Alam mo Ma, dapat mas binigyan ko ng atensyon ang mga sinasabi mo.
Ngayong nagugustuhan ko na ang ulan tuwing summer, ayoko namang mabasa. Ba't ba kasi nagkamali yung weather forecast ngayon? Pinapunta ko siya dito, sa bus stop kung saan kami unang nagkita. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ilang oras na akong nakatayo dito, pero ang totoo'y kani-kanina lamang ako dumating dito.
Paglingon ko ay napansin ko ang pink na payong, wala nang iba. Siya na nga ito.
Paano ba nahulog ang loob ko sa'yo Mimi?
Siya yung tipo na mas nag-aalala kung ano ang itsura niya. Napaparanoid siya sa kakaisip kung ano ang impression niya sa iba. Siya yung magagaliy sa mababaw na dahilan. May pagkawild at mas gusto ang atensyon ng mga tao sa paligid.
Ang aking kabaligtaran.
Para siyang puzzle, yung puzzle na hindi ako napapagod sagutan.
Nakatayo na siya ngayon sa harap ko, sinasalo nung payong ang bawat patak ng ulan. Mababakas sa mukha niya ang pagtataka. Nagpout siya, marahil naiinis dahil pinapunta ko siya dito kahit na malakas ang ulan. Napalunok ako, kinain ko muna lahat ng hiya at kaba sa katawan bago nagsalita.
"Alam mo, nawe-weirdohan ako sa'yo."
"Ha?" Nanlaki ang mga mata niya sa pagkalito.
"Ang weird mo to the extent na nakikita mo ang mundo sa ibang paraan, at yun ang nagustuhan ko sa'yo. Kadalasan, mas gusto ko ang mga babaeng simple, walang arte. Pero ikaw ang kabaligtaran ng lahat ng ito. Concern ka sa physical appearance mo pero wala kang pakealam sa itsura ng iba. Sobrang confident mo, isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ka ng mga tao.
May pakealam ka sa iniisip sa'yo ng tao, pero hindi ka judgmental. Nagagalit ka sa mga simpleng bagay, pero naiiyak ka dahil sa mga bagay na ito. Mahilig ka sa mg tsismis pero napapagkatiwalaan kita ng lahat ng sikreto ko. Gusto mo angat ka sa iba, yun bang gusto mo ang atensyon ng lahat sa paligid pero ibinibigay mo ang buong atensyon mo sa akin sa tuwing kailangan kita." Napatigil ako, nauubusan na ako ng hininga.
Tiningnan niya ako na paea ba akong nababaliw. Marahil nga baliw na ako, baliw na baliw sa kanya. Ayos lang, ngayon ko lang 'to naramdaman sa buong buhay ko.
"Ano ba talagang gusto mong sabihin sa akin Matt? Naguguluhan ako." Nakangiti niyang tanong sabay tungo.
"Gusto ko lang namang sabihin sa'yo na.." Napalunok ako bago nagpatuloy. "Mahal kita!" Sigaw ko, ewan ko lang kung naintindihan niya ako.
Nanlaki bigla ang mga mata niya, narinig niya. Sa lakas ba naman nun e, ewan ko nalang kung hindi niya nadinig yun.
"Ilan lamang yon sa mga dahilan kung bakit nahulog ang loob ko sa'yo Mimi." dagdag ko.
Nanahimik siya bigla, napayuko. 'Wag mong sabihing..?!
Bigla siyang nalungkot matapos marinig ang mga sinabi ko. Natakot ako dahil doon. Inihahanda ko na ang sarili ko sa mga susunod na pangyayari.
Dahan-dahan siyang ngumiti, kasabay ng pagsulyap ng araw sa likod ng mga ulap. Unti-unti kong nararamdaman ang init sa paligid.
Lumakad siya papalapit sa akin at ikinulong ako sa kanyang mga yakap.
Teka? Anong nangyayari?! Nalilito na ako! Ano ba 'to? Isa ba itong paraan para i-reject ang nararamdaman ko ng hindi man lang nasasaktan ang damdamin ko?!
Napayakap na rin ako, kahit na naiilang ako. Nanatili kaming ganoon hanggang sa tumila ang ulan. Dahan-dahan siyang lumayo pero nakakapit pa rin siya sa leeg ko at ako naman sa bewang niya.
Malungkot pa rin siya, mababakas ito sa expression ng mukha niya. "Bakit ang tagal mo? Ang tagal kitang hinintay.."
Nalungkot ako sa narinig. Matagal na pala siyang naghihintay sa akin pero ano? Wala man lang akong ginawa! Marahil nagpaparamdam na siya pero hindi ko man lang napansin ang mga ito.
Napansin niya ang lungkot sa mga mata ko. "Kay tagal kitang hinintay Matt. Sinagot Niya ang matagal ko ng dasal. Mahal din kita Matthew. Mahal na mahal!" Sambit niya sabay niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko ito inaasahan pero I'll take that as an answer! "Simula pa lamang nung makita kita." Dagdag niya habang pinipigilan ang sarili na mapaluha.
Napangiti ako at itinapon lahat ng mga negative thoughts sa isipan ko. Kadalasan, siya ang gumagawa ng first move kaya ngayon, ako naman. Dahan-dahan kong inangat ang maamo niyang mukha at pinunasan ang mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata niya. Hinawakan ko ang kanang pisngi niya at yumuko, hinalikan ko siya sa mga labi. At hinalikan niya din ako.
Para kaming mga piraso ng isang puzzle, magkadugtong at sakto para sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Pink Band-Aid
RomanceAng first love niya na nagsimula sa isang Band-Aid na kulay pink, sa ilalim ng pink na payong, sa kasagsagan ng isang ulan noong summer. Matt's POV.