya, para kahit papaano'y hindi ako mabasa ng ulan. Kinuha nya yung pink na Band-Aid at ibinalot sa daliri ko. Kakulay nung mga labi niya yung Band-Aid. Para akong na-engkanto. Magic. Nagcocontrast yung malamig kong kamay sa dun sa kanya, mainit, yung tipong ang sarap hawakan. Tiningnan ko siya habang nilalagay niya ito sa daliri ko.
Nagcoconcentrate siyang maigi, yung para bang nagsasagot ng exam sa Physics. Napangiti ako, ang cute niya kasing tingnan. Nung natapos na, nginitian niya ako. Tumigil ang paghinga ko ng saglit, kasi naaalala kita sa kanya!
Naalala ko yung mga panahong itinuturo mo sa akin ang mga signs na naiinlove ang isang tao. Mabilis na tibok ng puso, unstable na paghinga, at yung pakiramdam na parang kayo lang yung nasa paligid, wala ka ng alam sa nangyayari. Hindi pa ako naniniwala sayo noon pero ngayon, ibang usapan na 'to Ma! Dapat pala siguro inunawa ko yung mga sinabi mo noon.
May tumawag sa kanya, napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Napatingin din siya, at kinawayan niya ito. Kinawayan din siya nito.
Oh no.
Bigla siyang lumingon sa akin, na may bahid ng kalungkutan sa mukha niya.
"Magkikita pa naman tayo 'di ba? Mauna na ako." Sabi niya sabay naglakad papunta sa kaibigan niya. Naiwan na naman ako sa ulanan, biglang nawala yung init sa paligid. Hindi man lamang ako nakapagpasalamat sa kanya.
Ganito, ganito din ba yung naramdaman mo?
Napatingin ako nung bigla akong lampasan ng isang bus. Sayang, 'di bale na. Napatingin ako sa pwesto niya kanina, nananaginip ba ako? O inimagine ko lang siya?
Tiningnan ko yung daliri ko; nakabalot yung Band-Aid na pink sa hintuturo ko.
Napangiti ako, totoo siya. Totoo nga ang lahat ng ito.
Ma, parang nagugustuhan ko na ata ngayon ang ulan.
BINABASA MO ANG
Pink Band-Aid
RomanceAng first love niya na nagsimula sa isang Band-Aid na kulay pink, sa ilalim ng pink na payong, sa kasagsagan ng isang ulan noong summer. Matt's POV.