Buong naghapon akong nakatitig sa daliri ko, yung may nakabalot na Band-Aid na kulay pink. Mag-iisang linggo na rin simula nung makita ko sya. Araw-araw akong pumupunta sa bus station na yun, sa eksaktong oras na nagkita kami. Hindi na siya napapadaan doon. Alam ko nagmumukha akong tanga pero wala akong pakealam. Gusto ko siyang makita, tapos.
Yung Band-Aid na yun, yun ang nagsilbing palatandaan na totoo siya. Natatakot akong tanggalin ito, baka sa pagtanggal ko nito ay maging panaginip ang lahat.
"Oy Matt, anong ginagawa mo dyan? Magsasara na tayo." Sigaw ni Tony, ang drummer ng banda. "Ah, w-wala ito. Mauna na kayo, ako na magsasara." Sigaw ko din pabalik habang inaayos ko ang mga gamit ko. Umuna na ang mga ka-banda ko at naiwan akong naglalakad, nakatingin pa rin sa daliri kong may Band-Aid.
'Di nagtagal, nakita ko nalang ang sarili ko sa counter ng isang bakery, nagbabayad para sa binili kong Oatmeal cookies. Oatmeal cookies.. Teka, hindi naman ako kumakain nito ah? Yung babae sa likod nung counter, malamang isa sa mga fans namin, ay hindi inalis ang tingin sa akin at inabot ang order ko. Iniintay ko lang ang sukli ko nung tumunog yung chime, may pumasok na customer.
"Naku, late na ako. Sana naman hindi ako naubusan nun!"
Natigilan ako, kilala ko yung boses na yun. Siya yun! Napalingon ako sa kanya, hindi naman siya ganoon kalayo mula sa akin. Nagtatatalon siya sa tuwa ng sabihin sa kanya ng manager, yung babae sa likod ng counter na meron pang natirang cookies para sa kanya. Nakalimutan ko yung tungkol dun sa cashier sa unahan ko, na kanina pang nangangawit sa pag-abot sa akin ng sukli. Hindi ko siya pansin gawa nung babaeng papalapit sa akin habang nakikipag-usap sa store manager.
Napanaginipan ko na ito dati; na isang araw magkikita uli kami. Kaya sa tuwing naliligo ako, pinapractice ko na din ang mga gagawin ko kapag nagkita kaming muli.
Batiin, Magpasalamat, Magpakilala
Binubulong ko ang tatlong salitang yon sa isip ko habang papalapit na siya sa akin.
Inabot na ng manager yung order nung babae sa cashier, na galit na galit na dahil hindi ko siya pinapansin. Wala akong pakealam; naka-focus lang ako ngayon sa babaeng nakatayo sa likod ko.
Tumigil saglit ang paghinga ko ng mapatingin sya sa akin.
"Paano nalang kung nakalimutan na nya ako? Paano nga?"
Bigla akong nalungkot sa naisip ko. Paano nga kung nangyari yun? Pero biglang nanlaki ang mga mata niya nung napatitig siya sa akin.
"Ikaw. Nagkita na tayo dati 'di ba?" Sabi nya sa akin nang may ngiti sa kanyang mga labi. Nagtatalon ang puso ko sa saya! Nagpasalamat ako sa Diyos dahil pinagtagpo niya kaming muli.
"H-hi." Nauutal ako kapag kaharap ko siya. Ayos.
Uhh, ano nga ba ang sasabihin ko pagkatapos nito?
Nagpanic ako, pinagpapawisan ako. Kadalasan naman cool lang ako at relaxed, ibang-iba sa kung sino ako ngayon. Para akong kukuha ng exams sa Trigonometry, Calculus at Chemistry.
Itinuro niya kaagad yung cashier. "Sukli mo oh." "Ah." Yun lang ang naisagot ko sa kanya at tumingin ako sa cashier. Inabot niya sa akin yung sukli, ngunit nabitawan ko ito. Nag-echo ang tunog ng nalaglag na barya sa sahig. Lumuhod ako para kunin ang mga ito ng makita ko siyang lumuhod at tinulungan akong pulutin ang mga ito.
Nahawakan ko ang kamay niya nang tangkain kong pulutin ang isang barya, ngunit nauna na siyang pulutin ito. Nagblush ako, kinilig. Hahaha. Iniabot nya sa akin ang mga barya at nginitian nya ako. Nginitian ko din siya pabalik at naglakad papunta sa likod nya. Pinanood ko siya mula rito.
BINABASA MO ANG
Pink Band-Aid
RomanceAng first love niya na nagsimula sa isang Band-Aid na kulay pink, sa ilalim ng pink na payong, sa kasagsagan ng isang ulan noong summer. Matt's POV.