Chapter VI: Siya lamang, wala na akong hahanapin pa.

28 0 0
                                    

Ma, naniniwala ka ba sa kapalaran? Sa tadhana? Naniniwala ka ba sa mga ito?

Ako kasi hindi e, hanggang sa naisipan naming magcamp bago matapos ang school year. Nagrent kami ng cabin kay lola, malapit lang naman kasi yung pinuntahan namin sa kanila. Tanda ko pa, sa burol na ito madalas tayong naglalaro nila Bryce. Dito niyo kasi kami dinadala tuwing bakasyon. Hindi lang kami ang nandito, may mga pamilya din at mga grupo ng kabataan na nagcamp din dito gaya namin. Isang grupo ang nanggaling sa public school at dalawa naman sa private.

Nangunguha kami ni Vince ng mga tuyong kahoy sa kakahuyan. Plano kasi naming magbarbeque kasama yung mga taga-ibang school. Well, ganun talaga kakapal ang mukha namin kapag nagsama kaming dalawa.

"Pansin ko lang, iniiwasan mo ba si Alisa?" Tanong ni Vince sa akin. Tinitignan ko siya. Pagdating kasi kay Alisa, lumalabas ang pagkaperceptive nya. "Akala ko ba gusto mo din siya?" Dagdag niya.

"Sinong may sabi sa'yo?" Sagot ko.

Bigla siyang nagalit. "Eh ba't kayo nagda-date?!" Muntik na nya akong sigawan.

"Hindi naman kami e." Kalmado kong tugon sa kanya. Nakokontrol naman niya yung namumuong galit sa loob niya kaya nagpatuloy ako. "Nasabi ko na ito sa kanya noon; ito yung sagot ko noong nagtapat siya sa akin. Naisipan naming mag-date, para malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko, kung mas malalim pa ba sa pagkakaibigan ang damdamin ko para sa kanya." Paliwanag ko.

"Tapos?" Tanong ulit ni Vince sa akin. "Anong nangyari pagkatapos nun? Meron ba?"

"Wala eh." Sagot ko. "Sinabi ko din sa kanya pero ayaw niyang maniwala. Ang sabi niya naiilang daw talaga ako pag kasama ko siya kaya ganoon. Parang ganun."

Natawa siya. "Akala niya siguro ikaw pa din yung dating Matt."

Parang naging topic na nila ako dati ah? "Paanong dating Matt?" Tanong ko sa kanya.

"Pa-hard to get." Natatawa niyang sagot.

"Hindi ah." Tugon ko. "Yun naman talaga ang totoo eh."

"Naniniwala ako sa'yo." Balik niya sa akin. Isa si Vince sa mga tao na alam kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Madali kasing makaconvince 'tong itsura ko e.

"Pero siya hindi."

Tumango siya. "Ganun talaga ka-aggresive si Alisa, 'pag gusto niya, gusto niya. Gagawin niya ang lahat." Tumawa siya. Naging seryoso ang mukha niya ng makita ang pang-Biyernes Santong expression sa mukha ko. "Palagay ko, inlove ka sa ibang babae." Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nya, nakangiti siya ngayon na parang tanga.

Nagblush ako. Ganoon ba ka-obvious? Sabihin nyo nga sa akin, may malaki bang billboard sa ulo ko na nagf-flash ng mga katagang "I love Mimi" na kahit yung pinakadense na taong kilala ko ay ganoon din ang sasabihin kahit tingnan lang ako ng saglit? Yung totoo?

"Sino ba siya?" Naeexcite nyang tanong sa akin.

"Wala!" Sigaw ko. Naglakad ako palabas ng kakahuyan, habang pilit na sinusundan ni Vince.

At sa puntong ito, dito na ako naniwala sa tadhana.

May bumangga sa akin. Napaupo ako at nalaglag ang mga bitbit kong kahoy. Nakatayo naman ako at napulot lahat ng kahoy na nalaglag. Gusto kong sigawan yung bumangga sa akin ng "Hoy, may mata ka naman 'di ba? Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" nang mag-echo sa pandinig ko ang isang pamilyar na tinig.

"Alam mo, dapat siguro tigilan mo na ang pagsunod sa akin." Natutuwa niyang sabi sa akin.

"M-mimi!" Nanigas ulit ang katawan ko at nabitawang muli ang mga kahoy. Nagtawanan ang mga kasama ni Mimi, mga kaklase nya siguro. (Namumukhaan ko 'tong mga ito. Taga-private school din ang mga ito at nakita ko na sila noong nagpapractice kami hindi kalayuan sa school nila.) Lumuhod si Mimi at tinulungan akong pulutin ang mga nalaglag na kahoy. "Heto o, sorry kung nabangga kita." Nagsorry siya sabay ngiti sa akin.

"W-wala iyon. A-ayos lang." Nakanganga na naman ako habang nakangiti siya sa akin. "Sige, mauna na kami." Sabi niya sabay naglakad papalayo. Tinitigan naman ako ng mga kasama niya, marahil nagtataka na ang sikat na si Matt Fernandez ay napanganga ng kaklase nila. Teka, ilang beses na ba akong nakanganga kapag nakikita ko siya? Hindi ko na mabilang.

At heto na naman si Vince, nakangiti na parang nanalo sa lotto. "Siya na nga."

Pink Band-AidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon