Chapter VII: Pansinin mo naman ako, Mimi.

15 0 0
                                    

Ngayon, parang naiintindihan ko na ang dahilan kung bakit mo kami iniwan nina Papa. Ang sitwasyon sa pagitan namin ni Mimi ang dahilan kung bakit ko napagisip-isip ang bagay na 'to. Heto ako, nakaupo kasama ang ibang babae habang ako nakatingin sa kanya mula sa malayo. Lahat ng teenagers mula sa iba't-ibang schools ay nakaupo sa palibot ng campfire; kumakain, nagkukwentuhan, nagtatawanan at ang iba ay may plano nang maglangoy sa ilog malapit sa mga cabin bukas.

At hindi niya ako pinapansin.

Kausap niya si Joanne, isa sa mga kaklase niya at ang nanghingi ng number namin ni Mark, yung lead guitarist ng banda namin. Nagkausap na din kami noon at sinasabi niyang idol niya si Mimi. Well, hindi ko siya masisisi. Meron kasi siyang aura na nakakaattract ng tao. Malamang yung pagiging frank at confident niya o yung looks ang nagugustuhan ng marami.

Ayoko talagang pinapansin ako kahit na noon pa, alam mo yan. Pero sa puntong ito, handa akong ibigay ang lahat, lahat-lahat, makuha ko lamang ang pagtingin niya; ang pagsulyap niya sa akin at kanyang matamis na ngiti.

Pinanood ko siya, tumayo sila ni Joanne at naglakad papunta sa kanilang cabin. Mukhang may kukunin ata si Joanne doon. Tumayo ako at dahan-dahang sinundan yung dalawa. Pagpasok nila sa cabin ay nakatayo akong naghihintay sa pinakamababang baitang ng hagdan, iniisip kung ano nga ba't sinundan ko sila.

Pagkaraan ng ilang saglit,lumabas sila ng cabin, nagtatawanan. Ang pagtawa niya ay musika sa aking pandinig. Napatda sila nang makita ako. Iniiwasan akong tingnan ni Mimi pero nakatitig sa akin si Joanne.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"A-ako?!" Nagblush si Joanne, nauutal habang nakaturo ang mga daliri sa sarili.

"H-hindi. Si M-mimi ang tinutukoy ko." Sagot ko.

Parang nanghina siya sa sinabi ko. "G-ganoon ba M-matt? Magkakilala ba kayo?" Tanong niya.

Sasagutin ko sana ang tanong niya nang unahan ako ni Mimi. "Parang ganoon na nga." Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa sagot niya.

"Ah, eh. Sige, mauna na ako Mimi, maiwan ko na kayo ni Matt." Naglakad pabalik sa may campfire si Joanne pero nakatingin pa rin siya sa amin habang naglalakad palayo.

Dahan-dahang bumaba si Mimi at naupo sa may ibabang baitang ng hagdan. Sumunod naman ako at naupo malapit sa kanya. Maliit lang ang space sa pagitan naming dalawa, pero kuntento na ako. At least kasama ko siya ngayon, katabi ko pa. Ramdam ko na ang init sa paligid, mas mainit pa sa campfire, naririnig ko na ang marahan niyang paghinga at ang pabango niya.

Nakaupo lang kami doon, hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Nainip na siya at nagpaalam. "Mauna na ako." Pero hinawakan ko ang kamay niya. "Teka, mag-usap muna tayo." Inaasahan ko ng sasabihin niya ang "Ano ba ang dapat nating pag-usapan?!" pero mali na naman ako.

Pinakiramdaman niya ang kamay ko at napansin ang nakabalot na Band-Aid sa daliri ko. "Alam mo dapat tinatanggal mo na yan." Tiningnan niya ako ng may halong concern sa mukha niya.

"Mangingitim ang daliri mo, sige ka." Para siyang bata.

Natawa ako sa tinuran niya. "Tama ka, pero okay lang. Nagugustuhan ko na nga 'tong Band-Aid na 'to e."

Napangiti siya sa sinabi ko, pero iniwasan niyang tingnan ang mga mata ko.

"Um.." Panimula ko. "G-galit, galit ka ba sa akin?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Tiningnan niya ako at dahan-dahang nawala ang kaba sa loob ko. "Hindi ah. Bakit mo naman nasabi."

"Kasi.." Pinagdait ko ang magkabilang hintuturo ko at pinagkiskis ang mga ito, parang batang nahihiya. "Kasi parang iniiwasan mo ako e." Tinitingnan ko lang ang mga daliri ko, hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, napansin kong nagblush siya at napangiti. Ang cute niyang tingnan. Unti-unti siyang tumingin sa lupa, tila iniisip kung paano niya ipapaliwanag ang biglaang pag-iwas sa akin. Sinamantala ko ang pagkakataong ito para tingnan siya ng maigi.

Inilapit ko ang mga daliri ko sa pisngi niya at hinawi ang buhok niya sa likod ng tenga niya. Ang kulay caramel niyang buhok, ang mala-porselana niyang balat, pisnging may bahid ng pagka-pink, mapupulang mga labi, matangos na ilong at ang mga mahahabang eyelashes na dumidikit sa kanyang pisngi habang patuloy na nakatingin sa lupa.

Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makasama siyang inenjoy ang gabing ito. Okay na sana ang lahat kaso..

"Matt?"

Napatingin si Mimi nang may tumawag sa pangalan ko, at nakita ko ang panic sa mukha niya. Saka lamang ako natauhan nang makita ko si.. ALISA.

Naguluhan si Mimi; kitang-kita sa mukha niya habang tumitingin sa amin ni Alisa.

'Maiwan ko na kayo.' Bulong niya sa akin sabay naglakad pabalik sa campfire. Gusto ko sanang sundan siya pero ang expression sa mukha ni Alisa, mukhang kailangan naming mag-usap.

Agad naupo si Alisa sa pwestong inuupuan ni Mimi kanina. Lumipas muna ang ilang saglit bago siya nagsalita.

"So s-siya p-pala.." Nauutal niyang sabi sa akin. "Nung sinabi mo sa akin na -Hindi ako sigurado- akala ko natatakot ka lang. I mean, we've been friends for so long and crossing that boundary from being friends to lovers sure is awkward. Kaya iniisip ko natatakot ka lang na aminin ang tunay na nararamdaman mo para sa akin. Hindi ko alam na-" Tuluyan na siyang naiyak.

"Sorry Alisa, kasalanan ko ito. I never thought about your harbored feelings for me. Saktan mo ako kung gusto mo,sampalin mo ako. Ibuhos mo lahat ng nararamdaman mong sakit sa akin. Tatanggapin ko, ako naman kasi ang may gawa e." Malungkot kong balik sa kanya. Inaasahan ko talagang sasampalin niya ako ng malakas; Well, I deserved that. Hindi ko naisip na nasasaktan ko na pala siya. Naawa tuloy ako, nalilito, mixed emotions. Pero, mali na naman ako. Niyakap niya ako, at niyakap ko din siya. "Hindi, hindi ko magagawa yun. Ako talaga ang may kasalanan kasi sarili ko lang ang iniisip ko, ako lang naman 'tong mapilit kahit na alam kong ayaw mo talaga."

"S-sorry talaga ha? Ano, umm.. Okay lang ba tayo. Friends pa rin ba 'til the very end?" Magkaibigan kami since pre-elem and ang awkward kung matatapos iyon dahil dito. Tumingin ako sa kanya at tiningnan niya din ako. Pinunasan ko ang mga luha sa mata niya at hinalikan siya sa noo. Hindi ako playboy Ma, friendly kiss lang yun. Gusto ko lang pasayahin siya kahit sa simpleng paraan.

"Hindi tayo bati." Nagpout siya, sabay tumalikod sa akin. "Sige na, sundan mo na siya. Malamang hinihintay ka na niya." Lumingon siya sa akin na may ngiti sa mga labi, mga ngiti na nagsasabing "Okay lang ako, wag kang mag-alala".

Ginawa ko nga, bumalik ako sa campsite. Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Vince, alam na niya siguro ang nangyari, may dalang panyo e.

Tinapik niya ako sa balikat, at nginitian ko siya. "Ikaw na ang bahala sa kanya Vince. Wag mo siyang sasaktan gaya ng ginawa ko." Nginitian niya din ako. "Siyempre naman, wag mo nga akong itulad sa'yo Matt."

"Pangako?"

"Oo. Sige na, lumakad ka na. I'll take it from here."

Pagbalik sa campfire, hinanap ko si Mimi. Nakita ko sila ni Joanne, masayang magkausap habang nagro-roast ng marshmallows.

Huminga ako ng malalim at inipon ang natitirang confidence at tapang sa loob ko at naupo sa tabi ni Mimi. Nagulat siya, ngumiti ako, just to assure her that everything's fine. Nginitian niya din ako, mas matamis nga lang yung kanya.

"Marshmallows, gusto mo?" Nakangiti niyang sinabi sa akin sabay alok ng marshmallows at stick sa akin. Nakangiti akong tumango sabay abot sa marshmallows.

Masaya kaming nag-usap ni Mimi sa harap ng bonfire bagamat nagulo ko sila ni Joanne sa usapan nila kanina. Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko - si Bryce.

"Saglit lang ha?" bulong ko kay Mimi. "Sige." Nakangiti niyang sagot sa akin. Tumayo ako at sinundan ang kapatid ko.

"Kuya, siya na ba?" Tanong niya sa akin.

"Oo, siya na nga." Nakangiti kong balik sa kanya.

Pink Band-AidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon